Her Past
Percy Wane POV
*Ringgg!*
Napatakip ako ng unan sa mukha dahil sa aking epal na alarm clock. Zzzzz-!
*Ringgg!*
Hayy.. Bahala kang mamaos dyan. Matutulog ako. Zzzzz.
"Percy Wane Sanchez!" *Bogsh!* Sigaw ni Mommy.
"Po?!!!" Napabangon ako ng hindi oras dahil sa biglang pagpasok ni Mommy sa kwarto ko.
"Aba! Bumangon kana d'yan! Hindi mo ba naririnig iyang alarm clock mo?! Namamaos na!" Mahabang sermon sa akin ni Mommy. Hayy nako. Eto nanaman kameee. Ang aga aga nagsesermon.
"Ih, Mi. Inaantok pa ako~~ *yawns*" Tamad kong sabi sabay balik sa higaan.
"Ako talaga'y iniinis mo eh. Teka lang-- Hello Zian.--" Nang marinig kong sinabi ni mommy yan agad akong tumakbo papunta sa kanya at kinuha ang cellphone nya.
" Hello?! Hello?! Hello?!" Nagpapanic na ako. Si Zian?! Kausap ni Mommy? Yung love ko~
"Hello? Zian! Love?! Love?! Lov--" Agad akong napatimgin kay Mommy.
"Pfft! Ahaha. Haha. Wa-wane pfft. Hahaha" Tawa ng tawa si Mommy.
Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko ang phone ni Mommy at nakita kong nasa home screen ito. In short... Wala talagang kausap si Mommy. Napairap na lang ako saka padabog na kinuha ang tuwalya at ibinababa sa study table ko ang phone ni Mommy sabay pasok sa banyo at balibag ng pinto.
"Hahaha!" Tawa parin ng tawa si Mommy. Tsk. Lakas ng sapak ei.
~Lalalalala...
Kumakanta ako habang nagshoshower. Tulad ni author.
(A/N: Oyy. Walang bunyagan.)
Haha. Nga pala nakalimutan ko nang magpakilala. Kailangan pa ba yun? Well. Sige na para matapos na ito. Ako si-- Teka. Bakit wala dito yung conditioner ko? Sumilip ako sa pintuan ng banyo ko at sumigaw.
"Pixie William! Akina yung conditioner ko!" Sigaw ko sa kapatid ko na pakielamera.
"Ate! Wala na. Inubos kona kahapon!" Sagot niya sa akin.
"Bakit mo inubos?! Ha?! Hindi ka bumili ng sayo!" Nang gagalaiti kong sabi.
"Sige mamaya!" Sigaw niya pabalik.
Naibalibag ko nanaman ang pintuan ng banyo ko sa sobrang inis. Ano na gagamitin ko? Hayy. Bahala na nga. By the way. Ako nga pala si Percy Wane Sanchez 16 years old at nag-aaral sa Allagoon Community College bilang incoming fourth year student. Panganay akong anak nila Philip at Winnie Sanchez. At ang bunso kong pakielamerang kapatid na incoming first year ay si Pixie William Sanchez. Soo... Summer ngayon. At sobrang init. Kasing init ng pagmamahal ko kay Zian Joseph Cruz ang aking boyfriend. Almost two years na kame. Hihihi. Actually Anniversary namin bukas. At parehong kaming legal. Syempre naman ayokong maging illegal ang relationship namin. Lalo na first boyfriend ko siya at mahal na mahal ko pa.
YOU ARE READING
Dark Agency Series: Mission VS Love (ONGOING)
General FictionMinsan sa buhay natin nagmamahal tayo ng sobra sobra. Ibinibigay natin ang lahat. Halos wala nang matira pa ra sa atin. Nagpapakatanga. At kapag tayo ay napagod na. Doon natin mapagtatanto na sobra na. Sobra na ang ginawa mo para sa kanya na hindi n...
