' Excuse me ? Parang gusto kong makipaglandian sayo '
Hinaplos ko yung kamay nya. Ang ganda talaga ng kutis nya. Mas makinis pa sya sakin.
' N-Naalala mo ba noong pinilit ka ng SquadBalls na maging fake boyfriend ko ? Y-Yun yung isa sa mga bagay na hindi ko pinagsisisihan na nangyari. Kasi dun nagsimula yung isang magandang pangyayari sa buhay ko. Y-Yung mapalapit sayo .. '
Dati napipilitan pa akong umaktong malapit sa kanya eh. Pero ngayon, kahit habang buhay nyo na akong itabi kay Joshua ayos lang sakin.
' Alam kong si Vernon dapat ang pinagseselos nating dalawa pero bakit ako yung nagseselos sa inyo ni Vernon ? '
' A-Anongㅡ '
' I know this may sound stupid for you Soonbyul pero .. I like you '
Naalala ko yung ilang araw nya akong hindi pinansin bago sya nag-confess sakin. Hindi ko yun inaasahan.
' H-Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nung araw na nag-confess ka sakin. Hindi ko kasi akalain na ako si Y eh. Y-Yung Y na mahal na mahal mo .. '
Inis na inis pa nga ako kay Y noon eh. Hindi ko naman akalain na ako pala yun.
' Oy anong ginagawa mo ? '
' Nilalagyan ng french fries yung loob ng burger. Duh '
' Anong lasa nyan ? '
' Edi lasang burger na may fries sa loob ! Utak naman Jisoo '
Kahit na ang weird ko at kakaiba ang mga habits ko, salamat kasi natanggap mo padin ako Joshua.
' K-Kakain pa dapat tayo ng fries na sinawsaw sa sundae tsaka nung burger na may fries sa loob eh. D-Dun sa paborito nating lugar sa bubong diba ? Kung saan palagi tayong pupunta .. '
Yung bubong na yun ang naging saksi ng pagmamahalan namin. Dun kami palagi nagpupunta para tumambay at dun din kami nagpunta nung nag-away kaming dalawa.
' So .. wish ko para sayo, sana palagi kang masaya. Sana wag ka nang magtago ng mga sikreto sakin kasi hindi naman kita ija-judge. Sana din ako lang yung mahalin mo '
Naalala ko yung birthday wish nya sakin. Pumayag naman ako at nangako na din ako sa kanya na ipagkakatiwala ko sa kanya lahat ng sikreto ko.
' K-Kahit mahirap, susubukan kong panatilihing masaya yung sarili ko para sayo. H-Hindi na ulit ako maglilihim sayo at lalong lalo nang ikaw lang din yung mamahalin ko .. '
Kusang gumalaw yung kamay ko papunta sa buhok nya at sinuklay yun ng dahan-dahan.
' Inaantok ka na ba ? '
' Mas madali kang nakakatulog kapag ginagawa ko to '
Napapikit ako nang maalala ko yung pakiramdam kung paano suklayin ni Joshua ng dahan-dahan yung buhok ko tuwing matutulog na kami.
' Sino nang hahaplos sa buhok ko gabi-gabi para madali akong makatulog ngayong w-wala ka na ? '
Ang sarap sa pakiramdam kapag yakap nya ako tuwing gabi. Pakiramdam ko kasi ligtas ako sa mga braso nya at walang pwedeng manakit sakin.
' I love you Babs '
' I love you too Tokwa '
Pinilit kong ngumiti kahit ang hirap.
' S-Sino nang magsasabi sakin ng I love you Babs at sasagutin ko ng I love you too Tokwa ? '
Hinaplos ko yung pisngi nya sa huling pagkakataon at hinalikan sya sa noo.
YOU ARE READING
MILK / seventeen
FanfictionIn which Park Soonbyul applied as Seventeen's personal assistant to get closer to Vernon, only to find out that Joshua won't let that happen easily M I L K ㅡSeventeen Fanfiction © 2015 SALTYPASTRY