Chapter 35: Mr. Campus

Beginne am Anfang
                                    

"..hindi ko kaya.." paiyak kong sabi..


"Sissy! What I mean is.. may iba siyang pinagkakaabalahan."


"H - ha?" pahikbi kong tanong..


"He loves to make surprises diba? Malay mo, may inaasikaso 'yun ngayon. Huwag kang umiyak sissy. Everything will be fine." sabi ni Rica sabay yakap ng mahigpit sakin..


Sa tagpong 'yun, napaiyak ako hindi dahil sa natatakot akong mawala siya sa akin kung hindi dahil sa nalulungkot akong hindi siya nagpaparamdam. Nasanay kasi akong nasa tabi niya palagi. Nasanay akong kaming dalawa ang laging magkasama.


Lumipas pa ang isang linggo, hindi na talaga siya nagparamdam sa akin. Nagte-text naman siya sa akin pero puro "good morning", "I love you" o "good night baby" lang. Hindi na siya nagre-reply kapag sumasagot ako sa text niya. Hindi na rin niya ako hinahatid, sinusundo o sinasabayan kumain. Masakit. Oo, nasasaktan ako kasi sinanay niya akong laging kasama siya, laging yakap niya. Dumaan ang mga gabi na nakakatulog akong naghihintay ng mga kasagutan niya kung bakit siya naging ganito. Dumaan ang mga gabi na nakakatulog akong naiyak habang iniisip kng ano ba ang nangyari sa kanya.


Pero sa kabila ng pag-iisa ko, hindi ko naisip na iiwanan niya ako. Hindi ko naisip na ipagpapalit niya ako o nakahanap na siya ng iba. Alam kong posibleng mangyari 'yun pero mananatili akong matatag, kasi alam ko, nangyayari ang lahat ng ito dahil may magandang mangyayari. Kilala ko si Johan, kilala ko ang boyfriend ko, hindi siya basta bastang nang-iiwan. He's extraordinary. He can leave me anytime but he decided not to because he loves me more than anyone else. I trust him. I'm just experiencing foggy nights but I know, later on, great mornings will do come. Everything's gonna be alright, with us.


Isang araw, habang naglalakad sa corridor ng campus namin, kasama ko si Rica dahil papunta kami sa library para mag-research ng biglang.


"Sissy. Diba.." sabi ni Rica..


"Ano raw?"


"Diba tropa ni Johan 'yun??"


"Saan??"


"'Yun! Yung makakasalubong natin." sabay turo..


Naisip ko, wala namang masama kung itatanong ko kung ano na nangyari kay Johan. Hanggang sa dumaan sa harap namin ang tropa ni Johan.


"Ku..kuya!" pagtawag ko sa pansin nito..


Lumingon ito samin.


"Hmm? Are you talking to me?"


"Ay.. Englishero pala." bulong ni Rica..


"I'm.. I want to ask, nakita mo ba si Johan?"


"Johan?"

One Hundred Days (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt