Umiwas sya ng tingin.

' Patay na sila .. '

Umiling ako. Ayoko syang paniwalaan.

' No. Hindi yan totoo. Please Vernon sabihin mong nagbibiro ka lang .. '- umiiyak na sabi ko.

' Sana nga nagbibiro lang ako pero hindi. Patay na silang lahat .. '

Umiling ulit ako bago ako tumakbo papasok sa kwarto ni Seungcheol at Mingyu at sinundan naman ako ni Vernon.

Naabutan ko silang nakaupo at nakatulala kaya agad akong tumakbo para yakapin sila.

' N-Noona, maayos na ba ang lagay mo ? '- tanong sakin ni Seungcheol.

Mabilis akong tumango.

' Nasan sina Seungkwan ? Sina Hoshi ? Sina DK ? Yung mga ka-SquadBalls ko ? Alam mo ba kung nasaan sila ? '- tanong ko sa kanya.

Nilagay lang nya yung kamay nya sa balikat ko.

' Noona .. basta magpakatatag ka ha ? '- malungkot na sabi nya.

' Bakit ba ganyan ang sinasabi nyo ?! '- inis na sabi ko tapos si Mingyu naman ang nilapitan ko.

' Mingyu, nasaan ang Wonwoo hyung mo ? Alam mo ba kung nasaan sya ? Sya nalang ang kulang sa SquadWard. Papayag ka bang kulang tayo ? '- umiiyak na tanong ko.

Niyakap nya ako ng mahigpit.

' Noona, wala na si hyung. Wala na silang lahat .. '- mahinang sabi nya.

Kahit na sinasampal na sakin yung katotohanan, ayoko paring maniwala.

' Bakit ba paulit-ulit nyong sinasabi yan ? Buhay pa sila. Uuwi pa tayo ng kumpleto. Kung ayaw nyong sabihin kung nasaan sila, ako nalang ang maghahanap .. '

Akmang lalabas na sana ako ng kwarto nang hilahin ako ni Vernon at niyakap.

' Noona, alam kong masakit pero kailangan nating tanggapin na wala na talaga sila .. '

Niyakap ko sya ng mahigpit at wala na akong ibang nagawa kundi umiyak nalang nang umiyak.

' Kung gusto mo talaga sila makita, sasamahan kita '- rinig kong sabi nya.

Hinawakan nya yung kamay ko at sinama ako palabas. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin pero sumunod lang ako sa kanya.

Pumasok kami sa isang kwarto na maraming kung ano na natatakpan ng puting tela.

W-Wag mong sabihing ..

' Eto sila Noona .. '- mahinang sabi nya.

Parang gripong nabuksan ang mata ko at sunud-sunod na naman ang paglabas ng luha.

Lumapit ako sa pinaka unang katawan at dahan-dahang tinanggal yung puting telang nakapatong doon.

' D-Dino .. '

Niyakap ko yung bangkay nya ng mahigpit at umiyak na naman.

' Aray Noona ! '

' Oh ? Inaano kita ? '

' Yun na nga eh. Wala ka pang ginagawa, tinamaan na agad ako sayo '

Hindi ko matanggap. Sobrang sakit.

' D-Dino gumising ka naman oh ? P-Promise, kapag nagising ka na, aawayin ko mga h-hyungs mo kasi palagi kang inuutusan .. '- umiiyak na sabi ko.

Umaasa ako na ididilat nya ang mata nya at yayakapin ako at sasabihing Talaga Noona ?

Pero hindi yun nangyari.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now