"Yesss, Reina..." Malambing ang ungol niya nang sinabi niya iyon.

Nakita ko talaga yung pagdilat ng mga mata ni Shan para lang tignan kung anong nangyayari kay Wade.

Patago kong kinurot ang likod niya.

"OWWW!" Palatak ni Wade.

"Uy, okay ka lang, Wade?" Tanong ni Shan nang narinig iyon galing kay Wade.

Nakangisi si Wade habang iniinda yung sakit ng kurot ko sa likod niya.

"Ayos lang naman." Tumawa siya.

Nagkasalubong ang kilay ni Shan sa reaksyon ni Wade.

Umiling ako at lumayo sa kanya. Dinalaw agad ako ng kaba nang naramdaman ko ang titig ng make up artist ni Shan at maging ang isang P.A na nandoon.

"Okay, sige na, ready na, Wade and Shan!" Sigaw ng isangmaliit na babaeng mukhang istrikta at staff ng magazine.

Pumwesto na ang mga photographers. Natapos na pala sila sa pagsi-set up. Ni-reretouch naman ang concealer sa magandang mukha ni Shan. Grabe, nakita ko na siya ng walang make up at ang masasabi ko lang ay halos walang ipinagbago. Natural talaga ang ganda ni Shan Melendez. Siguro naman hindi ka makakapasok sa Showbiz kung hindi, diba?

"Paano po? tatayo lang kami?" Tanong ni Shan habang nakatayo na sa gitna ng mga lights at sa harap ng white backdrop.

"Oo. Tayo muna, mamaya lalagyan namin ng sofa dyan." Sabi nung babae.

Nakaupo parin si Wade sa kinauupuan niya nang sinulyapan ko siya. Nakahawak siya sa kanyang labi at nakatitig sakin.

Oh that look!

"Wade!" KInawayan ko siya at itinuro si Shan na nandoon na sa gitna.

Tinaas niya ang kanyang kilay.

Sinimangutan ko siya. Tsaka lang siya tumayo nang binigyan ko na siya ng masamang titig.

Mas lalo lang akong kinabahan ng nagmartsa siya ng diretso papunta sakin. Baka mamaya halikan ako nito at mahalata kami!

Pero imbes na ganun ang ginawa niya at tinapik niya ang balakang ko at humalakhak bago ako nilagpasan.

Nanlaki ang mga mata ng make up artist ni Shan.

"Ito talagang si W-Wade, palabiro." Parinig ko.

SHET! Hindi niya ako tinantanan ng titig kaya tinoon ko na lang ang pansin ko sa kay Wade at Shan na ngayon ay pinagdidikit na nung babae.

"Dikit pa, Wade! Ano ba naman yan! Pa tweetums naman kayong dalawa parang hindi mag on sa likod ng camera!" Seryoso niya iyong sinabi.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now