Dj's p.o.v
"Waaaah" Pagod na pagod na ako kanina pako tumatakbo. Letse kasi tong mga baliw nato hinahabol ako, mga mukhang elyen naman. 🙄😒
Nung may nakita naman akong matataguan ay agad kong pinuntahan yon at namahinga saglit. Sobrang sakit na ng paa ko. Andami kaya nila tas isa lang ako. Tss.
Nakita ko namang nakalagpas na sila sa pinagtaguan ko at umalis na agad ako dun. Kailangan makalayo nako agad dun. Grabi sila para silang mga cheetahs, ang bibilis magsipagtakbuhan.
Nakarating narin ako sa school at ayern nanaman si manong guard, sesermonan nanaman ako kasi as usual late ako. Haist. Di pa ba sanay tong si manong guard sakin? Di ba siya napapagod na sermonan ako? Well, maganda naman ako kaya siguro papansin to. Tch.
"Last warning na to Ms. Kang. Pag nalate ka pa bukas, sasarhan na talaga kita ng gate. Bahala ka diyan." Sabi niya sakin. Aba aba. Kapal ng peys neto ni manong kala mo naman gwapo. Tss. He's wasting my time kaya di ko nalang siya pinansin, guard lang naman siya. Pake ko ba sa kanya. Edi pag sinarhan niya ako, aakyatin ko tong school.
Didiretsyo na sana ako sa classroom namin nang may narinig akong nag-sisigawan sa restroom ng girls. Chismosa ako bakit ba? Sinilip ko muna kung may tao sa hallway. Wala naman kaya pumasok ako sa loob nun at nakita ko naman yung badass na Leigh ng section one sa loob at kasama niya rin yung Yeri na ka year din namin pero galing sa section five. Problema nila?
"Yah! Sino ka? Bat nandito ka? Hindi mo ba binasa yung nakalagay sa pintuan na 'Do Not Disturb!' ?" Sigaw sakin nung asungot na kasama ni Yeri lagi. Napansin nila ako na nakasilip kasi nga chismosa ako.
Hinarap ko sila at sinabing, "Ako si Dj Kang. Bakit may problema ka sakin!? Kailangan kong mag cr eh, bakit ba? Pagmamay ari niyo ba yung cr?" Excuses. Hahaha
"Pwede ka naman sa ibang floor mag cr bat dito pa!?" Sigaw nanaman nung isa pang asungot ni Yeri.
"Ano ba!? Hindi ako bingi! Ang sakit sa tenga ng boses mo! Buti kung maganda boses mo eh, di naman." Sagot ko. Mga walang hiya, feeling ko matatanggal na eardrums ko eh.
"Sumasagot ka pa talaga! Hindi mo ba kami kilala!??" Sigaw nanaman nung asungot no. 1 ni Yeri. Punyeta. Laking palengke ata tong mga asungot niya eh, ang lalakas ng boses.
"Sasagot ako malamang kase nagtatanong kayo!"
"Pilosopo ka ah!" Sabi ni asungot no. 2. Hindi tao ako! Bobo. Sasabihin ko pa sana yun pero huwag nalang. Halatang nanggigigil na sakin si Yeri eh. Sinadya ko naman yun para mainis siya sakin. Minsan gusto ko naman magpapansin.
Lumapit sakin si Yeri at hinawakan ako sa kuwelyo. Kala mo talaga ei. Sus.
"Kanina ka pa ah. Nakakagigil ka na. Anong gusto mo away o gulo? Mamili ka lang. Pagbibigyan kita." Bulong niya sakin. Tsk. Parehas pwede?
"O" Wala trip ko lang siyang asarin. Kilala kasi tong Yeri na to dito sa school namin na pikon. Eh may pagka chismosa nga ako, kaya alam ko.
May bigla namang kumalabog galing sa pinto ng cr.
"Baka si Mr. Leo na yan! Naku Yeri umalis na tayo dito bago pa niya tayo mahuli kundi baka ma kick out na talaga tayo ng tuluyan." Sabi ni asungot no. 2 niya. Napabitaw siya sa paghawak sakin.
Uso kasi ang pambubully dito sa school namin kasi public school lang naman to. Syempre puro gangsta mga tao dito pero wag niyo kong isama dun dahil dyosugh ako at di ako gangsta. Ang ganduh ko para maging gangsta. Duh. It's not my style. Trip ko lang talagang mang asar or mang inis. Wala kasi akong fwends, sa ganda kong to walang gustong lumapit sakin kasi di nila matalbugan kagandahan ko. Shemms.
Nagmamadali naman silang lumabas ng cr at tumakbo paalis. Bago pa siya tuluyang makalabas ay sinabi niya sakin to, "Di pako tapos sayo." Tss.
"Ayos ka lang ba?" Tinanong ko si Leigh na nakaupo lang sa sahig na malapit sa bowl. Anu kayang nangyare?
"Bat ka ba andito!? Kaya ko naman silang kalabanin eh." Sabi niya habang tumatayo at pinapagpagan yung palda niya. Luh. Feeler to ah.
"Don't misunderstand me. Hindi naman ako pumunta dito para iligtas ka or what. Balak ko lang talaga ay manood. Kaso nakita ako nung mga asungot nung Yeri na yun." Masyado feeler. Kala mo naman ka ganda. Mas maganda ako sa kanya. Tch.
"Tss whatever. Just don't come near me again." Aba yabang neto. Sino ba siya at lalapitan ko siya. Masyado talaga feeler tong babaeng to. Sabunutan ko siya ei. Umalis narin siya at pumunta sa ewan ko. Wala akong pake.
Pupunta na rin dapat akong classroom nang may makita akong phone sa sahig. Ang cute nga nung phone ei. Kulay pink tas may ribbon. Pinulot ko nalang yon.
Sakto naman pag labas ko ng cr ay nag bell. Recess na agad? Tagal pala namin dun sa cr. Ay di pala, late lang ako. Haha
Dumiretsyo nalang ako cafeteria at bumili ng makakain ko at yun ay pancakes. Nakakapagod kaya tumakbo-takbo, nakakahingal.
Habang kumakain ako, tinitignan ko yung mga files sa phone na nakita ko. Chismosa nga ako eh. Una kong tinignan ay yung gallery. Oh my gawd! Wat is dis!? Puro selpi ni Leigh. So, it obviously means that this phone is hers.
May biglang humila nung phone sa pagkakahawak ko kaya tinignan ko kung sino yun.
Ah shit.
"Well well. Look who we got here. Dj Kang, a loner trying to be a hero earlier." Sabi ni Yeri. Buset. Nakakita nanaman ako ng panget.
"Give the phone back!" Sigaw ko sa kanya.
Inabot niya yung phone sa isa niyang asungot at hinampas ang lamesa na kinakainan ko gamit yung dalawang kamay niya. Alam kong nakatingin na samin lahat ng tao dito.
"Alam mo, nakakainis ka na. Kanina ka pa eh!" Sabi niya.
Tumayo ako, "oh don't you worry because the feeling is mutual."
Bigla namang dumating si Mr. Leo kaya nakita kong napaatras sila. Ewan ko kung bakit takot na takot sila diyan. Tss. Isa lang naman yang mayabang na guidance dito sa bwesit na school na to.
"Hays bad timing. Aish."
"Hey! Give that damn phone before you go!" Hinagis naman nung isa niyang asungot yung phone buti nalang nasalo ko. Litsi talaga.
Umupo nalang ulit ako at kinain ulit yung pancakes ko. Uubusin ko na to para mabilis nakong matapos.
May tumabi naman sa inupuan ko at wala akong pake kung sino man yon. Natapos narin ako agad kaya aalis na sana ako nang may tumawag sakin.
"Yah! Dj!" Luh? Problema neto? Close kami?
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Siya pala yung katabi ko. Si Leigh Bae.
