RTC-01

50.5K 223 9
                                    

"Fvck! Napakatagal naman magpapasok nung bouncer!" apila nung isang teenager na kala mong pinulbusan ng harina yung mukha niya.

Kasalukuyan kaming nakapila ni Teena dito sa club house. Wala pa pala kami sa club house nasa labas pa lang. Ilang minuto na kaming naghihintay, ayaw pa kasi magpapasok nung bouncer.

Ang dami pa kasing kung ano anong ginagawa. Iniisa isa pa kami para sa secured na clubhouse nila.

Hindi naman siguro kami katulad nang iba na pupunta lang dyan para manggulo? Mabait na mga bata yata 'to.

"Takteng bouncer! Papasabugin ko ang ulo ng hinayupak na 'yan kapag hindi pa niya tayo pinapasok!" hirit nung mayabang na lalaki na nasa may likod.

Kahit na ako ay inip na inip na, hindi ko na lang sila pinapansin, wala din namang mangyayari.

"Sus, pasko na! Hindi pa din tayo nakakapasok! Sobrang tagal!" reklamo ni Teena habang nakatingin sa mirror nung make-up thingy niya.

"Mukhang di ka naman talaga naiinip dahil panay ang tingin mo dyan sa salamin mo! Busy na busy ka sa pagpapaganda kahit na maganda ka na!" saad ko.

Inikutan niya ko ng kanyang magagandang mata pero patuloy pa din siya sa pagpapahid ng pulbos niya.

"Ito na nga lang ginagawa ko para matanggal 'tong pagkabagot ko! Saka kailangan mo din 'to noh! Try mo kaya?!" sabi ni Teena.

Bumuntong hininga na lang ako. "Hindi ko na kailangan nyan, maganda na ako!" biro ko.

"O di Ikaw na! O eh, maglagay ka nito para mas lalo ka pang gumanda," sabi niya habang patuloy pa din sa pagsasangkutsa ng mukha niya. Mukha na syang inambalsamo sa mukha nya. "Siguradong magkakandarapa na ang mga kalalakihan sa ganda mo!"

"Talaga la--"

Bago ko pa man masabi ang gusto kong sabihin kay Teena ay may napadaan sa harapan namin na tatlong lalaking tadtad ng tattoos at mukhang mga adik. Na sa tingin ko ay umalis sila mula sa pwesto nila kanina para makasingit sa pwesto na mas malapit sa entrance ng club.

Dahil dun ay umaapila 'yung mga nasa likod namin dahil sumisingit sila sa pila.

Mga sira-ulo ang mga hinayupak!

At unexpected na pinagdiskitahan nila si Teena na nagpupulbos pa din ng mukha.

"Hi pretty girl!" mahalay na sabi ni kuyang kulay dilaw ang buhok.

May itsura sana kaya lang parang hindi naliligo, mukhang hindi mabango.

Napatingin ako kay Teena. Tinago na niya yung make up thing niya at hinarap yung lalaki na may inis sa kanyang mga tingin.

"Ano naman kailangan mo?" Teena

Napangisi ako. Yabang ng pinsan ko.

Tumawa si yellow head. At napaharap sa mga kasama nya. "Ayos 'to mga pare!"

"Ikaw lang naman ang gusto ko. Want to have sex with me?" anunsyo ni yellow head. Nagtawanan silang tatlo.

Gustong na lang mahulog ng panga ko.

Yung mukha ni Teena. Parang nilukot dahil sa narinig nya.

"Sex?! Kapal ng mukha mo! Hindi ako makikipagsex sa isang adik na katulad mo, kaya if you'll excuse me, I'm not interested," sagot ni Teena

Natatawa ko sa loob-loob ko.

"Siguro gusto mo pa ng pinipilit noh? Pakipot ka pa kasi hindi mo ba alam na malaki 'tong sa akin. Siguradong maglalaway ka sa sarap!" pagyayabang ni yellow head, sabay tawa na naman silang tatlo.

REACHING THE CLIMAX (RTC BOOK 1) (Editing+Revising ~)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon