Chapter 2

7.1K 146 4
                                    

"Raf, where have you been?" Tanong ni Zack sa lalake.

She was trying to give Rafael a fierce look para naman ma-intimidate ito na mukha namang tumalab talaga dahil nakikita nya na parang takot ito sa kanya. Yumuko ito agad habang papalapit sila at tiningnan lang si Zack.

"S-sa bayan, bumili lang ako sandali ng mga prutas para kay..." anito at tumingin sa kanya. "...k-kay Mia."

She was surprised; Rafael was trying to make it up to her. The man was young, siguro the same age as hers. Malambot ang ekspresyong ng mukha nito kaya mas lalo syang na convince na hindi naman nya ito dapat sisihin ng sobra dahil he seemed not capable of killing naman.

Napapiksi sya nang maramdaman ang kamay ni Zack na tumapik sa likod nya. She knew he wanted her to start already.

"S-sakin? Ano yan, compensation?" Malditang sumbat nya dito.

Napalingon si Zack sa kanya at si Rafael naman ay sobrang nagulat.

"Buti sana kapag kinain ko yan, kinabukasan ay magaling na 'tong braso ko. You know what I need right now, Mister?" Nilapitan pa nya ito at itinaas ang kilay. She just copied a facial expression from a kontrabida on TV. Umatras ng konti si Rafael, "I need an overnight miracle para makabalik na ako ng Manila without THIS!" at itinaas nya ang kanyang braso. "Hindi ako kaliwete and I work at an office, sa tingin mo makakapagtrabaho ako ng ganito, ha?"

"I'm...I'm sorry, promise I will do anything to make it up to you." Mabilis na sabi nito.

She managed a fake and insulting smile. "Like what?"

Natuliro naman ito at hindi makaisip ng tama. "Basta I'll come out of something, for now please let me just take care of you?" Anito at hinawakan ang kanyang braso.

Naawa naman sya dito at parang sa nakikita nyang guilt sa mukha nito ay nagdalawang isip syang palayugin pa itong plano ni Zack. Nilingon nya si Zack for help dahil naubusan na sya ng sasabihin.

Nakita nyang nakataas ang sulok ng labi ni Zack while amusingly staring at her. Tila ba gustong-gusto nito ang ginawa nya.

"Alright, you two can talk about your issue later. For now, papasukin mo na muna kami Raf. It's so hot out here and let's have lunch after we freshen up." Zack said and looked at Rafael. "Why don't you get Mia's bag kay Cherry at ihatid mo sa guest room?"

"Sure," ani Rafael at pinuntahan si Cherry sa labas.

Inagbayan sya ni Zack at muntikan na syang mapatalon lalo nang bumulong ito sa tenga nya.

"Good job, I know I can count on you." At pinisil pa nito ang kanyang balikat.

"Aray!" Nakalimutan ata nito ang kanyang sugat.

"Oh! Sorry!" Hinimas nito ang balikat nya na mas lalong nagpailang sa kanya kaya lumayo sya dito.

"H-hindi okay lang..." Anya.

Saka lumapit ulit si Rafael.

"Sige dadaan muna ako sa kusina, see you in a minute at the dining room." At nauna na si Zack. Nang mawala ito sa paningin nila ay napatingin siya kay Rafael na asiwang asiwa yata sa kanya.

"L-let's go." Anito at sumunod sya dito.

-$-

Their lunch was like a feast, parang nasa piyesta sila. Ang kaso ay tatlo lang sila sa mesa. She just realized how rich these people are. Akala nya ay sa TV lang nya makikita ang mga mayayaman na habang kumakain ay merong mga kasambahay na nakatayo sa gilid at nanonood sa kanila. It made her feel uncomfortable. This house sure is really big, kanina lang nya mas nalibot ang tingin sa kabuuan habang inihahatid sya ni Rafael sa kanyang uukupahin na kwarto. There were like more than a dozen room sa dalawang palapag na bahay nayun, every bit of the furniture surely is worth a fortune.

Behind His Hazel Eyes (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon