Pagkatapos ng nakakapagod na trabaho, nakauwi din ako. Naabutan ko pa nga si Inay na nagluluto sa kusina.
"Oh inay ang aga nyo ata ngayon?" Tanong ko. Dahil, madalas ay sabay lang kaming nauuwi.
"Nakaubos agad ako ng paninda." Masayang masayang pagbabalita nya.
"Mabuti naman inay kung ganon. Ano ba yang niluluto nyo?"
"Adobo anak!" Sabi nya.
Aba! Bihira lang kaming makakain ng baboy. Dahil na rin sa napakamahal nito.
"Dahil nakaubos ako kaagad, eh naisipan kong magluto ng adobo! Puro sardinas na lamang tayo dito" sabi nya.
"Eh inay, ayos lang naman kung sardinas. Dapat pinambili nyo na lang ng gamot yung pera." Sabi ko atsaka umupo sa sofa.
"Minsan lang ito anak! Tara, kumain na tayo"
"Anak, kamusta sa eskwela mo?" Tanong nya habang kumakain kami.
Naisip ko agad ang buhay ko sa eskwela. Kung paano ako tratuhin ng mga mayayaman doon!
"Okay lang naman Inay! Masaya sa eskwela" pagsisinungaling ko.
"Nako kung nabubuhay lamang ang Itay mo. Siguro'y matutuwa yon!"
Kitang kita mo sa mata ni Inay ang pangungulila sa aking ama.
Tumahimik na lang ako. Masaya sa pakiramdam na masaya si Inay kaya't binalewala ko na lang ang hirap sa eskwela.
-
Nagpahinga muna ako at naidlip saglit. Pagtuntong ng 1:30, nagayos na ko para sa aking klase.
Excited na ko para bukas dahil iyon na ang una kong sweldo sa Coffee shop. Gagamitin ko iyun, para sa gamot ni inay at ang matitira ay itatabi ko para bumili ng isa pang uniporme.
Kumukupas na kasi 'tong gamit ko eh.
"Inay. Alis na ko ha."
"Sge anak ingat!" Sabi nya at binigay na ang singkwenta pesos ko.
Habang naglalakad, nakita ko ang kababata kong si Jay-R.
"Huy! Aubrey? Ikaw na yan?" Gulat sya ng makita ako. Matagal kasi kaming hindi nagkita, dahil sa ibang lugar sya lumaki. Sa bahay ng lolo't lola nya.
Kababata ko to. Kasabay ko na 'to lumaki. Parang bestfriend ko na din. Kaya, sobrang lungkot ko nung umalis sya dito sa lugar namin.
Tumango at ngumiti ako sa kanya.
"Saan ang punta mo?" Tanong nya.
"Eskwela" sabi ko.
"Tara hatid na kita!"
"Nako wag na. Abala pa!"
"Hindi okay lang! Tara, andon yung motor ko!"
Sumunod ako sa kanya. At, mabilis nya kong pinasakay sa motor.
"Humawak ka Trina!" Kaya't yumakap ako sa kanya. Pansin kong lumaki ang katawan nya kumpara sa pagiging payatot nua noon! Gwapo rin naman si Jay-R. Maraming may gusto dito noong bata pa lang kami. Marami ngang galit sakin eh, kasi ako lagi kasama ni Jay-R. Pero, lagi nya kong pinagtatanggol sa kanila. Ayaw nya daw kasi ng may nang aapi sakin! Sya daw si SuperJay ni Trina.
Kaya nung nawala sya. Hindi ko alam kung paano ipaglalaban ang sarili ko sa iba. Wala ng superJay eh.
Mabilis kaming nakarating sa eskwela. Pansin kong maraming lumingon sa gawi namin.
"Sige Aubrey, ingat ka ah!" Sabi nya atsaka pinaandar muli ang motor. Siguro naman makakapagusap pa kami uli ni Jay-R. Aubrey ang tawag nya sa akin kasi maganda at bagay daw sa akin. Trina Aubrey Cortez kasi ang buong pangalan ko.
Pinakita ko ang ID ko kay manong guard atsaka pumasok.
Rinig na rinig ko na ang yabangan nila Maldrette, malayo pa lang ako.
"Yes. Pupunta kami ng Tokyo, Japan para magbakasyon!" Rinig kong sabi ni Maldrette.
Hays. Mga mayayaman talaga oh! Ayaw namnamin ang Pilipinas.
Pumasok na ko. At sakin na naman sila nakatingin!
"Eh ikaw Trina? San ka magbabakasyon?" Tanong ni Roshi.
"Sa coffee shop! San pa ba?" Pagtataray ni Maldrette. Sinundan ito ng malakas na tawanan.
----------
YOU ARE READING
I'm Only Nothing (On Going)
RomanceIto ay tungkol kay Trina Cortez. Isang panget, er isang simpleng babae na parang bula sa lahat! Pero, may isang lalaking mapapansin sya. <3
