Naupo na ako at iniwang tumatawa sila Maldrette. Wala na kong panahon para patulan sila. At isa pa, kung lalaban ako. Ako lang din ang kawawa. Masyadong malakas ang pamilya nila.
Scholar lamang ako ni Mayor dito, at malaking tulong sakin ang 300 kada buwan na sustento. Malaking tulong ngunit hindi sapat.
Buong klase namin ay nakinig lang ako. Wala rin naman kasi akong makakausap eh. Walang gustong tumabi sakin. Dito, kapag mahirap ka. Wala ka. Ang unfair diba? Pero ganyan talaga eh.
Buti na lang at dumating na ang break namin. Tumungo ako sa canteen at bumili ng tinapay. Nagbaon na kong tubig para tipid. Hindi ako kumakain sa canteen. Kasi maya maya ay dadating na sila Maldrette. Hays.
Kaya pumunta ako sa bench, dito na lang ako kumain. Mas tahimik.
Nanood akong mga naglalaro ng basketball, sa tapat ng mga bench kasi ay ang aming covered court.
"Aray" sabi ko matapos akong tamaan ng bola. "Ang sakit"
Hawak ko ang parte na natamaan.
Hindi nila ko nilapitan. Walang nagtanong sakin kung okay lang ako.
"Hoy balik mo dito ung bola" sigaw ng isng lalaki. Sa pagkakatanda ko, ito ang nobyo ni Maldrette.
Sya na nga 'tong nakatama, ako pa ang uutusan.
Nagtataka ba kayo kung bakit kahit hindi ko sya kaklase ay ganito ang turing nya sakin? Malamang sa hindi, ay ikinekwento ako ni Maldrette. At siguro, dahil rin sa ako lang ang nagiisang scholar dito. Sanayan lang!
Hinagis ko na lang pabalik ung bola kahit nahihilo pa ko. Para lang matapos na. Ayokong ayoko talaga yung napapansin ako eh. Kasi, aasahan ko ng bubullyhin ako o di kaya'y babatuhin ng masasakit na salita. Tinitiis ko yan, para kay Inay.
Narinig kong pinagpahinga muna ng coach nila yung mga players. At dahil, matagal pa ang break ko ay tumambay muna ko dito. Kesa naman sa room kung nasan si Maldrette diba?
"Hey. Sorry don kanina. Okay ka lang ba?" May sumulpot na boses sa gilid ko.
"Oo." Tipid kong sagot! Umalis na ko roon kahit ayaw ko. Ayoko kasi ng pakitang tao! Sigurado naman akong peke yung pagtatanong nya kung okay lang ako. Pare parehas sila tch! Pinagkakatuwaan lang ako non panigurado. Hays! Naaawa ako sa sarili ko.
--------
Uwian na at naglalakad na ko pauwi sa amin.
Wala naman kaming assignments ngayon. Kaya't makakatulog ako ng maayos para sa trabaho ko bukas.
"Inay" pagtawag ko paguwi ko sa bahay.
Naabutan ko syang umiinom ng tubig sa kusina.
"Mano po" sabi ko.
"Kamusta eskwela?" Tanong ni Inay.
"Maayos naman po" pagsisinungaling ko. Alam nyo naman ang totoo.
Naririnig ko na naman ang pagubo ni Inay.
"Inay pag nakuha ko ang sweldo ko, bibili kitang gamot" sabi ko.
"Nako anak, okay lang ako. Itabi mo na lang yun"
"Hindi nay! Para sayo talaga yung una kong sweldo sa coffee shop"
Sa huli, pumayag naman si Inay. Medyo magaan pa naman ang bayarin sa eskwelahan eh.
Nagsaing na ko habang si Inay ay nag aayos sa sala.
Sinilip ko kung meron pang delata. At sa kasamaang palad, wala na. Lumabas ako dala ang maliit kong wallet.
"Ate Triz pabili pong sardinas. Dalawa" sabi ko. Agad naman nya kong pinagbilhan. Oo, sardinas na naman!
Natapos naman kaming kumain at ako, nagayos na ng gamit ko para sa trabaho at si Inay ay nagayos para sa pagtitinda. Madaling araw syang pumupunta sa palengke kaya naman 7pm palang ay tulog na siya.
Ramdam ko ang pagod buhat ng maghapon. Wala pa kong sapat na tulog.
At dahil don, nakatulog na ko.
-------
Nagising ako, at naghanda na dahil may pasok pa kong coffee shop. Sa biyernes na ang una kong sweldo. Mabibili ko na ng gamot si inay.
Di na ko nag abalang mag almusal. Okay lang ako.
Naamoy ko na ang aroma ng kape sa pinapasukan ko. Hudyat na kailangan ko ng magtrabaho.
Ako lang naman ang kumukuha ng orders at minsan nagpapatulong sakin si Maria kahit hindi naman ito parte ng trabaho ko. Ang parte nya ay ang, gumawa ng kape. Nakakainis talaga pero wala kong magawa eh. Baka kapag nagreklamo ako, matanggal ako sa trabaho.
"Hi sir. What's your order?" Sabi ko sa isang customer. Wait, ito yung nasa basketball court kahapon ah. Tanda nyo pa ba?
"One mocha blend, please." Sabi nya. Agad ko itong sinulat sa hawak kong papel.
"That's all sir?" Tanong ko.
Tumango sya. Pupunta na dapat ako kay maria pero tinawag mya ko. "Uhm miss? Ikaw ba ung scholar sa school?"
"Oo ako nga sir." Sabi ko, at agad na tumalikod para asikasuhin ung order nya. Huhusgahan na naman ako nyan panigurado.
"One mocha Blend for table #2" sabi ko kay Maria.
"Hoy Trina! Ang landi mo. Porket kinausap ka nung customer feeling mo maganda ka na. Ako lang bagay don!" Mataray na sabi nya. Hindi ko na lang pinansin. Napaka GGSS talaga ni Maria.
-----------
YOU ARE READING
I'm Only Nothing (On Going)
RomanceIto ay tungkol kay Trina Cortez. Isang panget, er isang simpleng babae na parang bula sa lahat! Pero, may isang lalaking mapapansin sya. <3
