Liam, let's talk.

Hindi siya nag rereply. Nanghingi na rin ako ng suggestion kay Coreen, pareho sila ng suggestion ni Wade, na diretsuhin na lang.

Nangangatog ang mga binti nang nakita ko si Noah kasama si Warren, madalas sila sa bahay pero ngayon ay wala si Liam.

"Noah, nasan si Liam?" Tanong ko pagkauwi ko sa gabi.

Nagkibit balikat na lang siya at bumaling ulit sa kausap na si Warren.

I treasure Liam. Sa lahat ng mga ginawa niya para sakin. Sa pag pupuno niya sa buhay ko bilang kaibigan nang nasa France ako.

Tulala ako nang nagtatrabaho ako para sa magazine shoot ni Wade. Mamaya na yung magazine shoot ni Wade. At bukas agad yung flight niya sa ibang bansa. Sa Korea muna sila bago sa New York. Connecting flights, alam niyo na. At oo, nabigla din ako nang nalaman kong sa New York talaga yung unang venue. Nirequest talaga kasi ng mga pinoy doon sina Wade. Yung napuntahan lang nila nung Unang World Tour nila ay Las Vegas, Miami, Japan, tsaka Hong Kong.

Buong akala ko ay nagpunta sila ng France kaya niya ako nakita doon, pero nagkamali ako. Talagang sinadya niya lang pumunta ng France para hanapin ako, hindi dahil may tour sila doon.

"Reina..." Palakas na tawag ni Wade sa pangalan ko.

"Hmmm?" Napalingon ako sa kanya.

Napansin kong nilingon na kami ng mga tao. Imbis na dumiretso ako sa kanya ay dinaanan ko muna yung mga damit niya bago nagmartsa palapit sa kanya.

Tinuro niya ang buhok niya.

"Paayos ng buhok." Ngumisi siya. "Gusto ko yung in character ka... Yung parawng tuwing hinahalikan mo ako at nasasarapan ka na-"

Hinampas ko ang balikat niya at hindi ko maiwasang di tumingin sa mga taong busy sa paligid.

"Wade!" Pabulong kong saway sa kanya.

He chuckled.

Tinignan niya lang ako sa repleksyon sa salaming nasa harap namin. Kinagat niya ang labi niya at tinuro ulit ang buhok.

"Come on, Reina."

Halos kumuyom ang kamay ko nang inilapit ko iyon sa buhok niya. Nanggigigil ako pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka mapaghalataan kami dito.

Inayos ko ang buhok niya at nakita ko ang nakapikit niyang mga mata sa salamin.

"Wade..." Bulong ko nang nakitang nakatitig na yung make-up artist ni Shan samin.

Mabuti na lang at nakapikit si Shan dahil inaayos yung eyeshadow niya kaya't hindi kami nakikita.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now