"MENGGAY MERRY CHRISTMAS!!!!!!!" sigaw nito sa akin.

"Lucy?!" Gulat kong sambit. Niyakap nya ako kaya napa yakap din ako dito.

"Kamusta ka na? kailan ka dumating?" sunod sunod kong tanong dito. "nakakapag tampo ka ah.. Hindi mo ako sinabihan na umalis ka pala papuntang US kung hindi pa ako pumunta sa bahay ninyo nganga ako." Tampo kong sabi.

"Heto naman sorry naman... biglaan din yun. Nagkaroon ng isang miss understanding kaya ako pinapunta sa US." Iritang sabi nito sa akin. " kahapon lang ako dumating, gusto ko sanang pumunta sa inyo kaya lang plakda ako, Free kaba ngayon? Catch up tayo marami akong sasabihin sa yo."

"Mukha nga marami kang i explain sa akin. Pero kasama ko si Lola Tidora eh, nasa cosmetics sya."

"Wow naka uwi na pala si Lola Tidora?"

"Hindi lang sya pati si Lola Tinidora."

"Oh My Gosh!! Really? e di riot ngayon dun sa bahay niyo. hahah.... Oh, wait.. Can I tag along?" excited na tanong nito sa akin.

Para ko ng kapatid si Lucy at kilala niya yung mga grandmama ko haha... Yun ang tawag nya kena lola.

"Ok lang ba sayo? baka naman may pupuntahan ka pa Lucy?" Paninigurado kong tanong dito.

"Nako ako lang mag isa nag gala ngayon umalis ako sa bahay kasi andun yung fil-am kong pinsan."

"Fil-am? wala ka namang pinsan na ganun ah.." lito kong sabi.

"Si Divina! Fil - Am yun.. Filengerang Ambisyosa. Ang arte arte pa nakakirita!" Asar na sabi nito. Mukhang mainit ang ulo niya.

"Sige, halika puntahan natin si Lola."

Binalikan namin si Lola kung saan ko sya iniwan at ganun nalang ang gulat ko sa nakita ko sa basket.

"LOLA?! sabi mo titingin ka lang." Paano ba naman ang daming pinili na mga cosmetics juice colored hindi naman nya mauubus yan.

Kinuha ko yung basket nya na may laman na at kumuha ng panibagong basket.

"La, piliin mo lang yung gagamitin mo, sayang ang pera."

"Ano ka ba naman apo, yan lang ang happiness ko at tsyaka naka pamili na rin naman tayo ng mga gift sa mga kapatid mo at sa mga lola mo. "

"La, ok naman po eh,.. kaya lang sayang kapag ma expire tapos itatapon mo lang. Kaya mo nga ako sinama diba? para mabantayan ko yung mga bibilhin mo?" para akong nag sesermon sa 7 yrs old na bata. Nag pout si Lola at namili sa basket nang mga gusto niyang bilhin.

"Heto na ngalang ang kaligayahan ko, hindi ko pa makukuha.... ang sakit at nakakalungkot.." Pag momonolouge ni Lola.

Napailing nalang ako at napatingin kay Lucy na pigil ang tawa. Sa huli Talo pa din ako kasi binili pa din ni lola ang lahat. NO choice ako baka mag tampo sa akin wala pa akong regalo sa christmas eve heheh..

Palabas na kami ng gusali ng sabihan ako ni Lola.

"Apo, sige na ako na dito nandito naman si manong Rogelio sya na ang mag hahatid sa akin. Mag enjoy na muna kayo ng bestfriend mong si Luciana!" sabi ni Lola sa akin natawa ako sa Luciana.

"Lola Tidora naman Lucy po, hindi Luciana." Reklamo ni Lucy.

"Heh, Akala mo hindi ko nakita yung pigil na tawa mo kanina."

"Si Lola naman tagal nating hindi nag kita ganyan kapa sa akin, Ang ganda mo pa naman Lola baka magka wringkles ka."

"Sus Binola mo pa ako. Oh, sya kailangan ko ng umuwi masakit na yung katawan ko."

Finding You (AlDub fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon