"May naipon ako, Reina. My family bought this farm sa Alegria. At marami na rin akong-"

"That's not what I mean, Wade. It's your passion we are talking about... Yung music. You are really talented... You belong there. Sayo ang stage, Wade."

Suminghap siya, "No, Reina. I'll protect you. Ikaw ang priority ko. Kaya hindi na magbabago ang isip ko."

Napalunok ako.

"Are you really sure about this?" Tanong ko.

"Yes. Really sure, Reina."

Pumikit na lang ako. Hindi ako makapaniwala. Tulad ng mga fans niya, nanghihinayang din ako sa pag alis niya sa showbiz! Phenomenal ang pag sikat nila. Siya yung lead, siya yung center of attention, siya yung aalis. Sayang! At lahat ng iyan gagawin niya para sakin.

"Magpahinga ka muna ngayong araw, okay? Hindi kita papupuntahin dito o pupuntahan diyan." He chuckled.

Nanghina ako. I really really want to be with him. Kaso... pakiramdam ko sa oras na magkita kami hindi na ulit ako hihiwalay sa kanya. Gugustuhin ko na lang na nasa tabi niya parati.

"Papunta na ang parents ko galing Alegria. Pupunta kami diyan, bukas, mamamanhikan. I'll marry you, kahit na ayaw ng pamilya mo, I'll marry you, Reina."

Hindi matanggal sa utak ko ang mga banta ni Wade. Maging sa panaginip ko ay dumalaw ito sakin. Matamis na banta... I love you so much, Wade.

Nagising na lang ako sa panibagong araw. Tinanghali pala ako ng gising. Ang sarap pala ng tulog ko.

Biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Sino yan?" Sigaw ko kahit napapaos pa ang boses ko.

"Ma'am Reina, salamat naman, gising ka na po ba?"

Mahina ang boses ng katulong namin. Halos hindi ko marinig dahil sarado naman kasi yung pintuan ng kwarto ko.

Inaantok pa akong bumangon. Nakapikit pa ako habang naglalakad. Binuksan ko yung pinto at naaninag ang natatarantang mukha ng katulong.

"Naku ho!" Sigaw niya sa mukha ko. "Hindi ka pa po pala naliligo! Hindi ba sinabi sayo ni Wade..." Iba yung tono ng Wade niya.

Nagising ako dun sa tono. Para kasing isa siya sa mga nag nanasa.

"... ni Wade na pupunta siya dito kasama yung pamilya niya?"

Nanlaki ang mga mata ko nang narealize na oo nga pala, sinabi nga pala iyon ni Wade sakin.

"P-Po? nandyan na ba sila?"

Tumango si manang, "Oo! Kanina pa. Nasa baba. Kausap yung mommy at daddy mo. Kanina pa nila ako inuutusang gisingin ka kaya lang tulog na tulog ka."

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon