Sinayang Mo...

148 6 2
                                    

Sinayang mo...

Masakit... mahirap. Iniwan mo kasi ako...

Kung kailan Mahal na Mahal na kita. Kung kailan parang ayoko ng bitawan ka... saka ka naman sumuko.

Ganoon ba talaga ako kahirap mahalin?

Minahal naman kita. Binigay ko lahat para Lang iparamdam ko sayo Kung gaano kita kamahal.

Kaso. Hindi pa pala ako sapat sayo.

Bakit Ganoon? Nangako ka sakin na mamahalin mo ko at Hindi mo ko iiwan. Ikaw Ang Nangako. Ako naman ang tumupad.

Sayang Lang kasi Kung kailan Binigay ko sayo Ang lahat. Saka ka naman bumitaw.

Alam mo ba Kung gaano kasakit basahin Ang mga messages mo sakin... yung ung ramdam na ramdam ko Kung gaano mo ko kamahal?

Pagkatapos Wala na Kong mareceive na text messages gaming sayo... Sinanay mo ko na NASA akin Lang Ang atensyon mo... Pero bigla ka nalang Hindi nagparamdam.

Alam mo ba kung gaano kasakit ng makita Kong in-unfriend mo ko sa fb?

Alam mo ba Kung ilang ulit akong nag-friend request sayo at ilang ulit akong nag-cancel request kasi Ang sakit sakit na kahit man Lang sa fb, Hindi mo ko nagawang maging friend?

Alam mo ba Kung gaano kasakit na ni wala man Lang tayong picture together sa loob ng tatlong taon na nagkasama tayo?

Alam mo ba Kung gaano kasakit na makita Ang pictures nyong dalawang magkasama?

Na ke-bago bago nyo, ang dami nyo ng nagawang memories na magkasama?

Alam mo ba Kung gaano kasakit ng nag- Who are you ka sa text?

At Kung gaano kasakit nang nagtext ka sakin ng "Tama na! Wala na!"

Grabe ha? Mag-isa na nga Lang ako noon sa boarding house. November 1 pa nga noon eh! Yung pakiramdam na mas nakakatakot ka kesa sa mga multi.

Pero nagmula noon... tumigil na ko. Hindi man ako tumigil na mahalin ka. Pero tinigil ko na Ang pagpapakatanga ko sayo!

Ang ironic nga Lang kasi... halos araw-araw akong umiinom ng alak noon para makalimutan Lang kita... pati nga yosi pinatulan ko Para Lang mawala ka na sa sistema ko.

Kaso Kung dumating Ang January. Nagkasakit ako. Na-hospital. First time ko na-confine noon.

Yung iyak ako ng iyak kasi Wala si mama sa tabi ko.. tapos gusting gusto kitang itext noon kasi pakiramdam ko mamamatay na ko sa sakit. Physically. Saka emotionally.

Alam mo ba kung gaano kasakit maturok ng naglalakihang karayom? Pero hindi ako umiyak dahil doon...

Naiiyak ako kasi ni hindi kita magawang tawagan o text-an...

Kailangan ko lang naman ng lakas galing sayo para Hindi ko maramdaman Ang hirap na dinanas ko.

Nakakatawa Lang Noh? Naisip ko paano Kung namatay ako sa oras na yun. Dadalawin mo ba ko?

Malamang Hindi. Ano bang klaseng tanong yan diba?

Tatlong buwan na din Pagkatapos Kong Na-hospital.

Mag-a-anim na buwan na din mula ng Hindi ako nakareceive ng kahit ano sayo...

Siguro, Tama na... Tama na yung sakit. Pagod na Pagod na ko... Pagod na Pagod na Kong masaktan..

Sayang. Oo. Sayang yung haba ng pinagsamahan natin.

Sayang yung alaala... Pero at least kahit alaala mo Lang na kasama kita, aangkinin ko... kasi Alam Kong akin Lang yon... Hindi yon makukuha ng kahit kanino kahit pa ng bago mo.

Sana nga Lang Hindi ko sinayang Ang mga pagkakataon na dapat kasama kita...

Sana din Hindi mo sinayang Ang mga pagkakataon na dapat kasama mo ko.

Pero sinayang mo. Pati sinayang ko!

Pero okay Lang. Hindi man ako okay ngayon o magiging okay bukas. Darating din yung bukas na kapag iniisip kita. Hindi na masakit.

Ito na Ang huling magsusulat ako ng tungkol sa love story natin.

Hindi man tayo nagkaroon ng happy ending. Masaya ako. Naging parte ako ng story mo.

Pinangarap ko mang Maging prinsesa o Reyna ng buhay mo. Hindi ko naman inakalang extra Lang ako sa buhay mo.

Hindi na kita guguluhin pa. Pangako yan...

Aantayin ko nalang Ang araw na Darating din ang para sakin.

Isang hiling Lang Ang kaya Kong maibigay sayo... sana maibigay o naibigay na nya Ang mga bagay na Hindi ko naibigay sayo.

Paalam. Nadlor Ocsisnarf Abugat...

Ang iyong Ex,
Eneleda Enaj Anim Noerrac

Sinayang Mo...Where stories live. Discover now