TIL 1

52 0 0
                                        


Nakayuko akong naglalakad papasok ng gate ng school na pinapasukan ko. Ayoko lang talaga mga presenya ng mga taong tumitingin saken, nakakahiya. Feeling ko may nagawa ba akong mali o ano.

Pinaglalaruan ko nalang ang buhok ko para hindi mahalatang umiiwas ako ng tingin. Last year pa naman ako pumapasok dito sa school na'to pero hindi pa rin talaga ako kumportable sa mga pamilyar na mukha. Nadadala ko pa rin yung hiya sa ngayong Grade Eight student na'ko.

Hindi naman nakakainsulto yung mga tingin nila, ako lang talaga itong may problema. Pag may ngumingiti kasi sakin minsan na mga pamilyar na mukha hindi ko alam ang gagawin ko, e. Kaya mas pinipili ko na lang na tumungo kesa sa hindi sila mapansin.

Medyo marami na ang tao sa klasrum nang pumasok ako at agad na tumungo sa upuan ko para makaupo.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong klase na nagsisimula nang mag-ingay.

Tumigil naman ang mata ko sa bakanteng upuan na siya ang nagmamay-ari.

Wala pa siya...

Lihim akong nalungkot sa nakita. Hindi ako mapakali kung may posibilidad bang hindi siya papasok ngayon o baka malelate lang, ulit.

Minsan, Ang sarap na lang tuktukan sa ulo at pagsabihan siyang mag-aga ng gising. Kaya nga lang wala akong lakas, paano ko magagawa 'yon?.

Tahimik lang akong nakaupo dito sa upuan habang pinapanood silang nagtatawanan.

Hindi sa ayaw ko silang makasama. Ako na yung lumalayo dahil hindi ko trip 'yung mga ginagawa nila. Ayoko naman kasi masira 'yung mga moment nila kaya ako na 'yung nagpaparaya. Though, it's not a big deal. Sanay naman kasi ako at gusto kong laging mag-isa. Doon kasi ako nakakapag-isip ng maayos.

"Ay bongga, tumatawa si Ricky, friend!" Rinig kong tili ni Carl at nakipag-highfive sa katabi niya.

Napansin ko namang nakangisi ako kaya mabilis ko iyon inalis.

Napatakip ako ng mukha gamit ang kamay at pinagluruan ang buhok ko. Ramdam kong uminit ang pisngi ko... At naiinis ako dahil doon.

Naalala ko lang kasi na uuwi daw si mama next month dala 'yung pinapabili kong book. Natuwa lang naman ako at hindi ko namalayang nakangiti na pala ako kanina.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko na nagbukas ang pintuan kaya napako ang atensyon ko sa kung sinong pumasok.

"Hi Rj!" Maraming bumati sa kanya pagpasok niya kaya ginantihan niya lang ito ng ngiti at kaway.

Those smiles... were the reason why I have this weird feelings towards her. Dahan-dahan akong umayos ng upo pero palihim ko pa rin siyang sinusundan ng mata papunta sa upuan niya.

Nakaramdam ako ng kakaiba nang tumama bigla ang mata niya saken kaya bigla akong napaiwas ng tingin.

Lihim akong napabuga ng hininga. I hate this... Yung ang hina-hina ko pagdating sa ganitong bagay. Ang hirap kasi talagang tumayo sa ganitong sitwasyon para sa taong tulad ko.

Maayos ang naging daloy ng klase at nakakasagot rin ako sa board kahit papaano. Big deal iyon saken. Isang achievement para saken ang makatayo sa harap ng marami.

An Introvert's Love [SHORT STORY]Stories to obsess over. Discover now