||Chapter 1||

164 10 1
                                    

Omo! First update T-T sana okay lang siya.. Hindi ko alam kung ayos lang ba o ano -.- ang gulo ko pasensya na! Mga MyungYeon shipper diyan hello sa inyo :)  kekeke~ MyungStal kasi dapat kaso may KaiStal na eh T-T totoo na yata yung dating rumor nila </3 Ouch.. pero okay lang, support nalang natin si Krystal bebe kasi buhay niya naman yun at di natin pwedeng kontrolin sila *sigh* ^-^ Anyways, paramdam kayo ha! Puhleaseeee~ 




---------------------------------------------------------------------------------------------------------

3rd Person's POV

"Bro, ok ka lang ba?" Tanong ng kasamahan niyang lalaki. 

"Tss" Tanging sagot lang ng binata. Magkakasama silang tatlong lalaki papuntang park. Hanggang sa makita nila na may grupong lalaki na humarang sa kanila.

"Nice, kayo nanaman?" bagot na tanong ng lalaking kasamahan ng binata. 

"Wala kang pake!" sabi naman ng leader nung grupo.

"Hindi pa rin ba kayo nagsasawa?" tanong ng binata.

"Tch.. Tatalunin namin kayo ngayon" sabi ng leader nila.

"Dami mo pang satsat, simulan na natin oh" sabi ng kasamahan ng binata.

"Talaga nga naman, di ka pa rin nagbabago Fajardo" sabi ng leader ng grupong kaharap nila.

"Ewan ko sayo" Naiinis na sabi nung 'Fajardo'.

.

.

.

.

.

*BOOOOGGGGGSSSHHHHH*

*PAAAAKKKKKKK*

.

Sumugod na ang grupo na pinamumunuan ng leader nila sa kilalang 'Xeron'. Nagbakbakan na, kaso.. madami sila kaya medyo naiisahan silang tatlo.

"Shit! Andami nila" sigaw ni Fajardo habang nakikipagsuntukan.

"Hahaha! Yan dapat ang sa inyo!" sigaw ni Xeron. 

"Ano ba kasing problema mo?!" inis na sigaw ng binatang nagngangalang Christian habang nakikipagsuntukan din. 

"Problema? Tinatanong pa ba yan?! EDI YANG LALAKING YAN!" Galit na sigaw ni Xeron dun sa binatang nakikipagsuntukan sa gilid na medyo na pupuruhan na sapagkat andami ng kanyang kinakalaban.

"Shit ka! Xeron!" sigaw nung binata. 

Maya maya, habang tuloy pa din ang eksena sa park... Madami na ang taong nakakakita sa kanila, ang iba ay nanonood samantalang ang iba naman ay naaawa na kasi duguan na yung tatlo. 

*PRRRRRTTTTTTTTTT* (Pito ng pulis XD) 

"Hoy! Mga bata kayo! Itigil niyo yan!" Sigaw ng pulis na patakbo sa direksyon nila. Naalerto naman silang lahat kaya naman tumigil sila.

"Ibang klase talaga ang swerte sayong bwisit ka" sabi ni Xeron sa binata. 

"Hindi pa tayo tapos" sabi nito at tumakbo na sila. Naiwan naman yung tatlo na puno ng galos at nanghihina, ngunit tumakbo na din sila sa abot ng makakaya nila.

"Dito tayo!" sabi ni Christian. Napadpad sila sa abandonadong gusali. Nagtago sila: si Christian sumiksik sa gilid ng gusali, si Fajardo naman ay nagtago sa likod ng tindahan sa kaliwang gilid ng abandonadong gusali at ang binata naman ay nagtago sa likod ng puno na katabi ng abandonadong gusali.

DESTINY'S PAIR (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon