Black and White

629 6 2
                                    

"Nakakainis ka!" binagsak ko yung makapal kong folder na puno ng pyesa sa harapan ng school buddy kong si Jana. halatang nagulat sya sa sinabi ko.

"Bakit?" pero kahit gulat sya, cool pa rin ang dating nya.

"Kasalanan mo to eh! Kung hindi mo ako sinama dun sa audition na yun eh di sana hindi umiinit ang ulo ko ng ganito!" UGH! sabi ko na lang tapos inabot nya sakin yung bote ng buko shake na meron sya. Kinuha ko naman tapos uminom ako. Pampalamig ulo. Wala akong pakialam kung nainuman na nya yun... hindi naman ako maarte eh!

"Nag-away na naman kayo nung leader nung isang banda noh?" tanong nya sa 'kin.

"Obviously! Ano pa ba naman ang inaayawan ko sa pagbabanda? Eh di yung makasama sa department yung mayabang ng Seff na yun! Ang yabang nya talaga!" grabe! nararamdaman ko na yung dugo umaakyat sa ulo ko sa sobrang inis!

"Ano ba kasing nangyari? Ikwento mo kasi. What happened this time, huh?" tanong ni Jana.

"Ganito kasi..."

**FLASHBACK**

"Ano ba, Lala? Mas madali tong note na to kesa jan sa note na yan. Tingnan mo..." tinabig ako ng mayabang na si Seff sa tabi taz ipinanuod sakin yung mas madali "DAW" na note. "See? Mas madali di ba?"

"HIndi nga kasi abot ni Maki yung ganyang note kaya dito ko nilalagay. Wag ka ngang pakialamero~ girl band ka na ba? Baklang to!" sabi ko tapos tinabig ko sya palayo sa organ ko.

"Ikaw na nga tong tinuturuan ikaw pa tong masungit! Meron ka ba?! Akala mo naman kagalingan." Tapos pumunta na sya dun sa part ng boyband. "Guys, tugtugin natin ang rocketeer ah?" sabi nya dun sa mga ka-grupo nya.

"KUYA SEFF! Amin yung Rocketeer eh! Pumili na lang kayo ng ibang kanta..." sabi ni Maki kay Seff.

"Ha? Ayoko nga! Kayo pumili ng ibang kanta. Hindi porket nakuha nyo ng una ang rocketeer eh sa inyo na yun... depende yun sa galing ng tumutugtog noh!" bakit sya nakatingin sakin nung sinabi nya yun 'depende sa galing ng tumutugtog' yun?! Pinatamaan nya ba ako?!

"ANG YABANG MO!" sigaw ko sa kanya! "HIndi porket mas magaling ka sakin, hindi ko na yun matutugtog!"

"HEP HEP!" biglang pumasok si Madam Belly, namamahala ng Music Department. "Nag-aaway na naman kayo?"

"Madam, ano namang bago dun?" sabi ni Kuya Jeps, lead guitarist ng boy band.

"Eh kasi madam, sinasabihan nya ako ng hindi magaling! Nakakainis lang! Ang yabang!" lumapit ako kay Madam at nagpaawa.

"Eh sa totoo naman eh! Kung makaarte to! ARTE MO!" =____=# nakakainis na talaga syaaa~~~

"HEP! Teka~ bakit di nyo na lang daanin sa showdown ng parehong kanta yang pinagaawayan nyo para malaman na kung sino mas magaling." suggestion ni Madam yun.

"CALL!~" sabay-sabay kaming lahat nagsabi tapos umalis na kaming lahat sa mga harapan namin dahil baka kung ano pang masabi namin sa isa't isa.

**END OF FLASHBACK**

"WOW~ Showdown?! Ang galing~ GALINGAN MO LALA! Susuportahan kita~" =____=

"hindi kami mananalo nyan kung ikaw lang susuporta sa girl band. Alam mo naman kung gaano kadami ang fans ng boy band. Lalo na si Seff. Dadaanin namin sa botohan yung mananalo. Kung sino matalo, magiging slave for a month. At natatakot ako~"

"Ano ka ba!? Magpopromote ako~What's the use of me being the school DJ kung hindi ko gagamitin yun diba? Tsaka, ako na bahala sa costumes nyo ah?" sabi ni Jana. "Teka, alam na ba yan ni Sir Ken at Lady J.?"

AY SHET! Bawal nga pala kaming gumamit ng instruments ng school kapag hindi sa school purposes yung pagtugtog namin. Patay! Malupit pa man din si Sir Ken lalo na si Lady J! T___T

"Hindi pa nga eh... hmm..."

*MUNJA WA SHONG*

From: Seff Yabang ><

OY! in 5 days ang showdown. Sa gym ang venue. HIndi alam ni Sir Ken at ng matandang si Lady J to kaya wag kayong maingay kung ayaw nyong malagot! Galingan nyo~ :P

 ----------------

Characters:

<3 Daniella "Lala" Padilla

<3 Joseph "Seff" Cruz

Black and WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon