Part 1: Deciding Again...

7 0 0
                                    

Samantha's POV

"Here you go Sir, thank you and have a nice day."

Bentang benta ngayon yung Strawberry Shake ah. Ano ba masarap dun? Hays bibili ako mamaya pagka-tapos nang shift ko.

"Samantha!" bigla may tumawag sakin mula sa pintuan.

"Bora, napadaan ka yata. Nasaan si Mark?" sagot ko sa kanya habang pinuntahan siya sa upuan niya.

"Ewan ko dun tss. Bahala siya."

"[/binatukan si Bora;] Sus umamin ka na lang kasi na gusto mo siya naku haha." sagot ko sa kanya.

"Eh sa hi-hindi nga kasi," sabay tingin sa labas.

Kung sapakin ko kaya to? Halata naman na may gusto din siya dun. Oo, din. Matagal nang umamin si Mark, etong isang to lang yun gaga.

"Eto nga pala oh," sabay abot sakin nang isang puting sobre.

"Letter to ni Ma'am Charo?" sabi ko sa kanya nang bigla akong binatukan.

"Utot mo oy! Haha. Buksan mo muna kasi," sabi niya habang tumatawa.

Pagkabukas ko nakita ko yung 5,000 na pera dun.

"Sam, mag-enroll ka na para sa next semester okay?" sabay ngiti niya sakin.

"Bora, hindi naman pera problema ko eh. Tsaka papasok na din naman ako, okay lang," akmang ibabalik ko na yung pera sa kanya nang...

"Yun naman pala e. Sige tanggapin mo parin yan. Babye mwa!" at umalis na siya agad.

"Tinakbohan ako? Ay bahala haha."

Kung wala lang talaga silang dalawa ni Mark naku ang boring nang buhay ko sagad. Ay may tao na pala sa cashier.

"Ah Sir can I take your order?" sabay tingin sa kanya nang bigla akong natulala.

"Sunbae..." biglang lumabas sa mga bibig ko.

"Hi Samantha!" sagot niya nang may ngiti.

"Hi din. Ano po iooder niyo?"

"Isang Americano tapos isang strawberry shake."

"That will be 165 sir."

Inabot niya na sakin ang pera at agad na ako gumawa nun.

-after 5 minutes-

"Here you go sir. Thank you and have a nice day."

Kinuha niya na yung Americano sabay bigay sa'kin nung strawberry.

"Para sa'yo yan," abot niya sakin nang may ngiti.

Wala na akong ibang nagawa kundi tanggapin at mag-bow sa kanya at tingnan na lang siyang lumabas.

Bakit niya ako binigyan? Ang weird naman nun. Parang nung una lang.

-------------------------------------------------------

[flashback]

"Guys kailangan ko nang tag-fififty mula sa inyo para makabili ako nang mga gamit natin," sabi ni Ivan sa'min.

Agad naman kaming nagbigay sa kanya.

-----------------------------------------------------

-Sa auditorium-

"Ivan ano yan!"

"Wag kang maingay shh."

Nang marinig ko yun bigla akong tumago an nakinig sa pinaguusapan nila.

"Nangungurakot ka ba?"

"Hindi ah bibili naman talaga ako nang materials para sa project. Yung matitira lang sakin."

"Naku ikaw talaga aba."

Nagulat ako nang narinig ko yun kaya umalis na ako nang bigla kong makita si Luke.



Nakikinig din pala siya.

Nang bigla akong makita ni Ivan...

Tumakbo na ako agad.

----------------------------------------------

Biglang may nagpost sa underground web nang school at hot topic yung pangungurakot ni Ivan.

Dumating siya agad sa school at kinausap ako.

"Ikaw ba nagpost nito ha?"

"Hindi ako nagpost niyan."

"Eh sino pa ba magpopost kundi ikaw, ikaw lang naman ang nakita ko at alam ko na narinig mo lahat."

Tumingin ako sa paparati na mga estudyante at nakita ko si Luke na...

NAKANGISI.

At dahil lang sa pangyayari na yun marami pang mga sunod sunod na nangyari na naging dahilan sa pagtigil ko sa isang semester ko.

[end of flashback]

----------------------------------------

Bahala na takte.

Hello owemji haha part 1 is panget haha. Sorry na :< So sana nagustuhan kahit mga .5% lang hehehez.

-dyoradosoo









You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 11, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Silent SorrowWhere stories live. Discover now