First step in their territory

8.2K 321 27
                                    

Chapter 1
Leaving

*****

Gezeth Avril Stardust

"Walang hiya ka! Ayusin mo nga 'yang trabaho, punyeta kang babae ka! Isa kang malas!" malakas na sigaw niya sa'kin tsaka ako nakatanggap ng isang malakas na sampal mula sakaniya at mahigpit na hinawakan ang panga ko bago dinuro duro.

"Wala kang kwenta!" tsaka malakas akong itinulak sa sahig. Napapikit na lang ako ng maramdaman ko 'yung hapdi ng nang tumama ang sugat ko sa sahig, na gawa niya rin lang.  Napabuntong hininga na lang ako at tumingala para maiwasan ang mga luha na magkakarerahan na ata sa paglabas.

'Curse this life of mine'

Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang mga gamit na nasira lalo na 'yong mga baso na nabasag dahil sa kagagawan niya. Lagi namang ganiyan, isang mali ko lang ay sasaktan niya ako para siyang perpekto kung makapag-salita,kung tutuusin isa siyang walang hiyang ina.

Tama kayo, ina ko siya... sa papel, hindi ko siya isang tunay na ina, she's my stepmother to be exact. When my mom died, 2 years after it pinakilala siya sa'kin ni dad I was 4 years old by that time.

He told me that she's my new mom, girlfriend pa lang siya ng daddy ko noon and she's also kind to me, so, I really treat her as my real mom but a year after when they got married everything changed.

Pagwala si dad lagi niya akong sinasaktan, I tried na magsumbong kay dad but nothing happened. Hindi niya ako pinaniwalaan, but that bitch mistress made some story at 'yon ang pinaniwalaan ni Dad so I never try na magsumbong na ulit sakaniya. Until now ganoon pa rin ang turing sa'kin, nang nagka anak sila ay doon na sa bago nilang anak ang focus niya.

I feel like I am already dead here, Dad treating me as if I am nothing but only a maid here in his house. Hindi rin nila ako kasabay na kumakain sa hapag-kainan at sa taong lumipas para lang akong hangin dito.

Alam pa ba ni Dad ang pinag-gagagawa sa'kin ng kabit niya? If only I knew na ganito ang mangyayari sa'kin, tumutol na dapat ako sa kasal nila noon pa lang.

"Hija, ayos ka lang ba?" tanong ni Nanay Belen sa akin, isa rin siya sa mga kasambahay dito. Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya. Halata ang pag-aalala sa mukha niya, si Nanay Belen ang tumayong pangalawang ina sa'kin. She also treated me as her own daughter, she's already 32 at sa akin niya na itinutok ang atensyon niya kaya di na siya nag asawa pa. I am so very thankful to have her.

"Wag po kayong mag-alala ayos lang po ako" nakangiting sabi ko, nagtataka ko siyang tinignan ng hawakan niya ang pisngi ko. Para siyang naluluha.

"Napaka-bait mong bata. Sa kabila ng ginagawa nila sayo lalo na 'yang hereda ng ama mo ay kaya mo pa rin siyang patawarin. Namana mo talaga ang ugali ng 'yong ina, masyadong mabait" emosyonal na sabi niya kaya ngumiti lang ako sakaniya at yinakap.

"Ano po ba kayo 'nay. Magiging maayos rin po ako, tahan na po. Bumalik na lang po tayo sa trabaho, ihanda na lang po natin ang hapunan nila" sabi ko.

Tumulong akong maghiwa ng mga rekados para sa iluluto namin na hindi ko alam kung ano, matapos ang mahigi isang oras ay natapos na rin, naluto na 'yong dalawang putaheng niluluto ni nanay.

Di bale mayroong limang kasambahay dito at kung isasali ako ay anim na at tsaka tatlong driver. Ganiyan kayaman si Dad.

Nandito ako sa may garden at nakatingin lang sa langit nang marinig ko ang tunog ng sasakyan ni Dad means andito na siya. Pero di ko na lang 'yong pinansin, imbes tumayo na ako at nagdiretso sa kusina para ipaghanda sila ng makakain. Nakita ko kung paano yakapin ni Dad si Ashley, gusto kong maluha pero pinigilan ko.

Napatingin siya sa direksyon ko pero umiwas lang ako at naglakad na papunta sa may kusina. "Honey, andito ka na pala" maarte na sabi ng step mom ko.

"Yeah, here's for you Stella" sabi ni Dad sabay abot ng isang paper bag sa step mom ko at tuwang-tuwang siya ng makita ang isa nanamang bagong dress at sapatos ne'to. 'Mukhang pera' bulong ko sa hangin.

"Anak" sabi ni Dad alam kong anak niya ako pero di ako lumingon kasi alam ko namang si ashley 'yon kaya tinuloy ko na lang ang pag aayos ng mesa.

"Nanay ako na po" sabi ko ng makita ko si Nanay na mukhang nahihirapan sa mainit na sabaw na ihahanda sa hapag. Ngumiti lang siya at nagpasalamat sa'kin.

"Gezeth" agad aking napalingon sa pinaggalingan ng boses na 'yon at doon ko nakita ang daddy ko na nakakunot noo kaya napakunot noo rin ako. Ang galing, buti kilala pa niya ako. Napabuntong hininga na lang siya at tsaka ulit ako tinignan but this hindi na 'yong nakakunot noo.

"Let's talk Gezeth, don't you miss your dad" mahinahong sabi niya sa'kin at halos matawa na ako sa sinabi niya. Dad? Really? For me namatay na 'yong the daddy ko noong oras na kinasal siya sa kabit niya.

"What do you want?" matapang na sabi ko. Mulat na mulat na ako sa mga bagay bagay sa paligid ko.

Sa mga pananakit sa'kin sawang sawa na ako, nakakaasar na. Nakita kong umismid si Ashley tsaka ako inirapan pero di ko na lang siya pinansin.

"Let's talk in my office, not here" maawtoridad na sabi niya at mahina akong natawa sa sinabi niya. "What's funny Gezeth Avril?" nakakunot noo nanaman niyang sabi. Pero ako ngumiti lang.

"Are you my Dad?" at doon napalitan ang ekspresyon sa mata niya na hindi ko mabasa. "I don't know you, wala na akong ama. As what your mistress, oh! your wife told me before that I'm nothing here in this house but only a maid" pinipigilan kong umiyak at inemphasize ko pa talaga yung word na wife sakaniya.

"What are you talking about?! Of course, you are still my daughter!" sabi niya pero agad akong sumabat sakaniya.

"Sorry?" sarcastic na sabi ko. "But as far as I know my Daddy is dead" at doon nakita kong lumambot na ang ekspresyon ng mukha niya. "My daddy, my very loving father who always support me when I need a supporter whenever i'm in a contest, my daddy who always takes care for me and my daddy who's asking me everyday if how's my day and if I am okay. I miss him so much, pero alam ko na wala na siya. Patay na ang daddy ko, matagal ng patay!" sigaw ko sakaniya.

Napahagulgol na lang ako, 'drama' naranig kong sinabi ng kabit niya but I don't give a damn. This is the first na sinabat ko siya kasi this is the first ulit naman na kinausap niya ulit ako. Yeah, funny.

Once in a month niya lang ako kung kausapin, see? Parang di na nga niya talaga ako anak eh, mas madalas pa niyang kausapin yung mga kasambahay dito eh.

"Zeth" mahinang sabi niya na halos pabulong pero sapat na para marinig ko. Marahan kong pinahid 'yong luha ko at tinignan siya. "Kakain na po kayo sir, nakahanda na po ang hapagkainan" magalang na sabi ko at tumalikod.

So much for this drama, nagdirediretso na lang ako sa kwarto ko. At tinignan ang picture namin ni Mommy. "Wala na po akong lugar dito, sorry po" sabi ko tsaka ko inayos ang gamit ko at inilagay sa isang backpak ko.

Unti lang ang dinala ko para di sila makahalata mayroon akong sariling kotse pero sekreto lang, It was my mom's gift and even dad don't know about it. 'Thanks and I love you mom'

*****

In the Vampire's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon