Sealed

425 10 0
                                    

"Delete mo yon." Hindi pa man din ako nakakapag-hello, yun na agad ang bumungad sa akin.

"Ha?" Maang maangan kong tanong pilit inaalis ang simangot at kunot sa noo ko. Possessive tatay alert.

"Alam mo sinasabi ko, wag mo na paulitin sa akin." Nahimigan ko ang inis sa tono niya at batid ko ay kunot na naman ang noo niya.

"Love, lam mo ba i love you." I giggled trying to divert his attention.

"Wag mo ko ma-love love diyan ha, di mo ko madadaan sa mga love at ilove you mo. I-delete mo yun, Kathryn." Sumimangot na talaga ako at narinig kong pinapa-ready na ako ni Justine kasi malapit na raw sila Dj.

"Hmp. Bakit ba, ano na naman problema mo dun." I said rolling my eyes with so much irritation.

"Anong anong problema? Kathryn, nakikita na ang di dapat nila makita!" Sigaw niya sa kabilang linya kaya lalo ako napasimangot.

"Naka-short ako nun! Atsaka wala namang nakita na di dapat makita!"

"Ah talaga? Sorry ha, akala ko kasi maong na panty." I gasped with what he said. Ano bang problema niya? Di na siya nakakatuwa! Lagi na lang! Pero pag ako nagagalit sa suot niya, wala naman siya ginagawa!

"I hate you."

"Wag mo ko bababaan. Sinasabi ko sayo Kathryn, hindi talaga tayo makakapunta sa event na yan." Umirap ako at naramdaman ko rin na paiyak na ako. Nakakainis!

"Wag mo na ko sunduin."

"Hindi. Alam mo kesa nagaaway tayo, bakit di mo na lang idelete yang post mo?"

"Fine!" Umirap ako bago ko binaba ang tawag.

"Oh, bakit ka naiiyak diyan?" Napatingin ako kay Kim.

"Si Deej kase! Inaaway na naman ako dahil sa ig post ko!" Napairap ako at di ko na rin napigilan ang luha ko. Narinig ko rin silang tumatawa pati na rin si mama.

"Nako, umaarangkada na naman ang possessive na tatay ni baby." Kantyaw pa ni JV kaya napalabi ako.

"I hate him so much!" Padyak ko pa at halos manigas na ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses niya.

"Ano? Ayan ka na naman ha, mag usap nga tayo." Umirap ako at di gumalaw instead pinagtuunan ko na lang ng pansin ang ig post ko na iddelete ko na.

"Mama Min." Rinig kong sabi ni DJ na parang stress na stress na siya. Wow.

"Ahem, tara na nga JV, Justine, at Kim." Nakita kong palabas na sana sila nang makasalubong nila ang walang kaalam alam na si Boop.

Napanguso ako nang makitang sobrang nagtataka kase hinila agad siya nila Mama palabas. Ni-lock din nila ang kwarto. Hmp. I heard him sighed while I scrolled through my ig.

"Kath, eto na naman ba pagaawayan natin?" Hindi ko siya inimik.

"Wow, ganda naman neto." Nilakasan ko talaga ang dapat ay sa isip ko lang para malaman niyang wala na kong interes sa isesermon niya kase paulit ulit na lang kami.

"Kinakausap kita, Kath. Paano natin maaayos to? Di ka na naman marunong makinig." Blah blah.

"KathReid?" I got curious sa isang isang username na nakita ko at ig post niya na hindi ko naman maalalang may picture akong ganun with James Reid.

"Akin na nga yan." Nagulat ako kase naglloading pa lang eh nakuha na ni Deej sa kamay ko ang phone. Tinignan niya yun at nahalata ko ang pagclench ng jaw and fist niya.

B and TWhere stories live. Discover now