Key #8

109 2 0
                                    

Key#8

Nagdaan na naman yung mga araw na parang normal lang. Yung cast ko sa paa, inalis na talaga ng tuluyan. Yung sa arms, sa Saturday ko pa maaalis. Sa Saturday din nga pala yung katapusan na pagiging slave ko kay Seff. AYOS! Free na ako!

Hindi na nga pala ako kasali dun sa sayaw namin. Pati si JC... injured na kasi.

Sa band naman.. hindi naman ako makatugtog. Kaya ayun.. yung mga extra-curiculars ko... pahinga muna. Focus sa studies. In fact, nadito ako sa library para magbasa in advance. Nakakaantok kasi pag sa bahay pa ako nagbasa.

“Excuse me? Pwedeng maki-upo?” I lifted my head and saw Maxine.

“Yeah..s ure.” De Ja Vu ba ito? Hahaha... pero siguro hindi na nya ako naaalala.

“Ikaw yung new bestfriend ni Seff diba?” Ha? Bestfriend? Ako? Seff? Ay! OO nga noh? Sabi nga pala ni Seff yun. Pero hindi ko pa natatanong sa kanya kung bakit.

“Ah... oo.” Yun na lang nasabi ko sa kanya.

“Kaya pala lagi na nya akong inaaway this past few days kasi may new bestfriend na sya.” Mejo malungkot yung mukha nya nung sinabi nya yun.

“Ha? Inaaway ka ni Seff? Baka naman kasi...” I don’t know if tama bang sabihin ko sa kanyang concerned lang si Seff sa kanya.

“Baka concerned lang sya sakin.. ganun ba?” OH EDI SYA NA NAKABASA NG UTAK KO! Ano ba naman yan.

“OO.. baka ganun nga.” Wala naman akong masabi sa kanya. Nakakastar-struck yung ganda nya.

“Alam ko naman eh. I’m not a child anymore na dapat alagaan. I... I know what I’m doing. Kung mali man ako... ako naman yung makakaranas ng consequences diba? Hindi naman sya diba? Tsaka... ano bang mali sa pagexpress ng nararamdaman? Tsaka... mas matanda naman ako kay Seff... bakit ba kung makaarte sya, parang mas matanda pa sya sakin? Minsan, naiinis na talaga ako sa kanya.”

SILENCE. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung paano ako magrereact.

“Ikaw ba... inaaway ka rin ba ni Seff?” WOW! Hindi ba nya alam?

“Naku! Kung alam mo lang! Sa halos isang taon na kami magkakasama sa banda.. wala atang araw na hindi nya ako inaaway. Pero nitong mga nakaraang araw, bumabait na sya sakin. Hindi ko nga alam kung bakit eh.”

“Talaga? Buti pa sayo. Ay! Teka.. naistorbo ata kita sa pag-aaral. Sige.. aral na tayo”

Nauna akong umalis sa kanya kasi pinapunta ako sa meeting ng dancers eh. Ayun... sa makeup na lang daw muna ako mamahala para hindi naman daw nasayang yung effort ko.

Maya-maya... nagtext sa kin si Seff.

[May scandal tayo--- Seff] O____O

“SCANDAL?!” napasigaw kong sabi kaya yung mga kasama kong dancer eh napatingin sa kin.

Tapos pumunta ako sa bldg nina Seff.

HOWMAYGHAD! SCANDAL NGA TO!

Nakita ko naman si Seff pati si Kuya Jeps na nakatayo sa may malapit sa basurahan. Bakit naman dun pa sila pumwesto?

“Hoy! Sino kumuha ng picture nay un? Talagang sa bulletin board pa kinapit! At talagang ditto pa sa building nyo nilagay!” alam nyo ba kung anong picture yun? Nakakahiya!

Yung picture nay un eh yung buhat-buhat nya ako papunta sa clinic. Grabe! Yung caption sa baba... nakakabaliw. Seff and Lala Base 1! EEEH!!!! GRABE! Nakakahiya!

“OK naman ah. Actually, hindi sya scandal. Exagg lang ako para pumunta ka kaagad ditto.” Tapos nagtawanan sila ni Kuya Jeps.

“Ano? Bakit ba?”

Black and WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon