Chapter 15-Kasalan sa Gitna ng Digmaan

675 22 0
                                    

Malungkot kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Wala akong magawa kundi ang magbuntung-hininga.

Si ina at ama ay kasalukuyang nasa lugar na paggaganapan ng kasal namin ni Yasake. Hanggang ngayon ay wala pa din silang alam tungkol sa pagpapakasal ko. Sigurado ay magugulat si ina at ama at mapapagalitan ako pero ang higit kong iniisip ngayon ay si Kira. Nandito pa kaya siya sa isla? Kung nandito pa siya ay natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya at sa dalawa niyang kasama. Tiyak na hindi papayag si Yasake na makalabas sila ng buhay dito sa aming isla.

"Wag na natin itong patagalin dahil doon din naman ito patungo. Dalhin nyo na ako sa pagdadausan ng kasal ko."utos ko sa mga tagasilbi.

Tumango ang tagasilbi. Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Napapagitnaan ako ng dalawang tagsilbi sa aking tagiliran na tinahak namin ang pasilyo patungo sa malawak na harapan ng mansyon na siyang hardin na din namin.

Napakadaming mga kanibal sa paligid. Madami ding pagkain. May luto at may sariwang karne. Napakadaming mga kawal na nakabantay sa buong paligid. Sa gitna niyon ay kita ko kaagad ang pwesto kung nasaan nakatayo ang pari. Nakita ko doon si Yasake na abot hanggang tenga ang pagkakangisi. Nakasuot siya ng roba na pangkasal kapares niyong sa akin. Nakakaramdam ako ng pagkamuhi sa kanya.

Nang mapabaling ang tingin ko sa unahan kung saan nandoon ang aking ina at ama na nangungunot ang noo at nagtatanong ang mga mata na nakatingin sa akin. Hindi ko makayanan na tingnan ang aking mga magulang kaya nag-iwas ako ng tingin.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa unahan. Iniiwasan kong mapatingin sa magulang ko. Pakiramdam ko ay bibitayin ako sa mga oras na ito. Tiim lamang ang aking bagang sa pinipigilan kong emosyon.

Kailangan ko itong gawin para sa ikabubuti ng lahat.

"T-amara..anak.."hindi ko napigilan na lingunin si ina na humikbi. Nakakadurog ng puso ang tanawin na iyon. Si ama naman ay nakatiim ang bagang.

"Hayaan nyo na po ako sa bagay na ito..may dahilan po kung bakit ko ito gagawin.."pagkasabi ko noon ay naglakad na akong muli baka kasi magbago pa ang isip ko.

Narating ko ang kinatatayuan ni Yasake. Kinuha niya ang aking kamay. Pinanatili ko namang blangko ang ekspresyon ng mukha ko.

"Simulan mo na ang kasalan."utos ni Yasake sa pari. Hindi niya binibitawan ang kamay ko. Kahit gusto kong bawiin ang kamay ko ay mahigpit naman ang kanyang pagkakahawak.

Hudyat iyon ng pagsisimula ng seremonya.

"May tumututol ba sa kasalang ito?"tanong ng pari sa kalagitnaan ng kasal.

"Walang tututol."siguradong sabad na agad ni Yasake.

Umaasa ako na may Kira na hihiyaw para pigilan ang kasal ko. Natauhan naman ako sa naiisip ko. Tss! Hindi ko dapat siyang isipin ngayon. Kailangang isantabi ko ang nararamdaman ko sa kanya.Nakapagdesisyon na ako kaya kailangan kong panindigan iyon.

"Ako! Tutol ako!"

Napalingon ako sa humiyaw.

Si ama. Nagpalit anyo siya bilang kanibal. Galit ang mababadya sa kanyang mata.

"Hindi ako papayag na pakasal ka sa kanya anak! Gagamitin ka lamang niya upang magkaroon ng anak na palalakihin niyang tiyak na demonyong halimaw! Ikaw ang nasa propesiya na pinakamalakas sa ating lahi kaya tiyak na malakas ang anak na magmumula sa iyo!"

Nagulat ako sa mga sinabi ni ama.

Ako daw ang pinakamalakas na kanibal? Paano mangyayari iyon e ang lampa ko nga?

At a-anakan daw ako ni Yasake?? Nandidiri ako sa isiping iyon!

Kinabahan naman ako nang pinalibutan ng madaming kawal na anyong kanibal na si ama at panay silang may sibatat espadang hawak,iyong iba ay sariling kuko na mahaba ang nakatutok sa aking ama.

Muryou:Midnight Temptress(Complete)Where stories live. Discover now