Chap 1 - Who the f is he?

Start from the beginning
                                        

"uy donna" nagulat naman ako ng batukan ako ni kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin "Nakatulala ka jan, sino iniisip mo?"

"Sino agad? hindi ba pwedeng ano muna?" sabe ko, nakakainit ng ulo tong dalawang kasama ko. 

"Baka ako" Pabulong na sabe ni matthew. Pabulong pa ba yon? Wtf.

"Nga pala, kamusta na kayo ni barbie?" Mas lalong nag init yung ulo ko ng marinig ko pangalan nung babaeng yon.

"Ok lang naman, Sobrang mahal ko nga yon eh" Sabe ni matthew sabay tingin sakin at ngumiti. Aba puta--

"vaughn mauuna na ako" Sabe ko, naglakad na ako pero narinig ko na nagsalita pa si matthew

"Bitter pa din?" 

"Ha? Naging kayo?" Nanlaki ng mata ko ng tanungin ni kuya yon. kaya bumalik ako para lapitan si matthw

"Hindi ah! Nagbibiro lang yan si matthew!" Sabe ko sabay pabiro kong sinuntok sa tyan pero medyo malakas kaya nasaktan siya. "Sige una na ako!" Sakto naman na nakita ko si Ynnah. "Ayun! Si ynnah hinihintay nako hehe bye!" Bago pa magsalita si kuya, tumakbo na ako papunta kay ynnah. 

Siya yung close ko sa lahat ng classmate ko sa section namin kasi parehas kaming kalog haha. 

"Oh bes?" Nagulat naman siya sa pag dating ko

"Para ka namang nakakita ng multo" Sabe ko.

"sino kasama mo?" tanong nya at parang may hinahanap sa likod ko. Sana hindi nya makita. Baliw to kay vaughn, for sure pag nakita nya yon pipilitin nya akong bumalik don. Pero muka namang hindi nya nakita. 

"Wala, forever alone ako" Sabe ko sabay tawa ng mahina. 

"Di mo kasama kuya mo?"

"Hindi, tara basketball tayo!" Hinila ko kaagad siya papunta sa clubhouse ng village bago pa nya makita si kuya haha. May mahihiraman naman ng bola don kaya ok lang kahit walang dala.

Pagdating naman namin, sakto wala pa masyadong tao kaya nanghiram na siya ng bola. 

Naalala ko naman bigla si matthew, dito kami madalas pumunta. Pag nag aaway naman kami, uupo ako sa bench ng court at siya naman isisigaw lahat ng galit. Covered court to kaya rinig na rinig ko yung ingay nya at sobrang sakit sa tenga. Naalala ko sa playground, nag s-swing siya tas tinutulak ko siya, napalakas tulak ko kaya nangudngod muka nya sa buhangin HAHA! Nakakami--- UGH Erase that part donna! Hindi mo na siya miss!

"Bes!" Napatingin ako bigla kay ynnah "tignan mo'ko, pag na shoot ko to ibig sabihin magkakagusto sakin kuya mo" Natawa naman ako sa sinabi nya. Sabe sainyo baliw to kay kuya eh.

"Pag hindi, hindi mo na siya lalapitan" Sabe ko. nagulat naman siya sa sinabi ko haha.

"Hala? Parang nakaka-kaba naman yon! Pero sige challenge accepted" Tumango ako at umupo sa bench malapit sa ring na pag sh-shootan nya. 

Aba si gaga nag sign of the cross pa haha. 

Pag ka tira nya nakatingin lang kami sa bola. Halatang kinakabahan siya kasi yung bola nagpaikot ikot pa don sa ring pero napatalon siya nung shumoot yung bola. 

"woooooh! Talo ka!" sabe nya habang sumasayaw sabay tinapat nya bad finger nya sakin. Gago talaga to hahaha. 

"Asa ka pang mangyayare yon haha" Sabe ko habang lumalapit sakanya sabay agaw nung bola "Ako naman!" Nag dribble ako, at siya naman umupo sa bench. "Pag na shoot ko to, lilibre mo'ko gummies" 

"Pero pag hindi, maiinlove ka ulit" Nakita ko naman yung mga ngiti nya.

"Bes naman" Pag rereklamo ko. Alam nyang ayaw ko na sa love na yan, natanggalan na yata ako ng romantic bone dahil sa matthew na yon eh

Wrong Send [SLOW UPDATE CUZ BC]Where stories live. Discover now