CHAPTER 15....I spent my whole day with him. Part 3

Magsimula sa umpisa
                                    

“O-okk!” sagot na lang ni Miles

“Oh! Ano na flavor na gusto mo?” tanong ko dito

“Vanilla Chocolate na lang.” sagot nito

“Miss, isang Vanilla Chocolate and Fudge Ripple Strawberry…”

Pagkatapos naming umorder. Naglakad-lakad pa kami sa Mall.

“Juls, seaside tayo…. Maaga pa naman, manood na rin tayo ng fireworks.”

Dahil sa suggestion ni Miles pumayag na rin ako. Pero iniwan muna namin sa compartment ng kotse ang mga pinamili ko.

\m/Miles POV \m/

Grabeh! Ang dami namang tao dito, ngayon sa seaside. Lalo na don sa may malapit sa fountain. Ano kaya pinagkakaguluhan nila don?

“Juls, lapit tayo don sa may nagkakagulong tao. Dali!” aya ko dito

Pag-dating namin don.  Nakita namin yung mga nagrorobot dance. Astig! Mag-bibigay ka lang ng kahit magkano. Pwede  ka ng magpapicture sa kanila. Hmmmm.. Kukuha na sana ako ng pera ng biglang sikuhin ako ni Julia.

“Bakit!?” Tapos nakita kong inginuso niya sa akin yung tao sa kabilang side

“Did you see what I see, Miles…” nakangiting sabi nito

Pagkasabi nun mabilis na kinuha ni Juls ang cellphone niya at pinicturan niya yung dalawa. Nakita kasi namin si Daniel at Kath. Nanonood din sila nung mga nag-rorobot dance. Tapos itong si DJ super alalay kay Kath. Ang sweet kaya nilang tingnan. Mabilis kong hinila si Julia at lumapit kami sa dalawa.

“Hey! Ms. Kathryn Cassandra Bernardo…” tawag ko dito.

Tumingin sa amin sina Daniel at Kath at kaagad namang inalis ni DJ ang kamay niya sa balikat ni Kath. Nakipagsiksikan kami ni Julia sa mga tao. Upang makalapit kami sa dalawa.

“Ano yan huh!? Are you two dating?” direct to the point na sabi ni Julia.

Kahit kailan talaga ang babaeng ito walang preno magsalita. Pero hindi nagawang sagutin kaagad ng dalawa ang tanong ni Julia. Bagkus nagkatitigan lang sila.

“Miles, silent means yes…right?” nakasmirk na sabi ni Julia sa ‘kin na ikinangiti ko naman dito

“Ahhhhmmmm...” bahagyang pagtikhim ni Daniel, tila ito nasasamid na hindi mo maintindihan.

Tapos lumayo ito ng bahagya kay Kath. Pero kitang-kita ko ang kakaibang ngiti sa mga labi ni DJ. Loko talaga ang isang ito.

 “Hindi Ahh!” late reaction na sabi nung dalawa

 “Nagpasama lang si DJ sa akin. Yun!” wika ni Kath

“Oo nagpasama lang ako!” natatawang sabi ni Daniel, sabay kamot sa batok.

“Hay naku! Isang defensive at isang denial. Ewan ko sa trip nyong dalawa.. Hahaha!” natatawang sabi ko sa kanila.

“Huling-huli namin kayo sa camera eh!” dagdag na sabi ni Juls

“Kayo talagang da…” sabi ko na naputol ng biglang tumunog ang phone ni DJ.

“Excuse me lang girls.” Lumayo sa amin si DJ kasi sa ingay ng paligid. Nung makaalis ito. Kinorner namin si Kath.

MY ULTIMATE SAVIOR (KathNiel♡Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon