Teaser

4.9K 63 1
                                    

Girlfriend with Benefits
by... Emzalbino

        Altaire Robles, kilala ang kanilang angkan sa may sinasabing pamilya sa bansa. Sila ang nagmamay ari ng Robles  Group of Companies na kilala sa larangan ng negosyo.

Matalino si Altaire kaya may pagka estrikto ito, lalo na kung sa oras ng trabaho ang pag uusapan. Ayaw niya na nasasayang ang isang minuto na nakikipag daldalan lang ang kanyang mga employees dapat lahat nakapukos ang atensyon sa trabaho.

Isang hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon siya ng matinding problema na hindi niya kayang solusyunang mag isa, he needs someone to help him out sa problemang iyon at isang tao lang ang nakikita niyang pwedeng makatulong sa kanya at iyon ay si Dalisay "Issay" Toledo.

Ang babaeng saksakan ng daldal at naglalako ng mga kakanin sa kanyang  kompanya. Ni hindi man lang ito natakot sa kanya kahit na alam nitong napaka estrikto ni Altaire.

At higit sa lahat ay hayagan nitong sinasabi sa binata ang kanyang pagkagusto kaya napapatawa nalang kung minsan si Altaire dahil sa kapilyahan ng dalaga.

Ano ang problemang iyon ni Altaire? Papayag kaya si Issay sa alok nito kung sakaling sabihin ng binata ang kanyang pakay?

.....abangan..

Girlfriend with Benefits Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon