Chapter 22

31.5K 1.2K 37
                                    

Alex's POV.

Nakatitig ako ngayon sa singsing na ito sa harap ko. Hindi sya couple ring. But a promise ring.
It's titanium na may dyamante sa gitna. Naka engrave yung pangalan naming dalawa na buong gami kong pinag combined. Xyreese yun yung naka sulat dun. I smiled nang mahagip ng mata ko ang blue roses na inorder ko pa.

Don't get me wrong, hindi pa ko magpo propose kay Lianne

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Don't get me wrong, hindi pa ko magpo propose kay Lianne. First monthsary namin ngayon. At may scheduled date kami mamayang gabi. Pero may shift ako ngayon sa ospital. For sure, masu surprise sya sa regalo ko.

Kinuha ko na yung mga regalo ko at nagmaneho na papuntang ospital. Pagkapasok ko sa opisina ko ay sinigurado ko na hindi malalanta yung bulaklak para mamaya. Half day lang naman ako ngayon. Sinulyapan ko ang relo ko. Hmm. 1pm na. 4 more hours to go. Lalabas na sana ako ng opisina ko ng mag ring ang cellphone ko. Unknown na number. I declined it.

Oo. Dini decline ko kasi may pagka selosa yang si Xymon. One time kasi may tumawag sakin na unknown number din, sinagot ko. College friend ko na babae. Saglit lang naman kami nagkamustahan dahil hindi ko naman sya close. After that, everyday na syang nagtetext ng sweet message hindi ko naman nirereplyan. Since open kami ni Xymom sa isa't isa. We allow each other na kalikutin ang cellphone ng isa't isa. Even ang facebook, instagram, twitter, snapchat at pinterest password ng isa't isa, alam namin. Ngayon nga messenger nya ang naka log in sa phone ko, Aba. Tawagin mo na kong possessive. Pinoprotektahan ko lang ang Lianne ko. So back to the story, Nabasa ni Lianne yung mga text nung babae. Ni review pa nga nya yung call logs at nakita nga nyang ilang minuto din kaming nag usap. Super tahimik nya, ayaw kumain, ayaw magpahatid, dini decline ang call ko, seen ako lagi. Nilambing ko pa ng todo yun para lang malaman ko kung bakit sya nagagalit. Para naman patawarin nya ko, I promised not to entertain other girls if not necessary.

Once again, nag ring ang phone ko, Yung unknown number na naman. I declined it once again.
Pero pag decline ko may nagtext kaya binasa ko.

From: 0926803****

Alexander Reese, sagutin mo ang tawag ko, kung hindi mapapahamak tong girlfriend mo

Nung mabasa ko yung text na yun. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko.

My phone started ringing again.
I gathered all my strength to answer it.

Ahhhhhhhhhhhh! Parang awa nyo na, pakawalan nyo ko!

Nanginginig ang kamay ko, Boses ni Xymon yun. Boses ng girlfriend ko.

Sino ba kayo?! Anong ginawa nyo sa kanya?!

Wala pa naman.
Sagot ng baritonong boses ng lalaki na nasa kabilang linya. Kinakabahan ako. Baka ano ng nangyari kay Lianne.

Ano bang kailangan nyo? Ha? Ano ba?!

Ano ba namang klaseng tanong yan, Pagkaka alam ko kilala kang doktor at matalino. Hindi mo ba alam ang common na hinihingi ng mga taong tulad namin?

THAT GAY WHO STOLE MY HEART (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon