XVII. I Love You... Goodbye

Start from the beginning
                                    

“Mom—“ my voice broke. Hindi ko na maitago ang sakit na pinagdadaanan ko.

“Asiana what’s wrong? Why are you crying?” nag-aalalang tanong niya.

“Mom si Argon, wala na siya sa akin. Hindi na niya ako mahal.” Umiiyak kong sumbong sa kanya.

Niyakap ako ni mommy. It’s what I need right now to lessen the pain of my heart. “sshhh it will be alright baby. Everything will be fine.”

I cried in her shoulder. Si mommy lang ang nakakaintindi talaga sa akin. “No mom, it won’t be alright anymore. He loved someone else, his not mine anymore and I’m broken.” I said crying.

“Don’t say that. I know Argon loves you.” She said in her most comforting tone.

I smile weakly habang pinapahid ang aking luha at kumalas sa yakap niya. “No mom, he still loves Evelyn. I saw them again today and they were—they were happy together.”

“Why don’t you let him explain first before you conclude anything.” Sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok.

“What is there to explain mom? I saw it—I saw them. And right now I have this terrible feeling that I’m being replaced and there is nothing I can do about it.” I sob when I remember the scene I saw earlier. My heart aches badly because of that.

“So what do you plan to do now?”

 “I will set him free. I know how much he wanted to have a child and Evelyn can give it to him and he loves her even before. I love him so much that I I want him to be happy even if it will kill me. This really sucks mom. I’m so damn hurt that it sucks.” Napahagulgol ako and again I feel my mother’s embrace.

“So ganun na lang iyon? After nang mga pinagdaanan niyo ay basta ka na lang maduduwag? If you really love him then fight for him anak.” Sulsol ni mommy.

Hindi ko siya maintindihan ako ang anak niya ako ang nasasaktan pero gusto niya ipaglaban ko pa rin si Argon. Oo mahal na mahal ko siya pero sobrang sakit na ang idinudlot ng pagmamahal na iyon.

Napailing na lang ako. “I’m tired mom, I want to rest.” Sabi ko at tumalikod na sa kanya at muling humarap nang may maalala akong sabihin. “Mom, paano ko ilalaban ang taong ayaw akong ipaglaban? Pag ganun kasi sigurado na akong uuwing talunan.” Sabi ko at hindi ko na siya hinintay na sumagot. Umakyat na ako sa kwarto dahil pakiramdam ko sobrang pagod na pagod na ako.

oOo_______________________________

Alam kong namumugto na rin ang mga mata ko. Kanina pa ako walang tigil sa pag-iyak. Habang tinitingnan ko ang kama ko iniisip ko kung magkasama ba si Argon at Evelyn. Mapait akong napangiti sa sarili ko habang pinupunasan ang luhang naglandas na naman sa aking pisngi. Noong nasa Greece pa ako naisip ko na baka may chance pa na maayos namin ni Argon ang lahat at kahit sa akin pa manggaling ang pakikipag ayos ay okay lang. Lulunukin ko ang pride ko para sa aming dalawa kaya nga umuwi ako at hindi ko na tinapos ang three weeks. Pero huli na siguro talaga para maayos pa ang lahat sa pagitan namin.

Kinuha ko ang remote ng tv at ini-on iyon para magkaroon ng ingay ang silid ko. Ayaw ko nang tahimik dahil maiisip ko lamang si Argon. Pagkabukas ng tv ay nasa cinema one pala iyon at kasalukuyang no other woman ang palabas. Napangiwi ako. Ayaw ko iyong panoorin dahil nakakarelate ako ngayon.

I switch the channel and put on my favourite music channel. I smile and feel glad nang kanta ni James Blunt ang nasa screen. He is one of my favourite singer. But my smile fade away nang marealize ko ang lyrics ng kanta niyang iyon. Napailing ako ang title ng kanta ay goodbye my lover. Di yata ay patama din sa akin ang kantang ito.

Loving the Beast in You <Completed (SPG)>Where stories live. Discover now