Mr. Dreamboy

716 30 0
                                    

Chapter 15
Mr.Dreamboy. <3

Her POV:

Dumeretso agad ako sa kitchen para tingnan kung anong breakfast. Kakagising ko lang at gulo-gulo pa ang buhok ko. May muta pa ang mga mata ko at hindi pa ko nagtotooth brush.

"Good morning ate." Bati ni Fia sakin

Naupo ako sa tabi ng pwesto ni mama habang katapat ko naman si Fia.

"Good morning." Bati ko din sa kanya.

Si Mama ay abala sa pagffried ng hotdogs habang nagpapalaman naman ng tinapay si Fia.

"Ma, morning." Bati ko sa kanya nang ilapag niya ang plate na may lutong hotdog sa lamesa.

"Fall, bakit di ka man lang nagsuklay. Baka mamaya biglang dumating ang boyfriend mo! Baka biglang makipagbreak yun sa itsura mo anak!" Tila nag aalala ito.

Ayan nanaman si Mama sa pagiging OA. Bakit naman pupunta dito yun ng ganto kaaga?

"Sus, yaan mo siya." Sagot ko habang kumukuha ng hotdogs at inilalagay sa plate ko. Paki ko dun. ( ̄. ̄)

"Hi kuya! Andiyan ka pala. Tara kaen!" sigaw ni Fia sabay tingin sa gawi ng pintuan na nasa likuran ko.

Agad namang nanlaki ang mata ko at dali-dali akong nagtatakbo sa banyo para magtago.

┐('д`)┌

Pagpasok ko ay narinig kong nagtawanan si Mama at Fia. Mukhang napagtripan ako ng mabait kong kapatid!

Ipinusod ko ang buhok ko at nagtoothbrush na din ako. Baka paglabas ko kasi andun nga eh.

Habang nagtututbras naalala ko yung kakulitan niya nung nakaraang gabi na magkasama kami. Para syang bata yet ang cute nya maglambing. Feeling ko tuloy ang saya saya nyang kasama at napaka sweet nya sigurong boyfriend.

Wait! Ano bang sinasabi ko? Tigilan mo yan Fall. Hindi ka pedeng ma-fall sa lalaki na yun! Lolokohin ka lang nun gaya ng ex mo!

Lumabas ako ng banyo at itinuloy ang kinakain ko. "Ate peace!"nakapeace sign na bungad ni Fia.

"Tse!" Inirapan ko lang ito bago tinusok ang omelet sa plate ko.

Habang kumakain, hindi ko naiwasan na maglakbay ang isip ko sa mundo ng lalaking yun na gumugulo sa isipan ko.

Ano kayang ginagawa niya ngayon?
May kasunod pa kaya yung date namin?

Napailing iling na tumingin ako sa wall clock at pilit na inalis sa isipan ko ang lalaking yun. Pagkakain ay dumeretso agad ako sa kwarto para magbihis. May oras pa ko para matulog. Mamaya pa naman ang pasok ko kaya nahiga ako at ipinikit ang mga mata ko.

Pero kahit anong gawin kong pagpilit sa sarili kong wag syang isipin. Ayaw makisama ng sarili ko. Sa pagpikit ko naalala ko nanaman ang ngiti niya.. Ang mahahabang pilik mata nya, at mapulang labi.

Ano bang nangyayari sakin?

Sa kalagitnaan ng pagpapantasya ko ay biglang may kumatok sa pinto kaya napamulat ako. Ano kayang kailangan ni mama?

Agad kong binuksan iyon at nagulat ako ng makita ko si Still na nakatayo sa labas ng kwarto ko at nakangiti.

\( ̄▽ ̄;)/

Napanganga pa ko sandali bago nakabawi at nagsalita. "S-still?"

Walang emosyong tumalikod ito at nauna pang pumasok sa kwarto ko na parang di ako narinig.

"Bat nandito ka?" tanong ko habang nakasunod dito.

"Miss na kita.." Sagot niya bago naupo sa gilid ng kama ko.

"Ha?" takang tanong ko. Nakatayo ako malapit sa drawer at nakatingin lang sa kanya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sakin.

"Fall.." Napansin kong amoy alak ito ng maamoy ko ang hininga nito kaya bahagya akong napangiwi. Kabado ko itong sinagot.

"Ba-bakit?" napaatras ako ng bahagya dahil ang lapit na namin sa isa't-isa.

"May gusto kong gawin.." seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko.

Ayan nanaman ang kaba sa dibdib ko. Habang tumatagal parang lalong lumalakas ang kabang nararamdaman ko. Putek. Anong gusto niyang gawin?

"A-ano?" Nanginginig ang labing tanong ko kahit parang nahuhulaan ko na ang gagawin nito.

Σ(っ゚Д゚;)っ

Humakbang pa siya ng isa at bahagyang yumuko. Mas matangkad kasi siya sakin ng bahagya. Napaatras nanaman ako. Humahakbang siya kada atras ko hanggang sa mapasandal na ko sa pintuan.

Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Hanggang sa dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin niya sa labi ko. Palapit ng palapit ang labi niya sa labi ko at halos hindi na ako huminga.

Σ(っ°Д °; )っ(' ε ' )♡

Napapikit ako ng mariin at hinintay ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
Hinintay kong dumampi pero ilang segundo na wala pa rin.

Bat ang tagal?

Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sakin ang kisame ng kwarto ko.

Panaginip lang?! 

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at luminga-linga sa paligid hanggang sa makumpirma kong mag-isa lang ako sa kwarto ko. Bahagya pa kong nadismaya ng masigurong panaginip nga lang yun. Bakit ba hanggang panaginip sinusundan ako ng lalaking yun?!

Naupo ako at tumingin sa pinto habang inaalala ko yung panaginip ko. Akala ko talaga totoo. . .

Nahilot ko ang sentido ko dahil sa biglang pagkirot nito bago ko pinasyang tumungo na sa closet ko para magbihis ng damit pamasok. Pero nakakaisang hakbang palang ako nang biglang tumunog ang message tone ng phone ko.

(1 message received)

'Dito ko sa labas ng kwarto mo.'
From: Still



~SEDUCETHATNERD

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant