THIS IS AN IMPORTANT ANNOUNCEMENT!!!
UNDER CONSTRUCTIONS!!!
Please read THIS ☜
Huwag mo itong basahin!
Binabalaan kita!
Hindi mo dapat ito binabasa!
Huwag mo nang ituloy!
Ang kulit ng lahi mo. Binabasa mo pa rin?
Binalaan na kita! Huwag mo akong sis...
Book Title: My Bunny Love Year started: 2014 Status: On-going, Under Construction, Still Editing :)
Author Note: Currently editing so please give me some more time to fix this. Keep Supporting Thank you :)
X○X○_Hanna
[PROLOUGE]
Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.
Ano pangarap mo?
Ako? Simple lang..
Pamilya. Isang buong pamilya.
Simpleng pangarap para sa isang batang katulad ko.
Bawat bata siguro sa langsangan iisa lang ang pangarap. Ang magkaroon ng sariling pamilya.
Pamilyang mag aalaga sayo kapag may sakit ka. Magmamahal sayo kahit na pasaway at paminsan sakit ng ulo ka. Po-protekta sa mga taong umaapi sayo at karamay mo sa lahat ng pag dadaanan mo.
Pamilyang uuwian sa hapon galing eskwelahan. Pamilyang pagagalitan ka dahil nakipag away ka sa maarte mong kaklase sa school. Pamilyang makakaharap mo sa hapag kainan. Makakasalo mo sa iyak at tawanan. Pamilyang ngingiti sayo at sasabihing.. 'nandito lang kami palagi, magiging okay ang lahat'
Yung kahit hindi perpektong pamilya. Yung kahit hindi mayaman at paminsan nagkakatampuhan. Basta BUO at NAGMAMAHALAN.
Yun lang naman ang pangarap ko.
Pero.. Bakit ganun?
Wala naman akong ibang hinihiling. Yun lang naman ang gusto ko.
Ang magkaroon ng isang simple pero masaya at buong pamilya.
"Ate, saan ka pupunta?" humawak ako ng mahigpit sa damit niya. Ayoko iwan niya ako. Natatakot ako. Bakit pati siya iiwan ako?
"Bibili lang ng pagkain si Ate. Dito ka muna. Babalik ako." sabi niya. Pilit niyang inaalis ang pagkakapit ko sa damit niya. Ayaw ko naman itong bitawan. Ayokong iwan niya ako. Natatakot ako.
"Sama mo ako ate. Wag mo akong iwan. Natatakot ako." sabi ko habang tumitingin tingin sa paligid.
Hindi ko alam kung nasan kami. Hindi ko alam kung anong lugar to. Bata pa ako at hindi pa ako pamilyar sa malalawak na lugar. Basta ang alam ko nasa baywalk kami. Maraming vendor ang nagtitinda sa paligid. Crowded din ang lugar at dun ako natatakot. Ayoko sa lugar na marami ang tao. Natatatakot ako.
"Dito ka lang. Babalikan kita." sabi ng ate ko pero hindi ko pa rin siya binibitawan.
Umiling iling ako. Tumutulo na luha ko mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak sa damit ni ate. "Natatakot ako ate. Wag mo akong iwan. Sasama ako sayo."
Humarap sakin si ate at nakita ko ang mukha niya. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan niya ang luha ko. Nginitian pa niya ako. Naalala ko tuloy si Mama. Parehong pareho kasi ang ngiti niya kay mama.
"Bibili lang ng pagkain si ate. Babalik naman ako. Hindi kita iiwan. Pangako yan." nararamdaman kong sinseridad niya pero hindi ko maintindihan. Bakit ayaw niya akong isama? Bakit niya ako iiwan mag isa dito?
Nakita kong tinanggal niya ang kwentas niya na may pangalang 'Ellin Fae Ramirez' Kinuha niya rin ang kwentas ko na may pangalan ko at sinuot niya sakin ang kwentas niya at siya naman sinuot ang kwentas ko.
"Oh ayan. Tanda yan ng pangako ko." tinignan ko ang kwentas niya. "Wag kang mag alala bunso. Sandali lang ako. Babalikan kita."
Naniwala ako sa kanya kaya binitawan ko na ang damit niya. Hinalikan niya ako sa noo saka nagpaalam.
"Wag kang aalis dito ah. Babalik agad ako."
Yun ang huling sinabi niya bago siya umalis. Pinanuod ko lang siya hanggang sa unti unti na siyang nawala sa paningin ko.
"Babalikan niya ako. Babalikan ako ng ate ko."
Tinatak ko yun sa utak ko hanggang sa lumipas ang mga oras.
Hindi niya na ako binalikan
Takot na takot ako nun at the same time nag aalala ako para sa ate ko. Kahit kailan hindi nabali ang pangako ni ate. Isa ang ate ko sa mga taong may isang salita. Once na pinangako niya. Gagawin niya ang lahat matupad lang iyon.
Pero bakit hindi na siya nakabalik? Anong nangyari sa kanya?
Imbis na mag alala ako para sa sarili ko. Mas inaalala ko pa ang ate ko. Anong magagawa ko. Siya nalang ang natitirang pamilya ako. Pag nawala pa siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Anak, nawawala ka ba?" tanong ng isang ginang na lumuhod sa harap ko.
Pinagmasdan ko ang pigura niya. Basi sa pananamit niya. Mukhang mayaman ang ginang na ito.
"Hindi po. Nawawala po yung ate ko." sabi ko sa kanya habang humihikbi. Kumukha siya ng kung ano sa bulsa niya at napagtanto kong panyo iyon. Pinunasan niya ang luha ko na kinatigil ng pag iyak ko.
"Bakit saan ba nagpunta ang ate mo? Nasan ang magulang mo?" tanong niya. Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Nakatulala lang ako sa kanya.
"Ellin Fae Ramirez. Ang gandang pangalan." napahawak ako sa kwentas ko. "Ako naman si Jean Espinas."
"Si Ate." nais ko sanang sabihing iyon ang pangalan ng ate ko pero naputol na iyon nung magsalita na naman siya.
"Ganito nalang. Saan ka ba nakatira? Ihahatid nalang kita sainyo. Baka umuwi na rin ang ate mo at hinahanap ka."
Umiling iling ako sa sinabi niya. "Wala na po akong magulang. Ang ate ko nalang ang natitirang pamilya ko." sagot ko.
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at nababakas ko sa mukha niya ang awa nung tinignan niya ako.
"I see." sabi niya. Hindi ko alam kong bakit ko ginawa pero talagang desperado na ako. Gusto kong makita ang ate ko at wala akong malalapitang iba kaya~
"Please, tulungan mo po akong hanapin ang ate ko." hinawakan ko ang laylayan ng damit niya ng mahigpit tulad ng pagkakahawak ko sa damit ni ate kanina.
Ang this time. Hindi ko na binitawan ang damit ng ginang na lumapit sakin.