Chapter 6

6 0 0
                                    

Chapter 6

***

TROY'S POV

"Ako lang naman yung babaeng matagal ka nang minamahal ng patago. Ako yung babaeng kaya ka'ng mahalin pabalik. Ako yung babae na simula bata palang tayo ay may gusto na sayo. Ako yumg babae na hindi mo napapansin kasi sakan'ya ka lang laging nakatingin. Ako 'to, Tyler. Maxine Megan Alvarez. Babaeng hindi ka iiwan. I'm hurt... but it's okay. Okay lang. Mahal mo siya eh. Wala akong magagawa. Mahal kita, mahal mo siya ang tanong, Mahal ka ba niya?"

Ilang minuto rin akong natulala. Hindi ko parin lubusan maintindihan ang nangyari. Sino? Ano? Paano? Kailan?

Sino ba talaga siya?

Ano ang kailangan niya sa'kin? Sa amin?

Kailan niya ako nagustuhan?

Paano nangyari 'to? Paano niya ako nakilala?

"Alam ko na naguguluhan ka kung sino talaga ako, kung ano ang motibo ko at kung paano. At dahil naguguluhan ka, ikikwento ko sayo yung nangyari...."

Tumango ako sakan'ya, senyales na magsimula na siyang mag-kwento. "Naalala mo pa ba na iniwan namin kayo nila Kenzo? Si Kenzo nagpunta sa ibang bansa. Ako, sa Maynila. Naghirap kami no'ng panahon na 'yon kaya naisipan nila mama na lumuwas kami sa Maynila. Bata palang ako noon kaya hindi ko naisip na maiiwan ko kayo, kaya sumama ako. First year high school, nagkita ulit tayo. Hindi mo siguro ako nakilala, pero ako kilalang-kilala parin kita. Magkasama kayo ni Scarlet no'ng panahon na 'yon, nasa Cafeteria kayo, nagtatawanan, naghaharutan. Aksidente ka'ng naitulak ni Scarlet, kaya yung hawak-hawak mo na pagkain, tumapon sa akin. Sorry nang sorry si Scarlet sa akin. Pero ikaw? Wala ka'ng ginawa. Okay lang naman sa akin, dahil sanay na ako, tsaka gusto kita kaya wala akong karapatan magreklamo. So ayun na, hanggang sa mag Fourth Year na tayo, nagka-usap tayo. Naging magka-partner tayo sa isang project sa Science, kung naaalala mo pa. So ayun, hanggang sa lagi nalang kita tinitignan sa malayo. Hindi naman sa pagiging stalker, pero updated ako sa mga nangyayari sa buhay mo. S'yempre sikat ka, kaya mabilis kumalat ang balita tungkol sayo. Baka nga simpleng pagbahing mo lang ibalita agad e. Kaya ayun, hanggang sa dumating na 'tong araw na ito at naka-amin na rin ako sa'yo. Nakakahiya man, atleast para akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib dahil nasabi ko ang nararamdaman ko."

Ang haba ng sinabi niya at hanggang ngayon hindi parin nags-sink in sa utak ko lahat ng sinabi niya. Hindi pa ma-absorb ng utak ko dahil sa sobrang pagkagulat.

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Bakit ako?" Tanong ko sakan'ya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Anong bakit ikaw?"

"Bakit ako yung nagustuhan mo?"

"Tanong mo dito..." Sabay turo niya sa left chest niya kung nasaan ang puso.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "...Tsaka kagusto-gusto ka naman kasi. Oh! 'Wag lalaki ang ulo." Pagtuloy niya sa kan'yang sinabi.

"Kung kagusto-gusto ako, ba't hindi niya ako magawang magustuhan?" Tanong ko sakan'ya.

"Alam mo kasi, may iba't ibang klase ng babae. Depende na kasi yan kung kanino tumibok yung puso nila. Hindi yan nakikita sa mukha, Troy. Tsaka si Scarlet kasi, mag-bestfriends kayo ng napakatagal na panahon, right? So baka attached na siya sayo, but.... Bestfriend lang talaga ang turing niya sayo."

And that hits me so hard... She's right. Maybe, dahil sa tagal namin na magkasama, siguro kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin. Kung hihigit man do'n ay maaring nakikita niya ako as bestfriend or kapatid niya. How cruel is life is.

Hindi ko na namalayan na unti-unti na palang bumabagsak ang mga luha ko sa aking mata.

Nanlaki ang mata niya. "Ang bakla mo naman tignan. Ogag ka! 'Wag ka nga umiyak! Baka sabihin ng mga tao na binusted or nakipag-break ako sayo." Sabi niya.

"Maxine...."

Tinaasan niya muna ako ng kilay bago siya sumagot. "Ano?"

"Be my girlfriend...."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nasabi ko iyon... Gusto ko lang naman ma-divert yung atensyon ko sa iba.

Nanlaki nanaman ang mata niya. "ANO?!" At hinampas niya ako.

"Aray ha! 3 months lang naman!"

"Akala mo ba biro-biro lang ya'ng pagg-girlfriend at pagb-boyfriend?! HUH?! Hindi 'no! Tsaka 'wag mo nga ako itulad sainyo ni Scarlet na naging mag Fake couple. Don't me!"

"O.A? Dali na. Tatlong buwan lang naman. Malay mo mag-work out diba? Swerte mo nga eh!"

"DUH?! Hindi ako O.A! Tsaka ako? Swerte? Sayo? Huh! Kahit may gusto ako sayo, hindi ako papayag na maging girlfriend mo lalo na't wala ka namang gusto sa akin. Hindi ako papayag na maging rebound 'no. I'm not that cheap, dude."

Hindi ko alam kung bakit ako na-guilty.... Siguro nga hindi tama yung sinabi ko kanina.

"Fine, fine. Sorry. Pero sana payagan mo ako na ligawan ka."

Natahimik siya ng mga ilang minuto. "Hmmm, okay."

Napa-ngiti ako sa sagot niya. "Yes! Thank you!" Sabay yakap ko sakan'ya.

Tinulak niya ako. "Hep! Nanliligaw ka pa nga lang, nanyayakap ka agad? Agang advance ah!"

"Sorry na. Masaya lang. Alam mo, Maxine. Kahit ngayon lang ulit tayo nagkita, alam ko na mabuti ka'ng tao. Sana talaga ikaw yung una ko'ng nakilala at naka-close, nang sa gayon ay sayo ako nagkagusto."

"Wala eh, nangyari na eh. Pero sige, tutulungan kita mag-move on. I may not be your first love, but I will make sure that I will be your last."

Wow. May tinatago rin pala na ka-sweetan 'tong babae na 'to. Funny, but nakikita ko si Scarlet sakan'ya.

Puro si Scarlet iniisip mo, Troy! Tumigl ka na!

~*~

A/N: Super late update, sorry! :3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Better Off FriendsWhere stories live. Discover now