"Goodmorning philippines~!" sigaw ko habang nag uunat. Sabado ngayon kaya mag j-jogging kami ni kuya.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ako nga pala si donnalyn marilou gray, but please dont-- just dont call me marilou, i hate it. Simple, kalog, at walang arte na babae, sabe naman ng iba maganda daw ako kaya naniniwala naman ako pero sabe din nila hindi ako masyadong matalino at mas naniniwala ako don. Haha! Mayaman kami pero simple lang kami, hindi kami fino-force ng magulang namin sa kung anong gusto nila. That's why we love them. Hays <3
"Donnalyn, gising ka na?" si kuya vaughn, tinatawag na ako.
Ang kuya kong siga, ang mortal kong kaaway, ang kontrabida sa buhay ko. Pero kahit madalas, or should I say lagi kaming nag aasaran, nag aaway o ano pa mahal na mahal namin ni kuya ang isa't isa. Ew ahahaha. Minsan lang kami magkasundo nyan lalo na pag parehas naming gusto.
"Opo, wait lang maghihilamos lang ako" naghilamos na ako at nagpalit ng pang jogging.
*bzzzt bzzzt* sino naman yon? Ang aga aga eh.
From: 09171717171 "You're not cecilia, but you're breaking my heart" hala siya?
To: 09171717171 "Who the fck are you?"
Tatayo na sana ako pagkareply ko, pero agad naman itong nag vibrate.
From: 09171717171 "Please don't do this to me seika, I still love you"
To: 09171717171 "First of all, I don't love you. I didn't even know you. My name is donnalyn, not seika"
Pagkareply ko, iniwan ko na yung phone sa kama at bumaba na. nakita ko naman si kuya vaughn, ang sama ng tingin sakin. "bat antagal mo?"
"May nag text sakin, wrong send lang. Tara na?" Nauna siyang lumabas kaya sinundan ko nalang siya. Buti nalang hindi na siya nagtanong. Hahaha.
Ng makarating kami ni kuya sa park, nakita ko siya......
"Oh matthew!" Tawag ni vaughn.
Kuya ko siya, pero mas sanay akong tawagin siyang vaughn.
"Yow" bati nya kay kuya sabay tingin sakin, nagtama mata namin pero umiwas agad ako.
"sino kasama mo?" Don't tell me, isasama nya samin yan?!
"Wala nga eh"
"Sabay ka na samin ng kapatid ko" sabe ni kuya habang nakangiti. Ngumiti din siya tas lumingon pa sakin, pero nakasimangot lang ako.
Ang lakas ng loob ngumiti pagkatapos akong lokohin! ><
Oo, ex ko siya. Pero hndi alam nila kuya mama at papa kasi nga bawal pa. Duh! 4th yr highschool palang eh. 2nd year naging kami at 3rd year nagbreak din kami dahil niloko nya ako. Magkagrupo sila ni kuya kaya wala akong lakas na loob non sabihin kay kuya mga problema ko. Hindi ko malabas tong sakit, wala akong mapaglabasan. meron akong mga kaibigan, pero ngayong taon ko lang naman sila nakilala. Hindi ako agad agad nagtitiwala lalo na pag hndi magaan loob ko sa tao. Hindi naman sa sinasabi kong plastic mga kaibigan ko, muka kasing madaldal eh.