Twenty-seventh Step in their Territory

954 40 0
                                    


Chapter 27
The Comfort

I open my eyes and eventually close it again as I felt a little pain from my head. Napahawak rin ako sa ulo ko at agad na napahiga dahil sa panghihina ng sinubukan kong bumangon. Hanggang sa napansin ko na nakahiga ako ngayon sa isang malambot na kama.

I remember passing out and as I look outside through the window, the sun is shining enough to warm my skin. Para bang kasisikat pa lamang ng araw at ng ilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto ay hindi nga ako nagkamali dahil alas syete pa lamang ng umaga ng makita ko ang isang orasan.

“Goodmorning,” mabilis akong napabalikwas at itinuon ang atensiyon sa lalaking nakasandal sa may hamba ng pintuan habang mataman akong tinitignan.

Pakiramdam ko tuloy ay para niya akong hinuhubaran sa paraan ng kaniyang pagtingin. Nahigit ko rin ang aking hininga ng naglakad ito ngunit bahagyang nakahinga ng tumigil ito sa paanan ng kama na ngayon ay inuupuan ko na.

“Who are you?” I asked in a whisper tone but I think that is enough for him to hear.

“Just call me Eres,” he said with a deep voice.

Napakamanly pakinggan ng kaniyang boses na talagang mas nagpapakisig sa kaniya. It’s giving me shivers.

“How do you feel?” he added.

“Fine, just a little headache,” a said as I caress my temple.

“I see,” he then come near me but enough not to invade my personal space, “is it fine for you to talk with me even just for a minute?” he asked and I nod as answer.

“How did you get involve with those vampires especially with the son of their king?”

Saglit akong nabigla sa tanong nito na hindi ko inaasahan. Para akong nangapa ng sagot para sa kaniyang tanong dahil hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag lahat ng pangyayari.

“Is it really wrong to be acquainted with them?” I asked not even sure, myself.

“But you aren’t just an acquaintance, you got intimate especially with him,” he said emphasizing the last word which made me mute.

Saglit na katahimikan ang naghari sa pagitan naming dalawa hanggang sa nagdaan ang ilang segundo at ako na ang pumutol. Saglit akong nagpakawala ng isang malalim na hininga, at ng tignan ko siyang muli ay agad na nagtama ang aming paningin.

“It was all by an accident, everything that has happened especially meeting those vampires were all accident…” I started summarizing, bringing back the memories as I enter the vampire’s territory.

Nag-umpisa sa pag-alis ko ng bahay namin dahil sa aking stepmother, sumunod sa pagliligtas sa akin ni Medina noon at hanggang sa natagpuan ako ni Wizus. Ikinagalak ko na rin na sa buong oras ng pagkekwento ko sa kaniya ay hinayaan lamang niya akong magsalita. Tahimik lamang siyang nakikinig at ang kaniyang buong atensiyon ay nasa akin na para bang nakikinig ito ng napakaimportanteng bagay.

Kapag may ilang pangyayari akong nababanggit, nakikita ko kung paano magseryoso ang kaniyang mukha lalo na kapag nagsasalubong ang kaniyang dalawang kilay na para bang may tanong na bumangon sa kaniyang utak dahil sa mga sinasabi ko. Pero pagkaraan rin lamang ng ilang minute ay agad ring maaalis ang kaniyang kunot noo, at bahagya ring napapangiti kapag meron akong naalalang masasayang pangyayari.

“…until I found out about his mistress and the resurrection, every moment I spend with Wizus made me doubt him even his intentions towards me but I still cannot change the fact that he made me love him,” I said with a bitter smile.

In the Vampire's TerritoryΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα