Diary 20.3

145 4 0
                                    

Dear Diary,

Ang ganda dito sa Macau. Ang ganda ng mga hotels nila. Alam mo bang ang sayang maglakad lakad at kumain sa Senado Square. I really had a good time with my boss.

Nagtataka nga ako at okay lang sa kanya na gawin namin ang mga gusto ko. Siya ang naging tour guide ko. Marunong din siya ng salita nila. Hindi kasi makaintindi ng english ang ibang mga tao rito.

super amazed ako sa bridge nila. ang sabi ni boss sa Macau daw kami pupunta dahil Nasa Cotai daw kasi kami.

Ah basta diary marame kasing lugar dito at super tyaga ni boss na magkwento.

Good mood siya kanina kaya naman masaya ang lakad namin. plan ko na talagang magpakabait dahil natatakot akong iwan niya pero ang nangyare nakainom siya ng gamot niya kaya wala siyang saltik ngayon. Kaya happy-happy kami.

joke lang diary. lagot ako kapag nabasa niya tong sinusulat ko. buti na lang at tulog na siya. napagod kasi kami kakalakad eh. sabi niya kasi sa susunod na araw pa raw yung next meeting niya. gusto ko sanang sabihing umuwe na lang kami ng Pilipinas dahil malapit lang naman kaso baka mabadtrip na naman siya sakin at sabihing bumili ako ng ticket ko. kaya stay put na lang ako dito sa sofa ko.

okay lang din naman diary dahil nag enjoy talaga ako sa lakad namin ngayon. at alam mo ba? ang gwapo niya kanina sa suot niya. mukha talaga siyang turista. kami palang dalawa ang mukhang turista dahil nag dress din ako. actually siya ang pinapili ko ng isusuot ko dahil ayoko ng magmukhang kawawa at pagtinginan ng mga tao dito. Sinuot ko ang mga binili niya at mukhang satisfied naman siya. Wala naman akong choice dahil wala akong damit na dala.

buti naman nakicooperate siya sakin at sumusunod sa mga sinasabi ko. para tuloy friends na kami. hay diary hanggang friends na nga lang ata kami.

-Cory

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon