"O, Josh! Ang aga mo 'ata? Sorry, hindi na kita nahintay. Maaga kasi kaming nagkita ni Xander," sabi ko sabay turo kay Xander.

Dapat sana ay sabay kaming papasok. 'Yun ang usapan namin kagabi. Kaso biglang nagtext si Xander ng bandang alas siete ng umaga at magkita raw kami. Nai-text ko na lang si Josh na hindi na lang kami magsasabay.

"Sige, aalis na ako. Ite-text na lang kita kung may nakita akong lugar. Ikaw din, text mo na lang ako." Tumayo na agad si Xander hindi pa man siya tapos magsalita.

"Okay," nakangiti pang sabi ko sa kanya.

Tumalikod na agad siya at tuloy-tuloy na naglakad palayo. Nakasunod pa rin ang tingin ko sa kanya nang biglang umakbay sa akin si Josh.

"Sabay tayong maglibot mamaya," aniya.


~*~


Nasa labas kami ni Josh sa movie room ngayon. Manonood kasi kami ng 'Conjuring'. Sumikat 'to two months ago 'ata mga bandang August pero hindi ko pinanood. Duwag kasi ako pagdating sa horror movies. Pero dahil sabi ni Claire na hindi naman nakakatakot 'yung movie na yan, um-oo ako nung sabihin ni Josh na manood kami. Nakabili na nga siya ng ticket e kaso may kausap siya sa cellphone ngayon.

"Wala bang iba na pwedeng magbantay?" narinig kong tanong niya sa kausap. "Pero may kasama ako e!" Tumigil siya saglit at pinakinggan 'yung nasa kabilang linya. "Okay, okay. Pupunta na ako."

Lumapit sa aking si Josh habang pinapatay 'yung cellphone niya.

"Uy, Mica sorry ha? Tumawag kasi 'yung president ng klase namin at kailangan daw ako dun sa booth," aniya sabay abot sa akin ng ticket. "Manood ka na rin, sayang naman kasi 'to. Sige ha, kita na lang tayo mamaya." Tumakbo agad siya pagkatapos magsalita.

Tinignan ko 'yung ticket sa kamay ko. Tutuloy pa ba ako? Pero mag-isa lang ako! Ahayys! Pero sayang naman 'tong ticket. Si Josh pa man din ang bumili. Kahit na ba sabihin pang beinte pesos lang 'to galing pa rin sa baon niya ang pinambili nito. Tsk! Ay, bahala na nga! Manonood ako!

Naupo ako sa pinakalikod na upuan. Buti na lang halos puno 'tong room. Walang masyadong problema at hindi ako masyadong matatakot. 'yun nga lang wala akong katabi dito sa likod pero ayos lang, marami naman akong nakikitang tao sa harap ko kaya keri na.

Nagsisimula na 'yung palabas ng may umupo sa tabi ko. Hindi ko na pinagka-abalahang tignan kung sino basta lalaki 'yun. Naka-focus na pati ako sa palabas. Grabe simula pa lang parang kinikilabutan na ako. Tsk! Bakit ba kasi napaka-matatakutin ko? Ang sabi nila hindi naman nakakatakot a? Bakit kumakabog na agad 'yung dibdib ko?

Nagulat ako nung biglang pinakita 'yung manika na God knows kung anong pangalan dahil hindi ko na pinakinggan at natatakot na ako. Napakapit ako bigla sa braso ng katabi ko. Wala na akong pakialam kung sino mang Poncio Pilato 'to basta nababawasan 'yung takot ko ngayong nakakapit ako sa kanya.

Akmang aalisin nung lalaki 'yung braso niya kaya lalo kong hinigpitan 'yung kapit.

"Pakapit lang Kuya, nakakatakot e." Hindi ko na pinansin kung um-oo ba siya o ano kasi kahit hindi ang isagot niya ay wala akong balak bumitaw.

Nakakapit lang ako sa kanya habang nanonood. Nakikisabay ako sa pagtili ng karamihan sa tuwing may nakakagulat na eksena. Kung minsan nga ay ako lang ang tumitili. Paminsan-minsan naman ay tinatago ko pa sa balikat ni Kuya 'yung mukha ko dahil ayokong makita 'yung eksena. Ilang beses ko na ring ginawa 'yun saka lang siya nagsalita.

"Nanood ka pa kung hindi mo rin naman pala titignan. Sayang lang 'yung bayad mo," pabulong na sabi niya.

Teka lang. Parang kilala ko 'yung boses na 'yun a? Kunot noong tiningala ko 'yung mukha niya. Mas mataas kasi siya kaya 'di ko kita agad ang mukha at hindi ko na rin pinagkaabalahang tignan kanina. Naningkit ang mata ko nang makilala 'yun. Hinawakan ko pa 'yung pisngi niya saka hinarap sa akin.

"Xander?!" bulalas ko.

Napalakas yata masyado 'yung sigaw ko kaya napatingin sa amin 'yung ibang nanonood. 'Yung iba nag-shhh pa sa amin kaya nag-sorry na lang agad ako.

"Anong ginagawa mo dito?" pabulong kong tanong.

Nilapit niya 'yung bibig niya sa tenga ko saka bumulong. "Nanonood, malamang."

Hindi ko maintndihan 'yung kilabot na naramdaman ko nung bumulong siya. Basta parang bigla na lang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Pagkatapos nun ay nanahimik na lang ako at nagpatuloy sa panonood habang nakakapit pa rin sa braso niya.


~*~


"Gusto mo ng ice cream?" tanong ni Xander nang mapadaan kami sa Ice cream stall ng mga Second year. Tumango agad ako kaya lumapit siya dun at bumili.

Kakalabas lang namin ng Movie room at nagkasundo kaming magkasamang maglibot tutal pareho naman kaming mag-isa. Uhm, actually ako lang talaga ang nag-insist. Mas gusto daw niyang mag-isa pero napilit ko na rin siya sa bandang huli.

"O." Iniabot niya sa akin 'yung vanilla flavor na soft ice cream.

"Salamat," sabi ko sabay kain ng ice cream.

Tahimik lang kaming naglalakad at tinitignan 'yung mga booth. Ano pa nga bang aasahan ko kay Xander 'di ba? Kung hindi pa ako magsasalita, hindi 'yan iimik. Pag may kinalaman lang naman sa pag-aaral yan maraming sinasabi e. Pag ganun ako naman ang tahimik.

"Bakit hindi mo yata kasama ang boyfriend mo?" nagulat ako nang bigla siyang magsalita.

E? Boyfriend? Hmmn, Sino na—Oo nga pala si Josh. Siya lang naman ang tinatawag ni Xander na boyfriend ko e.

"Hindi ko boyfriend si Josh," simpleng sabi ko.

Hindi na siya umimik pagkatapos nun. Basta palakad-lakad lang kami. Kahit ako ay walang ganang magsalita. Basta gusto ko lang tumingin-tingin. Napatigil ako sa paglalakad nang makakita ako ng mga stuff toys na tinda. Pang holloween 'yun pero ang cute pa rin tignan.

Kinuha ko 'yung isang pumpkin na may mukha na naka-display. Pinisil-pisil ko 'yun kasi ang cute cute.

"Naglalaro ka pa rin ng ganyan?" si Xander.

"Oo naman! Ang cute kaya!" sabi ko saka pinanggigilan 'yung stuffed toy.

"Tss," aniya habang nakatingin dun sa mga nagtitinda. Napansin ko namang nakatitig sa kanya 'yung mga nagbabantay doon at mukhang kinikilig-kilig pa. "Magkano 'to?" narinig kong tanong ni Xander.

Nakarinig pa ako ng impit na tili saka may nagsalita. "Two hundred fifty lang Kuya."

Pagtingin ko kay Xander ay kumukuha na siya ng pera sa wallet niya. Wait, bibilhin niya 'to para saken? Weee! 'di nga? Ang saya!

"Ito o." nakita kong nag-abot siya ng five hundred.

"Oy, saken na 'to?" nakangiti pang tanong ko sa kanya. Kahit ako rinig ko 'yung excitement sa boses ko.

Tumango siya. "Para ka talagang bata," narinig ko pang sabi niya saka inabot 'yung sukli at tumalikod na sa akin.

"Waaah!! Salamat Xander!" Iniyakap ko pa 'yung kanang kamay ko sa braso niya habang hawak 'yung stuffed toy sa kaliwang kamay ko. "Ang bait mo talaga!" sabi ko pa.

Hindi na siya sumagot basta lakad lang siya nag lakad hanggang sa makarating kami sa horror house. Ito 'yung booth na 'yung klase namin ang gumawa. Nakita ko sa bungad si Gen na nakatingin ng masama sa amin. Hindi ko na lang siya pinansin at hinanap ko ng tingin si Claire at Andi. Silang tatlo kasi ang bantay dito.

Nagulat ako nang biglang tanggalin ni Xander 'yung kamay ko sa braso niya. Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin naman siya sa direksyon ni Gen. Pero bigla rin siyang umiwas ng tingin at naglakad palayo. Bigla na lang siyang nawala sa paningin ko kaya hindi ko na siya nahabol.

"Uy, Mica nandito ka pala! Kanina pa kita hinahanap e," ani Josh na bigla na lang sumulpot sa harap ko. "Tara, maglibot na tayo. Pinayagan na nila akong umalis dun sa booth." Umakbay pa siya sa akin at nagsimula nang maglakad.

Nakatingin pa rin ako sa direksyon na pinuntahan ni Xander kahit hindi ko na siya nakikita. Saan naman kaya nagsususuot 'yun? At bakit bigla-bigla na lang siyang umalis?

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon