Kabanata 58

1.8M 35.5K 14K
                                    

WARNING! SPG

------------------------

Kabanata 58

Pangalan ko

"Alright." Binigay niya sakin ang cellphone niya.

"B-Bakit?"

Pinaandar niya ang sasakyan.

"You text her."

Hindi ako makapaniwalang hindi siya natatakot na makita ko ang laman ng cellphone niya. May iilang message doon si Shan, pero nakita kong wala siyang reply. Saka lang siya nagrereply tuwing importante o tungkol sa trabaho yung mga tanong. Napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa kalsada habang nag di-drive.

Nitext ko si Zoey:

Papunta kami sa inyo. Please help us. Pupunta ako ng condo ni Wade kaso may media. -Reina.

Nabigla ako nang agad siyang nagreply.

Zoey:

Ok. Got it.

"Umo-o si Zoey." Untag ko sa seryosong nag di-drive na si Wade.

"Okay, malapit na tayo sa kanila."

Nakaabang na sa labas ng apartment si Zoey. Agad siyang pumasok sa loob ng sasakyan.

"Sabi na nga ba, you'll need my help." Kumindat siya sakin.

Hindi ako makapaniwala na ngayon ay tumutulong na siya samin ni Wade. Noon, tumutulong siya pero para iyon masira kaming dalawa.

"So may plan na ako para diyan." Aniya.

"Uhm..." Sumulyap ako kay Wade na seryoso paring nag da-drive, ngayon papunta na sa condo niya.

"Una kang papasok sa condo niya, Reina. Hindi muna kami dadating. Then... pagkapasok mo, saka kami gagawa ng grand entrance. Kaming dalawa ni Wade ang papasok. Hanggang elevator lang ang media, kaya pwedeng sa hanggang 2nd floor lang ako. Tapos si Wade na ang magpapatuloy hanggang condo niya. Sa fire exit ako bababa." Kumindat siya nang nakangisi.

Napatingin ulit ako kay Wade. Nakasimangot siya at parang ayaw niya sa ideya ni Zoey.

"O-Okay, mukhang maganda nga iyan." Sabi ko.

"Basta, Reina, yung sabi ko sayo, ah? Yung pagsali ko sa Fashion Week."

Bumuntong-hininga ako, "Oo na. Isasali kita."

Bumaling si Wade sakin, "Kasali ka na sa Fashion Week?"

"Oo. Tinulungan ako ni Shan."

Napangiwi siya sa sinabi ko pero hindi na lang nagsalita. Para bang pareho kami nang nararamdaman noong sinabi ni Shan na tutulungan niya akong makapasok sa Fashion Week.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon