CHAPTER 31 ~ Future ~

Start from the beginning
                                    

Napatingin ako sa kinaroroonan ng mga galaw na nakita ko. I bit down a cry when I saw Andreige. Blood covered his face.

May tatlong lalaking nakapalibot sa kaniya. Nagtatawanan ang mga ito habang salit-salitan sila sa pagbugbog kay Andreige na halos hindi na maidilat ang mga mata niya.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko habang tinitignan ko si Andreige. Hindi dapat ito nangyayari sa kaniya. Hindi siya dapat nadamay. I dont know what to do...what to say to just change everything that's happening.

Kailangan kong gumawa ng paraan.

Bahagyang bumukas ang mga mata niya...tuluyan ng pumatak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. He mouthed something...

'I Love You'

...

...

"Stop! P-Please stop."

Umiling si Andreige. Bumadha ang panic sa mga mata niya ng lumapit sa akin ang isa sa mga lalaki. It's not a wise thing to do...I know that. But I cant just let them kill him. 

"Gising na pala ang prinsesa natin. Mukhang kailangan na nating tawagin si Boss. Siguradong matutuwa yon at gising ka na."

Binigyan ko siya ng matalim na tingin dahilan para umangat ang kamay niya at sampalin ako. Pumiglas si Andreige mula sa pagkakatali niya ng makita niya ang ginawa ng lalaking nasa harapan ko.

"Pakawalan mo kami."-me

Tumawa lang ang lalaki ng malakas. "At bakit naman namin iyon gagawin? Anong palagay mo sa amin? Tanga?"

"Baka sakaling bumaba ang sentensya niyo kung pakakawalan mo kami. Dahil sa oras na makawala ako dito ng wala ang tulong mo...I promise you that you will regret every second of it."

Mukhang hindi man lang tinablan ang lalaki sa mga sinabi ko. He's confident...dahil nasa teritoryo nila kami ni Andreige.

They can kill us anytime.

"Hindi mangyayari iyon. Dahil hindi ka na makakaalis sa kinalalagyan mo. Sa tingin mo ba pakakawalan ka pa namin?"

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Where stories live. Discover now