Kabanata 8

1.6M 39.2K 12.8K
                                    

Kabanata 8

Nasasaktan Ako

Natuyo ang lalamunan ko dahil sa nalaman ko. Rozen is with Zoey? Really?

Kilala ko si Zoey dahil iisa kami ng school noong highschool. Magkabatch kaming dalawa. Transferee siya galing daw sa probinsya kaya naman hindi niya naabutan si Rozen. College na kasi si Rozen nang nag transfer siya.

"Uhm... Saan kayo nagkakilala, Rozen?" Tanong ko.

Tahimik kasi masyado habang nag di-drive siya.

"Sa bar." Cool niyang sinagot.

Nakita kong inayos ni Zoey ang buhok niya. Lumunok siya at napaawang ang bibig nang nakatingin sa kalsada.

"Zoey, hindi mo naman sinabing magkaibigan na pala kayo ni Rozen." Ngumisi ako.

Sumulyap si Zoey sakin.

Ngumisi din siya pero maputla parin, "Oo nga, nahihiya lang ako."

"Ahh!"

Sumulyap si Zoey kay Rozen at napalunok.

Yes... I don't freaking care for Rozen. Hindi pa siya kailanman nasaktan ng isang babae at pakiramdam ko, hinding-hindi siya masasaktan dahil sa sobrang pagkaplayboy niya. Iba-iba ang girlfriend nito buwan-buwan. Okay sana kung tinatawag niyang 'girlfriend', kaso hindi eh... Magmumukhang girltoy ang nagiging kasama niya.

Yung iniisip ko ay si Wade. Napagtagpi-tagpi ko na rin sa wakas ang lahat! Tinanong ako ni Wade kanina kung sinong kapatid ang susundo sakin. Sinagot ko siya at nakita kong nag-iba ang ekspresyon niya. Ayaw ni Zoey na may makaalam sa nangyari sa CR. Siguro ay ganito: May gusto si Wade kay Zoey pero ayaw ni Zoey kay Wade. Ayaw niya? Paanong ayaw niya eh sabik na sabik siya kung halikan si Wade doon sa CR? Halos magkagutay-gutay yung damit ni Wade doon.

Naalala ko naman yung scene sa rooftop. Naalala ko yung mukha ni Wade pagkatapos siyang awayin ni Zoey.

Kumulo ang dugo ko habang tinitignan ang mga sasakyan sa labas. Wade is Zoey's freaking slave! Mahal ni Wade si Zoey pero ayaw ni Zoey kay Wade! Mabait si Wade kaya ayaw niyang guluhin si Zoey in public. Hinahayaan niya si Zoey na lumandi sa iba!

"Alam mo ba, Zoey, nadislocate ang rib ni Wade, kanina. Nagsoccer kasi siya kanina tapos sinalo niya yung bola. Sumalpok siya sa concrete bench kaya ayun..."

Let's try her reaction, huh?

"Ha? Si Wade Rivas?" Maputla niyang sinulyapan si Rozen.

Nakita kong nakakunot ang noo ni Rozen at nagmaneho ng seryoso. Para bang di siya nakikinig.

"Oo. Dinala siya sa infirmary kanina. Diba pareho kayong taga Alegria?"

Sinulyapan ulit ni Zoey si Rozen, "Ah! Yes! Nag tatrabaho siya sa farm ng daddy ko, kaya ko siya kilala. C-Classmate din kami nung highschool bago ako lumipat sa Maynila."

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon