Banana Seven

11.5K 47 2
                                    

Ilang araw ang lumipas pero walang Dustin na dumating. Kasabay nito ay bigla ring humina ang benta ng Tinagbawa namin. Marahil naapektuhan ito ng lungkot na nararamdaman ko. Hindi ko maasikaso ang shop. Iniligpit ko na ang mga perang binilang ko habang nasa counter. Halos nangalahati ang naging kita namin ngayon kumpara noong una namin inilabas ang Tinagbawa.

Bakit ba kasi ako nagpapaapekto ng sobra sa lalaking iyon? Hindi naman kami. Pero kasi, may nangyari na sa amin. Kailangan niya akong panindigan. Kung hindi, habang buhay kong dadalhin ang kahihiyan na ito.

Hanggang isang araw, habang naglilinis ako ng shop, pumasok si Gail. May dala siyang Tinagbawa.

"Cousin! Tikman mo 'to!" sigaw niya. Isinaksak niya sa bunganga ko ang dala niyang tinagbawa.

"Ano? Anong masasabi mo? Dalian mo!" sunod-sunod niyang tanong.

Nabubulunan na ako. Pagkatapos, gusto pa niya agad akong pagsalitain. Demanding.

Inubos kong lahat ang isinalpak niya sa bunganga ko bago nagsalita.

"Kumuha ka na naman ng Tinagbawa. Hindi ka nagpapaalam," ani ko. "Ang konti-konti na nga ng kita natin. Babawasan mo pa. Ikaw talaga wa—"

"Hindi! Hindi ko kinuha iyan dito," pagsingit niya kaya natigilan ako sa pagsasalita.

"Nang-agaw ka sa kostumer ng Tinagbawa?"

"Hindi!" Nagsalubong na ang kilay niya sa inis.

"E saan mo kinuha to?"

"Sa isang shop, isang jeep ang layo mula rito."

"Anong shop iyon?"

"BNN Delicates."

"BNN?" Sinubukan ko ulit mag-critical thinking dahil naalala kong narinig ko na yung salitang yun.

"Familiar, 'di ba? At ang chismis, ito magugulat ka. Pag-aari raw iyon ng BNN corporation. Iyong pinakamalaking supplier ng saging at banana products sa Manila. Hindi ba't pag-aari iyon nina Dustin? Naalala mo?"

Tama. Kay Dustin ko nga iyon narinig. Buti pa si Gail, may memory. Ako, lahat ata ng utak ko nasa suso ko na. Hindi ko talaga kaya ang critical thinking.

Bahagya akong napaupo. Parang biglang lumambot ang mga tuhod ko mula sa narinig ko.

"Ginamit niya ako," sabi ko. Hinawakan ko sa kamay si Gail. "Ginamit niya lang ako para makuha yung gusto niya." Hindi ko na mapigilan na maluha. Hinaplos-haplos naman ni Gail ang likod ko. "Akala ko may gusto talaga siya sa akin. Iyon pala gusto niya lang malaman iyong sekretong sangkap ng Tinagbawa natin. Pagkatapos, gagawin niya para iyong kumpaniya nila ang kumita."

"Masyado niya tayo na-distract sa pagiging magandang lalaki niya... At nagpauto naman tayo."

Humarap ako kay Gail. "Kasalanan ko 'to. Hindi ko iningatan yung pamana sakin ni Lola. Hindi ako nag-ingat. Nagpauto ako sa kaniya. Manloloko siya!" Niyakap ako ni Gail. "Hindi pa ba sila sapat sa kayamanan nila? Hindi ba sila naawa sa atin? Hindi ba nila naisip na yun lang ang pinagkukuhanan natin ng ikabubuhay natin? Wala silang konsiderasyon. Wala siyang awa!"

Napaupo na ako sa sahig dahil sobra na ang panghihina ng tuhod ko sa ginawang panloloko sa amin ni Dustin.

"Magbabayad siya!" dagdag ko.

Banana Sucker (SPG / Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon