*MBL*

7 1 0
                                    

Thank you for giving this story a try. Enjoy reading:)

*ting*"maam 1,093 po lahat."
"Okay"sabay abot ng pera kong dalawang libo. "Keep the change na lang miss" nakangiti pa ko habang ngumunguya ng kinakain kong chocolate. Yum!..

============================

"Ano ka ba naman anak! Magdahan-dahan ka nga sa mga kinakain mo. Ilang oras ka ng kumakain diyan!" Sigaw ni nana mula sa kusina. "Pabayaan mo na Helen yan ang kaligayahan ng anak mo." Sabi ni papsy na nagbabasa ng newspaper. Ngumiti ako kay papsy at nagwink lang siya akin napakasupportive talaga nitong papsy ko. "Ewan ko sayo Robert. Palagi mo nalang sinospoil yang batang yan. Tingnan mo tuloy hindi nga lumaki ang ulo pero lumaki naman yung timbang kakaspoil mo!" Sigaw ulit ni nana kaya napapout ako. "Nana..naman eh..masarap kayang kumain palagi. Nawawala lahat ng stress mo."
"Hindi ako naniniwala dyan dahil ngayon palang stress nako sa kakakumbinsi mong magdiet."
"Nana di mo ba alam na ang diet nakakamatay? Nasa word na diet na nga oh. DIEt.." pagrarason ko.
"Tsssk!"

============================

"Uyy..devin andyan yung crush mo!" Pagtititili ng bff kong si Danisa. Kaya nabulunan tuloy ako >.
"Shh..wag ka ngang maingay!"
"Uyy..papalapit siya rito oh!." Sigaw niya.
Tumingin ako sa direksyon ni crush...hehehe..at waaAAAH! papalapit nga siya.
"Hi devin!" Nakangiti siyang tumitig sakin. Totoo ba to?..
"Hoy!.binati ka best oh!"sigaw ni danisa
"H-hello.."
"Hi devin bigatin..ang taba mo! Naoccupy mo na ang pangdalawahan na upuan oh!hahaha!" Panunukso ni eric.
"(All about the bass chorus na tono) wag mong lubusin-lubusin ang pagkain. Kasi ang bigat at ang taba mo na devin!"kanta pa niya na siyang ikinatawa nila oliver at harry. Naluluha nako kasi di lang sa totoo ang sinasabi nilang mataba ako pati narin mas pinamumukha lang nila sakin na walang magkakagusto sakin kahit si Harry Tiu pa. Eh sino ba din naman ako! di ko na nakayanan kaya tumakbo nako palabas ng school.

4 years after..

"Here's your 2 piece chicken with extra rice,one spaghetti,big mac and coke float maam"
"Thank you" sabi ko at naghanap nako ng mauupuan. Nandito ako ngayon sa Mcdo at kung minamalas ka nga naman at puno na lahat ng tables pwera nalang sa lalaking mataba na sarap na sarap sa pagkain ng large fries,big mac,sundae at monster coke float. No choice ako kundi kakapalan ko na ang mukha kong kasing kapal ng taba ko. "Hmm..excuse me mind if I join you? Wala na kasing vacant." Tumingin siya sakin na parang gulat na gulat nabulunan pa yata.
"A-ah..s-sure..sure.." kaya umupo na ko at simulang kumain ng mapansin kong parang may nakatingin sakin at di nga ako nagkamali yung katable kong lalaki ang nakatingin sakin.
"Bakit?"sabi ko habang ngumunguya.
"Kamusta ka na devin?" Tanong niya kaya napataas ang kilay ko.
"Okay lang. Sino ka ba? Ba't mo ko kilala?" Ngumiti lang siya ng pilyo sakin at kumuha dun sa large fries niya. "Gusto mo?" Lalong napataas ang kilay ko. Pero teka parang familiar yung ngiti na yan. San ko nga nakita yun?. Sa kakaisip ko di ko namalayan na naubos na niya yung kinakain niya. "Pano alis nako enjoy your meal devin bigatin" sabi niya at umalis.dun ko naalala kung saan ko nakita ang ngiting yun kaya hinabol ko. "Teka!..uyy..!" Sigaw ko at thank God huminto siya. Lumapit ako sa kanya ng hingal na hingal. Nabigla naman ako ng punasan niya yung pawis ko. "Ba't mo ba ako hinahabol?" Tanong niya.
"Ikaw si Eric di ba?" Kumunot naman yung noo niya. "Eric Alarcon?"pag-aalinlangan kong tanong at dun ngumiti siya ng nakakaloko. "Kumusta?" Tanong niya. "Ikaw nga! Pero teka anyare? Asan na yung campus hot yummy hunk na pinagkakaguluhan ng mga babae except me?" Humagalpak naman siya sa kakatawa at maluhaluha pa. "Hoy!baka hikain yang panga mo!" Tapik ko sa kanya kaya unti-unti huminto siya at sumeryoso. "Bakit? Mas gusto mo ba yung campus hot yummy hunk na pinagkakaguluhan ng mga babae except you" pagpipigil niya ng tawa. "Uyy..kapal ng fats mo ha..as if crush kita! Si Har--opps..i mean wala!" Bawi ko. "So totoo nga na si Harry ang crush mo?" May bahid ng lungkot yung boses niya. "H-hindi noh!"
"Eh bakit nauutal ka?"
"Hindi kaya!"
"Nagpataba na nga ako para mapansin mo ko. Para bagay tayo tapos may gusto ka pa sa bestfriend ko." Bulong niya pero rinig ko naman. "Ano?"
"Wala sabi ko alis nako" sabay talikod niya. "Hoy..wag mo nga akong talikuran." Pero di niya ko pinakinggan hinila ko "Eric may problema ba?".
"Problema? Wala naman. Naiinis lang ako kasi nagpataba na nga ako para sa kanya para bagay kami tapos may iba naman siyang gusto!" Sigaw niya. "G-gusto mo k-ko?" Tanong ko. Kumunot nanaman yung noo niya. "May sinabi ba 'kong ikaw?" Bwiset pahiya ako dun ah..kaya walk out ang peg pero hinawakan niya ang kamay ko. "Biro lang. Pero Ikaw talaga yun. Gusto na kita noon pa I mean no mahal na kita noon pa yun ang tamang description ng nararamdaman ko para sayo"natawa naman ako. "Ewan ko sayo. Pano ka naman magkakagusto sakin eh ang taba ko noon hanggang ngayon nadagdagan pa nga tapos walang araw na hindi mo ko tinutukso!"
"Di mo bah gets ang nagpapapansin?. Gusto ko kasi na maramdaman mo yung presence ko na nag-eexsist si Eric Alarcon sa buhay mo pero wala eh olat parin ako kasi gusto mo si Harry Tiu." Naspeechless ako sa sinabi niya. "Pero devin.." sabay kuha niya ng kamay ko at hinalikan yun namula naman ang pisngi ko para natuloy akong lechon nito. "Gagawin ko ang lahat mahalin mo rin ako. Liligawan kita simula sa araw na to." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Weh?Di nga?owz?talaga?sure?pek--*tsupp*
"Daldal mo! Oo nga liligawan kita ipaparamdam ko sayo ang pag-iBIGATIN na nararamdaman ko sayo. Kasing bigat mo at ako. Oh di ba bagay na bagay tayo?!" Masaya niyang sabi. -.- "tsss..."pagpipigil kilig ko. "Tignan natin ko makakatagal ka sa panliligaw mo mister Eric Alarcon"
"So..pumapayag ka na misis ko?"
"Anong misis?gusto mong sapak?"
"Sabi mo mister eh..pero walang na bawian ah!"
"Kung makakatagal ka" panghahamon ko.
"Wala ka bang bilib sakin? Ako kaya si Eric ang masugid at bigatin mong manliligaw. Tsaka naniniwala ako sa kasabihan kapag may tiyaga may nilaga!may pansit,may adobo,may lechon at iba pa!" Natawa naman ako dun.
"Eh..ikaw misis anong kasabihan mo sa buhay?" Sabi niya sabay hawak ng kamay ko. Napangiti naman ako at sinabing...
"True love weights..."

☆ Pls. Don't forget to vote and comment. You may visit my account @theQueenBeetchofficial for my other stories. Thank you for sparing your time to read this.

Devin-Eric-Harry-Danisa are now signing off.

THE END♥

My Big L♡veحيث تعيش القصص. اكتشف الآن