STB: 12

10.1K 201 1
                                    

Jake's POV

Nandito ako sa supermarket ng isang mall na malapit sa condo ni Boss. Tulak-tulak ko yung cart na may laman na groceries. Naisipan ko kasi na ipamili na si Boss. Papunta ako sa bilihan ng napkin.

Aist?! Hindi ko natanong kay boss kung ano ba yung ginagamit niya. Bakit kasi napakarami?! Siguro mga 10 brands yung nandito. Ano ba 'to? With wings? Non-wings? Huh? Ano daw? May nakita akong 3 teenager na babae na namimili rin. Matanungan nga.

"Ahmm, excuse me? Anong napkin ba yung mainam na gamitin?" Tanong ko.

"Ikaw gagamit kuya? Sayang?! Gwapo ka pa naman!" --Girl 1. Haist! Ano ba 'to?! Napagkamalan pa akong bakla.

"Hindi ako. Yung.. Yung.. Asawa ko. Ako kasi yung nakatoka na mag-grocery ngayon." --Ako

"Hay! Sayang?! Taken ka na pala kuya. Hahaha" --G2

"Ito kuya oh. Mainam to. Magagamit to kapag medyo malakas." G3

"Ito kuya. Mas maganda kapag with  wings." G1

"Ito kuya. Long pad." G2

Lalo ata akong nahirapan. Kumuha ako ng 10 na iba't ibang kulay.

"Osige! Kukuha na lang ako ng 10. Hindi ko kasi alam kung ano ginagamit ni Misis. Newly Wed lang kasi kami. Salamt sa inyo."

"Wala yun kuya. Ang swerte ng misis mo sayo. Ahmm.. Pwede po bang magpapicture?"--G3

"O, sure!" Pagkatapos kong magpapicture agad akong pumuntang counter. Habang chine-check ni Ate yung mga binili ko, hindi niya maiwasan na ngumiti.

"Hindi para sa akin yung napkins, para sa asawa ko yan." Sabi ko agad.

"Hahaha! Sweet niyo naman. Sir, P4356.65 po." --cashier

Inabot ko na yung bayad ko. Wag kayong malito if mahal tong pinamili ko. Remember, pinag-grocery ko na rin si Boss.

*Fast Forward

"Boss! Nandito na ako. Ito na yung pinamili mo." Sigaw ko. Agad kong nilapitan si Boss.

"Bakit ang dami mong pinamili?" Tanong niya.

"Nag-grocery na rin ako." Sabi ko. Ngumiti naman siya at sinara yung pinto.

Liligpitin ko na yung mga pinamili ko. Naisip ko na rin na ipagluto ng sopas si Boss. Habang nagliligpit ako, natawa na lang ako nang biglang sumigaw si Boss.

"JAKE?! ADIK KA TALAGA?! AANHIN KO TO LAHAT?! ANO BANG AKALA MO?! ISANG TAON AKONG MAY DALAW?!"

After 30 minutes, naisipan ko na pagdalhan na ng sopas si Boss. Hindi na kasi siya lumabas.

"Boss? Tok? Tok? May dala akong sopas at gamot. Papasok na ako. huh!" Sabi ko sa kanya.

Pagpasok ko ng kwarto niya, agad akong nag-alala sa kanya. Nakita ko kasi siya na nakapikit at nakahawak sa bandang puson niya. Halata mong nasasaktan siya.

"Boss? Okay ka lang ba? Gusto no dalhin na kita sa hospital?" Tanong ko.

"Adik! Normal lang 'to." Agad siyang umupo. Ako naman ay umupo na rin sa gilid ng kama niya.

"Boss, sopas oh. Subuan na kita. You look sick. Okay ka lang ba talaga?" Sabi ko sa kanya.

"Okay lang ako. Masarap tong sopas mo. Ikaw ba ang nagluto?" -- boss

"Buti nagustuhan mo yung luto ko." Nakangiting sabi ko.

"Impressive. Wait?! Bakit napakarami mong biniling napkin? Huh?!" -- Boss

"Hindi ko kasi alam kung anong ginagamit mo. Nagtanong pa ako sa 3 babae. Lalo lang akong naguluhan. Ito raw pinilin ko. With wings. Long pad. Kaya bumili na lang ako ng 10. Napagkamalan pa nga akong bakla. Sayang daw kasi napakagwapo ko daw." -- Ako.

"Hahahaha! I'm sorry hindi ko mapigilang hindi tumawa. Na-iimagine ko kasi hahaha kung paano ka pagkamalang bakla. Tama ka naman eh. Isang gwapo na namimili ng mga napkins. Hahahahaha!" Teka?! Tumatawa ba siya?

"Ui? Okay ka lang?! Natulala ka jan." -- boss

"Ah.. Eh.. Tumatawa ka? Sh!t ? Ang saya ko. Nakita at narinig ko na yung tawa mo." --Ako

"Tsk! Akin na nga yung gamot!" -- boss

Jesy's POV

Habang umiinom ako, bigla na lang akong nabilaukan sa sinabi niya.

"Teka?! Sinabihan mo akong gwapo. Ayieeee. Crush mo na ako noh! Ayieee.!" Asar niya

*cough *cough

"Ui boss? Okay ka lang?" Tanong niya sabay hagod sa likod ko

"Adik ka talaga. Wala akong maalalang sinabihan kita na gwapo ka!" Syete! Nasabi ko nga pala kanina. Gwapo na bumibili ng napkin. Haysss!

"Denial Queen ka talaga, boss! Ako nga crush kita eh kahit lagi mo akong sinusungitan." Ano daw?! Umakyat ata yung dugo ko sa mukha.

"Ui, nagblush siya! Hahaha" sabay kiliti sa akin.

"Ano ba, Jake? Hahaha M-mainit lang noh. Tska, sino bang ang hindi magkakagusto sa kagandahan ko?" --Ako

"Ui! Boss! Humangin ata. Hahahaha!" --Jake

"Hahahaha!" Ngayon lang ulit ako natawa nang ganito. Salamat sayo, Jake.

----
Sorry sa typos.

Follow.
Vote ;)

She's The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon