Finding thirty eight

6K 216 76
                                        

Dedicated to: ayiegrace

Mommy! Maraming thank you po talaga sa flood votes at comments! Maraming salamat din po sa pagpapakananay sa akin dito sa Watty (^__^)v At sa pag-ampon chuvarloo. HAHAHAHAHAHAHAHA! Happy mother's day din po! Thank you po ulit! (^__^)/

--------/ /------

% Dory's POV


Ilang araw lang din ang nilagi namin sa ospital ay umuwi na din kami. Nandito na muna ang pamilya ko para alalayan ako.


"Nay ako na pong bahala kay Naruto." sabi ko sa nanay ko.


"Naku wag na! Ako na ang bahala. Matulog ka na. Ikaw na buong gabi na nagbantay kay Naruto." sabi ni Nanay na hawak pa din si Naruto. 


"Ako na po Nay. Okay na po ako. Nakatulog na naman po ako." pilit ko.


"Naku ngayon ko nga lang nahawakan si Naruto. At ayaw halos bitawan ng tatay mo. Kung hindi ko pa sinabi na siya ang mamalengke... di niya talaga iiwan si baby." sabi ni Nanay at kinakausap pa si Naruto. Ngumingiti naman ito na parang nakakaintindi na. Napangiti naman ako. Nakakatuwa lang. Sinong mag-aakala na mahahawakan nila ang apo nila sa akin?


"Akala ko talaga aantayin ko pa si Gracci na mag-asawa dahil nga wala kang plano. Naku ngayon pa lang nagpapasalamat na talaga ako sa anong tawag dun? Surot?" nakakunot noong sabi nito. Natawa naman ako.


"Surrogation, Nay. Saan mo naman nakuha yang surot?" natatawang sabi ko.


"Ayy basta. Malapit naman kaya pagbigyan mo na."


"Akala ko din Nay. Aantayin ko na lang yung pamangkin ko kay Gracci... mabuti na lang talaga may nakaimbento niyan."


"Oo nga eh. Baka tulad mo din siya." napatingin naman ako dito.


"Ha?"


"Baka kako tulad mo din siyang bitter pa sa bagong pitas na ampalaya kaya nagpasurrogate na lang din." napasimangot naman ako agad.


"At dahil nasa usapan na din tayong ganito." humarap ito sa akin at sumeryoso. "Dory anak... alam ko naman na surrogate galing si Naruto. May nanay siya, may lolo at lola. May tita din siya. Siguro naman karapatan din niya na magkaroon ng tatay, di ba?"


"Nay..."


"Alam ko sasabihin mo na kaya mo naman. Pero ang akin lang... ikaw mismo lumaki ka na may ama. Naramdaman mo kung paano. Ang tanong ko... nakaramdam ka ba ng pagkukulang?" umiling naman ako. "Pero dahil lalaki na walang ama si Naruto... paniguradong mararamdaman niya yun. Tandaan mo na ang kait anong tanggi mo... isang ama pa din ang pupunan sa pagkukulang niya."


"Nanay, naiintindihan ko naman po. Ang sa akin lang po... ni hindi ko nga po kilala kung sino eh. Sinong ipapakilala ko?"

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Where stories live. Discover now