Chapter 9

173 5 0
                                    

Chapter 9

“Best!” sigaw ni Tristan nung palapit na siya sa’min.

Nasa Lunch Hall kasi kami nila Jazyan. Hindi namin kasama si Abigail, malamang hindi naman na siya dito nagaaral eh’, pati si Karylle, nauna kasi silang mag-recess. Ang gulo ba? Nagrerecess kami sa Lunch Hall. Okay lang ‘yan ngjujuice din naman kami pag may water break eh’. Ang non-sense ko talaga mag-kwento.

“Tumigil ka nga diyan Damian! Nangaagaw ka talaga ng best friend.” Sigaw ni Jazyan kay Tristan.

“Sino bang may sabi na Best as in Friend ang tawag ko sa kanya?” tanong ni Tristan sabay upo sa tabi ni Simone.

“Eh ano ba?” pagtataray ni Jazyan.

‘wag na kayong magtaka? Lagi talaga silang nagtatalo. Selosa kasi si Jazyan tapos abnormal na baliw si Tristan, magtataka pa ba tayo kung bakit hindi sila magkasundo?!

“Best Girlfriend. Bakit?” maangas na sagot ni Tristan. Unggoy na 'to! Paasa!

“Yiiieee. Yun oh?!” sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan ko. Mga siraulo talaga. Ang ingay nila, parang kami lang tao dito eh ‘no?! Wala eh’, ganyan talaga pagbarkada.

Time ko na para magreact, kaya kami naiissue nito ni Tristan eh’, ang kulet din kasi ng lahi niya, ang hilig niya magpaasa, hahaha. Wow ano daw?! Ang bitter ng dating ko –rephrase natin- pinapaasa niya mga fans ng love team namin. Teka! May ganoon ba kami?! Feeler mode alert! “Anong girlfriend? ‘wag ka ngang feeler diyan!” Nagsalita ang hindi feeler. At sakin pa talaga nanggaling ‘yon?

“You’re my girlfriend right?” pangaasar lalo ni Tristan.

“Iba na ‘yan Pre ah’!” sagot ni Simone

“Tanong ba ‘yan o statement?” hirit ni Aaliyah.

So kailangan pag humirit si Simone, hihirit din si Aaliyah?! Mga baliw na ‘to.

“Ewan ko sa’yo Tristan Damian, masisipa na talaga kita, pag hindi ka pa umayos diyan!!!” banta ko kay Tristan.  

“Aray! Aray! Nasa ospital pa nga ‘yong huli mong sinipa, maninipa ka na naman?! hahaha” arte ni Tristan.

Sinamaan ko nga ng tingin. Epal kasi eh’. “Fine. Fine, you’re my Girl SPACE Friend. Happy?” hirit ni Tristan.

“No. Just satisfied.” Sagot ko.

“Ang taray ume-english si Ate!” hirit ni Janna.

“Ganun talaga pag-pretty Janna!” singit ni Jazyan.

“Tingnan mo, hindi ka nageenglish.” Sita ko.

“Alam naaaa!!!!” sabay-sabay nilang sagot.

At naghabulan na naman ang mga bata. Ako pasimuno na pagtripan si Janna, pero sila ‘yong hinabol. Hahahaha. Kawawa naman sila. Hayaan niyo na, enjoy naman nila eh'.

“Hoy ang KJ mo! Di ka tatakbo?” tanong sa’kin ni Tristan.

“What for?!” tanong ko. Mapagod pa ako.

“Sus! Wag na nga! Una na ako Habulin ko din sila! Hehe” ang isip bata talaga nito kahit kelan.

Tumango na lang ako. Takbo naman si Timang, pero lumingon siya bigla at sinabing “Ayos lang ‘yan Best! Malay mo ako ang maging first Boyfriend mo!” sabay tawa ng malakas!

Someone Else's FairytaleWhere stories live. Discover now