Chapter 2

68 0 0
                                    

“Jen! congrats!!!” Inangat ko yung ulo sa pagkakayuko tapos tumingin sa kanya

“Huh?? Pakiulit, hindi ko narinig eh”

“UWWWWWAAAAAAA! Claire si Jen nagbago ng anyo!!! Nakakatakot!”  sabay takbo si Ana kay Claire

“Sorry naman ah! Nakakahiya naman sa natutulog. Ang tahimik mo kasi masyado” sarcastic kong sabi sa kanya

Grabe lang ah! Kakagising ko lang tapos nasabihan na akong nagbago ng anyo OA masyado ng mga kaibigan ko…..

Sila sina Ana, one of the cute girls in our school, oo sabihin na nating maraming nagkakagusto sa kanya pero ang masakit, takot na takot si Ana sa kanila (malaking belat sa inyo BOYZZZZ!) at si Claire na walang ginawa kundi ang mag selfie every second sa harap ng mahiwaga niyang salamin. By the way, sila ang aking mga friends in my school.

“ Grabe Jen! hindi ka pa nga nag-uumpisa as SC President mukha ka ng BAKULAW!” sabi ni Claire

“ Isa ka pa! sabi ko kakagising ko lang d ba! Bingi ba kayo?!!!” sigaw ko kay Claire

“Mabibingi kami sa lakas ng boses mo eh! Hello?! Nasa harap lang po kausap nyo!” sabay iniharap sakin ni Claire yung hawak nyang salamin

“O tignan mo yang itsura mo kung hindi kami nagsasabi ng totoo”

Ay nabasag yung salamin! joke lng, hindi naman ako ganong kapanget para makabasag ng salamin. Pero nung nakita ko sa salamin yung itsura ko nagulat din ako eh, ang gulo gulo ng buhok ko, bangag na bangag at mukha talaga akong stress na stress….

“O ano nakita mo na ba madam?”

“Oo cge na! aayusin ko na po nanay!”

“Hindi ka ba natutuwa Jen na nanalo ka?” Nagtanong bigla si Ana habang inaayos ko yung mala-SISA kong hair.

“Sinong matutuwa? Hindi ko naman talaga ginusto yun no! wala sa wish list ko na maging SC President!” sabi ko kay Ana

“pero ayaw mo nun kontrolado mo yung buong school, lahat ng gusto mo ma………..” Hindi pa tapos magsalita si Claire hinigit ko kaaagad yung sleeve ng uniform nya

“Claire! Ikaw na lang kaya pumalit sa akin! Tutal sabi mo pag ikaw naging SC President, lahat mapapasunod mo pati mga……”

“HOY EXCUSE ME JENNY GARCIA! TIGIL-TIGILAN MO YANG BUNGANGA MO!” sigaw ni Claire, ouch basag na ata eardrums ko.

“Huh? E d ba pangarap mong habulin ng mga lalaki? Ayaw mo nun kontrolado mo na sila!” sabi ko sa kanya.

“HINDI AT MATAGAL NA YON, HINDI AKO MALANDI NO!” hindi naman masyadong defensive si Claire.

“Grabe lang maka-react ah napaghahalataan, pero seryoso Claire cge na! palitan mo na ako PLEASSSSSE” sabay puppy eyes sa kanya.

 Huminga siya ng malalim at napaisip bigla “okay lang sana sakin……”

“TALAGA!!! Tara dali punta na taio ng SC Room pa……” Eto na naman hindi ko na naman siya pinatapos magsalita (bastusing bata talaga ako oh)

 “PWEDE BANG PATAPUSIN MO MUNA AKONG MAGSALITA! KANINA KA PA SABAT NG SABAT EH!”

 “Yes madam!” sa takot  ko kay Claire napayes madam na lang ako baka mamaya patayin na ako nito

 “okay lng sana sakin kaso….”

“kaso?” tanong ko sa kanya, talaga naman! Wag na kasing “kaso, kaso” pa, pumayag ka na!

.

.

.

.

“Kaso ayokong lumaki eyebags ko eh sorry Jen!” Wow! What a perfect excuse!

“Bat sa tingin mo hindi ako magkakaeyebags?” para kasing nangiinsulto lang tong kaibigan ko eh

“ Pag sa iyo okay lang kasi hindi ka naman nag-aayos ng sarili mo” OUCCCHHH! Tagos sa puso masyado, aminado naman ako na hindi ako nagaayos pero kailangan ipagkalat?!!!

“Claire you’re so mean! Nasa gitna na nga ng kagipitan yung kaibigan mo hindi mo parin tutulungan”

“I’m not mean, I’m just telling the truth”

“Eh Jen ngayong SC President ka na lalong matatakot sa iyo yung mga bully” singit naman ni Ana

“actually hindi talaga yun yung reasons kung bakit ayaw kong mag SC una,…….”

DING DONG DING……

“Student council president please proceed to the SC room immediately again, Student council president please proceed to the SC room immediately, THANK YOU!”

DONG DING DONG…..

Bakit nafefeel ko na lahat ng mga mata napunta bigla sakin?

 “Jen hindi ba ikaw yung pinapatawag?” biglang sabi ni Ana.

“Huh??? A….Ako?”

“ Ay hindi!!! actually hindi ikaw yung nanalong SC President yesterday” pang-aasar naman ni Claire

“Ms. Garcia….”

“AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHhh!!!!”

Sa gulat naming tatlo muntik ko ng malaglag si Claire sa kinauupuan niya, san kayang  lupalop galing tong weirdong homeroom teacher namin!

“Sir naman! Kakagulat ka naman!” hawak parin ni Claire yung dibdib niya

“Ms. Garcia please proceed to the SC room immediately, you’ll be excused for today” sabi ni sir

“Eh? Ppppe….. pppeeeerrrr….. perrro Sir!” Magmamakaawa sana ako kay sir na kung pwedeng wag na lang ako pumunta kaso tinulak ako bigla ni Claire sa likod at bumulong habang kinakaladkat niya ako palabas ng room namin.

“Ano ka ba? Dalian mo kaya! Alis na layas!”pagkatapos sinaraduhan na ako ng pinto, iba na talaga pag true friends no! sobra sa kabaitan.

Tsssss…… Ok Jenny Garcia let’s go to the SC Room!

naglalakad na ako palayo ng room ng bigla akong tumigil at napaisip bigla, teka san nga ba yung SC Room? Anak naman ng tinapa oh! Yung announcer naman magaanounce na nga lang kulang kulang pa sa information, san tuloy ako pupunta? Kakaliwa o kakanan, taas o baba, lilipad o lalangoy, maglalakad o tatakbo? ARGGGGHHH! Hindi ko alam! Bahala na si Batman sakin! Pag ako nawala hindi ko kasalan! Sisisihin ko yung announcer kasi hindi niya sinabi yung exact location kung saan yung SC Room, malay ko ba ha!  Hindi bali pag tinanong ako kung bakit ako late, magiimbento na lang ako ng dahilan. Madali lang naman magsinungaling eh, actually daily routine ko na yon no!

Hanapin ang nawawalang SC ROOM! LET THE GAMES BEGIN!!!!

Calling! Ms. SC PresidentWhere stories live. Discover now