Bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang

BOOOOGGSSSHHH!!!!!

ARAY KO PO!!!!! Sa sobrang sakit ng pagkakatama ng pintuan sa mukha ko napaupo ako sa sahig ng di oras..

“Sophia! Pramis saglit lang ako hindi ako tatakas! Naiihi na talaga ako eh!”

Hawak hawak ko parin yung mukha ko at nakapikit yung mga mata ko kasi sobrang sakit talaga ng pagkakatama sakin ng pinto. Ano ba? May galit ba sakin tong taong to?! Kung meron man sana dinaan niya sa maayos na usapan hindi sa marahas na paraan!

“Babalik ako agad! Pramis talaga!” lalabas na sana yung taong yon from that room ng bigla niya akong matabig,

Nakakadalawa ka na siya!

“Eh? Miss are you okay?” tanong niya sakin

“Okay lang po ” magaling kong sagot, malay nyo teacher pala yung nakahampas sakin ng pinto baka mamaya kung ano pang bad wordSSSssssss ang masabi ko sa kanya, madala pa ako sa Prefect of Discipline

Unti unti kong tinatanggal yung kamay ko mula sa pagkakahawak pero may nararamdaman akong basa

“WAAAAA! may dugo!!!!” sabi nung nakahampas at nakatabig sakin,

“Teka Miss, kukunin ko yung first aid kit! Tssssk! Pero ihing-ihi na talaga ako eh”

“Sam what are you doing? Kala ko ba…….SAMMMMM!!! what did you do to her? ARE YOU INSANE?!!!!!”  bigla namang may sumingit na girl

“Ha?! Im not insane! Pagkalabas ko kaya ng room nakita ko na lng siya nakaupo sa sahig tapos biglang may tumulo na lang na dugo sa noo nya, Pero Sophia take care of her muna and pls. get the first aid kit, naiihi na talaga ako eh” sabay karipas ng takbo papuntang cr yung guy

Ayos rin yun ah, parang na hit and run lang ako, bwiset! Pagbalik na pagbalik nya ihahampas ko sa kanya yung pinto para maramdaman niya kung gaano kasakit yung impact ng pinto sa mukha ko..

“Miss can you stand?” tanong ng girl sakin

Tumango lang ako at tinulungan ako ni girl na tumayo, wooo! mistulang nagkaearthquake sa paningin ko at hilong hilo ako, ipinasok ako sa room ni girl habang inaalalay niya ako sa paglalakad pagkatapos pinaupo niya ako.

“Sorry miss, Sam…. I mean the guy earlier never meant to do whatever he did to you” sabi ni girl sakin blurred pa rin yung vision ko dahil sa pagkakatama kaya hindi ko masyadong makita yung mukha ni girl

“Okay lang po yun,  alam ko naman pong hindi niya sinasadya eh” Jen! You liar!

“There! Tapos ko na siyang linisin yung sugat mo and nalagyan ko na siya ng band aid” she said

Unti unti ng lumilinaw yung mga mata ko at medyo nakikita ko na yung mukha ni girl na tumulong sakin and Wow! As in wow sa ganda, wow sa skin, wow sa buhok, wow sa eyelashes, wow sa lips, wow sa shape ng body lahat na lang wow! Mukhang anghel na ibinaba sa langit ang itsura niya. Nakakamangha na nakakababa ng confidence yung nararamdaman ko when i see her.

“Just be careful next time okay?” sabi niya sakin with an angelic smile habang inaayos niya yung laman ng first aid kit

Bago pa man ako makasagot ng “thank you” biglang may sumigaw,,,

“SUCCESSSS! Wew muntik na ko ng maihian yung pants ko” sabi nung guy

Eeeewwww! Kadiri naman tong lalaking to! kailangan ba namang ipagsigawan yon at saka iba ata yung meaning ng success hindi ba?

“Kadiri ka Sam! at saka wag ka ngang maingay baka mapagalitan tayo!” sabi ni  girl

Nawala bigla yung pagkamangha ko kay girl nalipat sa kadiring lalaking ito na papasok sa room. Blonde hair? Foreigner? Pero nagtatagalog?

Calling! Ms. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon