The Final Plan

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bryle, hijo, tanda mo pa ba yung pinag usapan natin noon sa Batangas?"

Nginitian ko siyang habang tumatango. "Opo, Tito."

"Daddy na lang."

Ang sarap sa pakiramdam na na magiging magulang ko na rin ang magulang ni Zeria.

Niyakap ako ni Mommy at hinalikan niya ko sa pisngi.

"Ikaw na ang bahala sa anak namin ah? Ayoko ng masasaktan at mahihirapan siya ulit..."

"Mommy!" Saway sa kanya ni Zeze.

Naupo na sila sa harapan. Hinarap ko ang reyna ko at hinawakan siya sa kamay

"You are the most beautiful bride, my queen." Namula ang pisngi niya sa sinabi ko at sabay kaming nagpunta sa harapan ng altar.

Habang nag sesermon ang pari, patingin tingin lang ako kay Zeze. Pinipisil pisil ko ang kamay niya. Hindi na ko makapaghintay na mahalikan siya.

Wala na kong naiintindihan sa sinasabi ng pari dahil na kay Zeria lahat ng atensyon ko at sa magiging future namin. Sa mga magiging anak namin na malamang kamukha ni Zeria.

Natauhan ako ng inabot na samin yung wedding ring. Natawa ako dahil hindi ko maalala kung may sinabi ba kong 'I do' or mamaya pa.

Kinuha ko ang kamay ni Zeria at itinapat ko yung singsing sa daliri niya.

"Zeria... my queen, wear this ring as a sign of my love for you. I will not promise to you that I will not do anything to make you cry because as of this moment, you are crying already. But there's a lot of things I can promise you. First, I will love you unconditionally. Second, I will be the best husband I can be. Third, I will provide you everything. Fourth, I will give you a lot of children. Fifth, I will nevet get tired listening to your stories. Sixth, I will understand you when you're on your period. Seventh, when things get rough... I will do everything to fix it. Eight, don't mind the seventh promise. We'll have an abundant and smooth-sailing life, basta nandiyan ka lagi. Ninth, please, don't get tired of me and just stay with me forever. Tenth, I will discuss it to you on our honeymoon." Kinindatan ko siya at isinoot ko sa kanya yung singsing.

"Bryle, my king. I am putting this ring on your finger as a reminder that I am your wife; I am the mother of our soon-to-be-kids; I will help you make our home bubbly and healthy; and as your self-proclaimed queen, I will never ever leave you."

Natawa kaming lahat ng biglang humikab si Zeria.

"Ugh! baby... wait lang." Ang cute cute talaga ng mapapangasawa ko. "I'm a little bit sleepy. Anyway, I really wanted to make an announcement. Bryle... we will have our first born baby on August."

"A-are you saying that you're pregnant?"

"Ah huh."

"Yes! Thank you Lord!" Napasigaw ako sa sobrang tuwa. Naghiyawan yung mga family and friends namin.

"Double celebration!" Sigaw ni Laurence.

"Father, magiging tatay na ko. I-bless niyo po kami." Sinabi ko sa paring nagkakakasal samin.

Ngumiti lang siya at sinabi na rin niya sa wakas yung kanina ko pa hinihintay...

"You may kiss the bride."

Hinarap ko si Zeria at inangat ko ang belo niya. Mas naging malinaw sakin lahat.

Nagsimula kaming magkakilala sa kapahamakan... sabay naming tinakbuhan yung panganib. Hanggang sa naging magkaklase kami at unti unti ko siya nagustuhan at minahal. Naghiwalay kami na punung puno ng sakit at pait. Nagkita kami ulit sa kasinungalingang pangyayari. Nandun yung pagbalik ng mga alaala ng nakaraan, hindi maaalis yung galit at sumbatan. Maybe we weren't really for each other that time. Maybe, if it's not because of my mother... our stories will be different. And I really do believe in God's perfect timing, because it's happening now.

Lumuhod ako at hinalikan ko muna yung baby namin sa tiyan niya. Tumayo ulit ako at hinawakan siya sa kamay. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi.

"I love you Zeria Marliss Jimenez..."

"And I love you too Felix Bryle Jimenez..."







At the end of the day, it's still her I wanna spend the rest of my life with... my clumsy and adorable wedding planner.

- = T H E  E N D = -



~A.N~

Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng readers, voters, commentators, and supporters na talaga namang nakapag hintay ng more than three years matapos lng tong HWP. Again, humihingi ako ng pasensya dahil inabot ng ganong katagal tong HWP. Nevertheless, natapos naman na siya ng matiwasay at hindi mangyayari yun kung hindi dahil sa inyong lahat na nag motivate sakin para ipagpatuloy to.

Yung mga readers na since day 1 ng HBs eh sumuporta sakin hanggang sa story naman ng anak nila Ciara and Hanzen. Alam niyo na kung sino kayo. Maraming salamat sa inyong lahat.

Parang wala pa naman akong nabasang bad feedback na kesyo ang panget naman ng stories na ginagawa ko. Or ginaya ko lang sa ganitong story ni bla bla bla. And buti naman, wala nga :)

Thank you so much and I love you all..

P.S

I WILL PUBLISH MY NEW STORY ENTITLED "DEAR JAN" UMAASA AKO SA LOYALTY NIYO. CHAAAR!! 😘😘 AND PLEASE DO SUPPORT "BAYARANG BABAE" SHORT STORY LANG YUN :)

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon