Chapter 6

208 7 0
                                    

Chapter 6

Pagkarating namin sa Function Hall nandoon na ‘yong III-A at III-C. Late ba kami o maaga lang talaga sila? Magkakatabi din kami uli sa upuan nila Jazlene. Nagiwan pa kami ng space sa unahan para magkakatabi kaming anim kasi kasama na din namin si Aliyah, isa sa mga friends namin ni Jazlene nung elementary, kanina nga lang namin nalaman na kaklase  namin siya eh’, hindi kasi madaldal.

 

Nagsisimula na ‘yong orientation, and mostly everyone is bored as hell. Pero no choice kami we have to take down notes. Tahimik kaming lahat. Hello? Terror kaya ni Mrs. Mendoza pero kwela naman siya, ayaw lang niya ng bastos. Lahat naman ayaw nun di ba?

Bigla naman bumukas ‘yong pinto ng function hall, di na ako nag-abalang tumingala, busy ako mag-drawing eh’, nakakatamad kaya mag-take down notes. Ganyan talaga kanya-kanyang style para hindi mapagalitan.

“Good Morning Ma’am, I’m sorry late. Naligaw po kasi ako eh’.” Sabi nung lalake. Familiar voice? Paranoid lang siguro ako! Tinuloy ko na lang 'yong pagdrawing ng kung ano-anu sa extra notebook na dala ko for emergencies like this.

 

“Hahahahaha! Ano ba ‘yan pinsan?!” bigla na lang tawa ng isa pang lalake sa may pwesto ng III-C. So pinsan niya? Malamang. Pinsan nga daw eh’. Bingi lang?

“May nakakatawa ba Sir?” tanong ni Mrs. Mendoza dun sa lalake.

“Wala po Ma’am.” Natatawa pa rin niyang sagot.

Wala daw pero tumatawa pa rin! Abnormal?

“Okay. Try mo magpatingin sir ah’. Nakakatakot ‘yan tumatawa ng walang dahilan. Ikaw naman sir, pagbibigyan kita ngayon kasi new student ka at first day mo ‘to pero sa susunod ah’, ayoko ng late. Anong section mo?” baling ng tanong ni Mrs. Mendoza dun sa  isa. Nakatalikod naman, hindi rin makita mukha.

“III-C po” sagot nung lalake.

Nilingon naman agad ako ni Jazlene na katabi ko.

“Shut Up.” Sagot ko sa tingin niyang ‘yon kasi siguradong mang-iintriga lang ‘yan. I'm sure hindi siya 'yan. Imposible lang talaga.

“Sige. Dun ka na lang umupo sa Upuan sa harap ni miss Sa dulo.” Sabi ni Mrs. Mendoza.

Oh! Crap! She was referring to me. Kaya napatingala na ako.

Pag-lingon naman nung guy, nagform agad siya ng wide smile. Pag minamalas ka nga naman oh’! I knew it! Bakit sa dinami-rami ng Tristan sa mundo, siya pa? Tristan NBS and Tristan Damian is the same.

Nakilala niya din naman agad ako.

“Janaia!” tawag niya sa akin.

Someone Else's FairytaleWhere stories live. Discover now