MESSAGE

1.4K 19 1
                                    

I want to share side story of my life. When I was still in highschool, it's not my job to put lipgloss, eyeliner, lotion and even powder on my face so I'm entering my school with very pale face. Maputla kasi talaga ako lalo na yung lips ko, as in puting puti na talaga sya na aakalain mong may sakit ako sa araw araw nang ginawa ng Dyos. And my body figure was not like this before. My body used to be a chubby. Tipong yung sa tyan ko umabot ata dati ng 29 inches, nagiging 30 pa nga minsan. Tapos yung braso ko naman nasa 11-13 inches ang katabaan.

Until I learned to watch videos kung saan nakikita ko yung katawan ng mga babae na ang sesexy nila then ang gaganda pa. KPOP girl groups to be specific. I envy them. Everyday and everynight pinapanood ko ang mga videos nila. Hanggang sa naisip ko na 'What if gayahin ko sila? Pasexy din kaya ako?'. Nung una hirap na hirap talaga ako kasi di naman talaga ganun kadali magdiet. Kaya ang ginawa ko nag-aral muna ako ng sayaw. Hindi kasi talaga ako marunong sumayaw dati, nag self-study lang kumbaga. Hanggang sa ayun, sa kakapraktis ko nababawasan na yung taba ko. Natuto ako magbawas ng kinakain sa araw araw para lang pumayat payat ako kahit kaunti. I can't recall kung anong weight ko nun basta nasa 50+ ako nung time na yun. Kakasakripisyo ko pumayat lang naging 43 na ang weight ko. O diba? Laki ng ipinayat. Hahaha. Miski ako di makapaniwala na 43kgs nalang ako 'non.

I am a college student now. Dumadating yung time na tumatakaw ako lalo na kapag dadating na ang red tide sa buhay ko, wala e, hindi maiwasan kaya nadadagdagan na naman ang weight ko pero syempre hahayaan ko bang masayang nalang ang pinaghirapan ko? Hindi no! Kaya pagkakatapos ng red day ko, dun ko inuumpisahan ulit ang mag exercise at magbawas ng kinakain para bumalik ulit sa dati. Natuto na din akong maglipstick lalo na kapag papasok, sabi din kasi ng kuya ko college na daw ako kaya kahit daw lipstick lang maglagay ako so I did, nagpopolbo na din ako minsan. Hanggang dun lang, hanggang lipstick at polbo lang ako hindi kasi ako marunong magdrawing ng kilay gamit ang eyeliner saka maglagay ng liquid eyeliner kahit meron ako nun dito sa bahay. Dancer na din ako ngayon at naghahasa sa pagkanta at pagrarap. Natuto naman ako ng mga yun sa KPOP kaya malaki din ang kontribusyon na ibinigay sa akin nito.

What my point is, there's nothing impossible. Kung willing ka talaga na baguhin ang sarili mo makakaya mo kahit gaano kahirap. Kasi ang totoo nyan masarap iappreciate ang mga bagay na pinaghirapan mo at wala din namang bagay o pangyayari na makukuha mo agad agad, everything takes time nga sabi nila. So don't lose hope ateng, gaganda ka din, sesexy ka din, at magkakatalent ka din. Just trust yourself :)

Salamat! ^^


PATALASTAS:
NARANASAN MO NA BANG MA-FRIENDZONE? INTERESADO KA BANG MAKABASA NG STORY NA HINDI NAGING SUCCESSFUL ANG BUHAY PAG-IBIG NG BIDA? JUST VISIT MY ACCOUNT AND LOOK FOR THE 'STONE COLD' STORY. PERFECT ONE-SHOT STORY YUN PARA SA MGA NAFRIENDZONE! :)

 Tips Para GumandaWhere stories live. Discover now