STB: 13

9.6K 195 0
                                    

Jesy's POV

Hindi ko alam kung ilang oras na ba kaming nagkwekwentuhan at nagtatawanan ni Jake dito sa kwarto ko. Pareho kaming nakasandal dito sa headboard ng kama ko. Hindi na nga kami pumasok ulit eh. Tyak! Marami na naman akong gawain.

"Hahahahaha! Tama na! Corny mo." Sabi ko sa kanya.

"Corny daw? Pero kung makatawa ka! Hahaha" Sabi ni Jake.

"Gutom na ako, Boss! Inabot na tayo ng gabi. Anong gusto mo, Boss? Ipagluluto kita." --Jake

"Aba! Sipag mo ngayon ah! Hmmm. Lulubusin ko na. I want sinigang na tilapia." --Ako

"Hmmm. Okay! Magluluto na ako." --Jake

Lumabas na siya ng kwarto ko. Siya ang kauna-unahang lalaking pinapasok ko dito sa kwarto ko. Siya din ang kauna-unahang nakakita at nakarinig ng tawa ko ulit after the accident except lang sa mga best friend ko na nasa ibang bansa. Pare-pareho kasi kami na may pinapatakbong kompanya. Mas malaki lang yung akin.

Lumabas na ako ng kwarto. Naisipan ko kasi na panoorin si Jake na bising-bisi sa pagluluto kasi hindi niya ako napansin na umupo.

"Huwag mo masyadong sarapan baka gawin na lang kitang katulong." --Ako

"Nakakagulat ka naman, Boss! Pero gusto ko yung sinabi mo. Para na tayong mag-asawa kaso nga lang under ako. Hahahaha" --Jake

"Katulong! Hindi asawa! Adik ka talaga. Hahaha!" Infairness! Cute siya habang nakasuot sa kanya yung apron ko na pink.

"Ay! Boss! Alam mo ba kung ano yung sinabi ko kanina kung para kanino talaga yung mga napkins?-- Jake

"Hindi ko pa alam." --Ako

"Sinabi ko lang naman na para sa asawa ko yung mga napkins." --Jake

"Adik ka! Hindi ko maalala na nagpakasal na pala ako."--Ako

*Fast Forward

"Grabe! Lalaki ka ba talaga? Bakit masarap kang magluto?" Tanong ko. Naka-tatlong plato ako.

"Wooooh! Takaw mo pala! Hahahaha." --Jake.

"Osige,Boss! Magpahinga ka na. Ako na ang maghuhugas ng plato." --Jake

"Huh? Ako na! Ikaw na nga yung nagluto eh. Marami na akong utang sayo." --Ako

"Ako na, Boss! Higa na! Diba sabi ko naman sayo na under ako! Hahahaha! Sasabihin ko sayo mamaya kung paano ka makakabawi sa akin."-- Jake

"Owwwwwkay!" --Ako

Jake's POV

Pagkatapos kong maghugas ng mga plato, naupo ako sa couch. Grabe! Pagod na ako! Napapikit na lang ako dahil sa pagod.

"Dapat kasi ako na lang yung naghugas. Napagod ka tuloy." Si Boss. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nagagawa kong makipagbiruan kay boss.

"Sus! Wala yun!" Sabi ko sa kanya.

"So, paano ako makakabawi?" --Boss Jesy sabay tabi sa akin.

"Hmmmm..." Tinitigan ko muna siya.

"Ipakita mo rin yang pinapakita mo sa akin ngayon kapag nasa labas tayo o sa opisina." --Ako

"I-I'll try"--Boss Jesy.

Habang tahimik kami, bigla na lang umulan at nawalan ng kuryente.

"OH MY GOD! J-jake !" Sigaw ni Boss. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako.

"Hey! Calm down, Boss!" --Ako

"M-madilim J-jake!" Sh!t. Umiiyak siya at nanginginig. Ginamit ko yung cellphone ko para ilawan siya.

"Hey! Calm down! Tara! Humiga ka muna sa kama mo, boss." Inakay ko siya habang gamit yung ilaw ng cellphone ko. Hiniga ko siya at kinumutan.

"D-dito ka muna! D-don't leave me." --Boss Jesy.

"Okay. I will never leave you." Sabi ko sa kanya. Pareho na kaming nakahiga at siya naman at nakayakap sa akin.

After 15 minutes, nagkaroon na ng ilaw pero hindi pa rin tumitigil yung ulan.

"Shhh! Okay na, Boss." --Ako

"D-dito ka muna, Jake!" --Boss Jesy.

Maya-maya ay ramdam ko na nakatulog na si Boss. At dahil na rin sa pagod, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

---
Sorry kung may typos.

Follow
Vote;)

She's The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon