Lord! Sana naman po may dumaan na kotse o motor! Pls. Save us! Pls.
May biglang pumara na kotse, nakita ko agad yung kotse kasi sa likod ako nakaharap. May bumaba doong lalaki na parang kasing edad lang din ni dad. Sumilip sya sa bintana ng kotse namin.
"Kuya, tulungan nyo naman po kami." pagmamakaawa ni mommy doon kay manong.
"Hintayin nyo ko dyan, ililigtas ko kayo."
Bumalik sya sa kotse nya at may biglang lumabas na batang lalaki sa kotse nya, mukhang 10 yrs old din sya katulad ko. Lumapit sya sa kotse namin at umupo sya bigla dun sa likod ng kotse namin, yung part na nasa kalsada pa kaya equal na. Salamat naman dito sa batang to at nakadagdag pa sa bigat dito sa likod. Nilagyan ni manong ng mga malalaking bato yung likod ng kotse kung saan nakaupo yung batang lalaki hanggang sa ok na. Bumaba naman yung batang lalaki.
Binuksan ni manong yung pintuan ng kotse sa backseat kung saan ako nakaupo.
"Halika dito bata, humawak ka sa kamay ko." sabi ni manong, bago ko pa man mahawakan ang kamay nya tumingin muna ako kina daddy at mommy.
"Go, Susunod ako" sabi ni dad at humawak naman ako kaagad sa kamay ni manong at agad akong nakalabas sa kotse. Biglang gumalaw ulit yung kotse.
[Authors POV (Flashback pa rin po to)]
Masyadong malambot ang lupang inaapakan ngayon ng kalahati ng kotse ng dahil siguro sa ulan.
Pagkababa na pagkababa ni Alex sa kotse ay muntik na syang maslide dahil medyo madulas ang inaapakan nya ngayon.
"Halika dito bata" sabi nung batang lalaki, agad naman lumapit si Alex sa kanya.
"Ayos ka lang? Hayaan mo, Susunod sayo ang mommy at daddy mo, ililigtas sila ng papa ko." pagcocomfort sa kanya ng batang lalaki at bigla na lang nya niyakap ang batang lalaki at umiyak ng umiyak.
Ang lakas lakas ng ulan, ililigtas naman ni manong ang mommy ni alex kaso nahihirapan sya dahil madulas ang daanan at malambot pa ang lupa at anytime na gumalaw ang mommy at daddy ni Alex ay posible pa ring mahulog sila.
Pumasok na sya sa kotse at ang una nyang inalalayan ay ang mommy ni alex at matagumpay din itong nakalabas.
"Humawak ka sakin pare, lalabas na tayo dito" sabi ni manong sa daddy ni Alex.
"Di ko magalaw paa ko, napulikat ata ako" sabi ng daddy ni Alex narinig naman yun ng mommy ni alex, lalapit na sana sya sa kotse kaso biglang sumigaw ang daddy ni alex.
"Dont come near us hon. Baka mahulog ka. We can do this" sabi ng daddy ni Alex, sumunod naman agad ang mommy ni Alex at niyakap nya na lang si Alex na umiiyak na habang hinahagod naman ng batang lalaki ang likod ni Alex. Tinawagan ng mommy ni alex ang police para marescue sila.
"Daddy! Huhuhu. Promise me na susunod ka." sigaw ni Alex sa daddy nya na umiiyak na.
"I promise baby." sabi ng daddy ni alex. Namomroblema na ngayon si manong dahil sa paa ng daddy ni Alex, masyadong malaki si manong para pumunta sya sa may passenger seat at malaki din ang daddy ni Alex. Wala syang may mahanap na paraan.
"Pare di ako mkapunta malapit sayo, ang bigat bigat ko, di tayo makakaya ng mga nagpapabigat sa likod" sabi ni manong.
Gustong makaalis ng daddy ni Alex dahil alam nyang naghihintay sa kanya si Alex sa labas at nagpromise pati sya sa anak nya na susunod sya at ayaw nyang mabali iyon.
"Pano to? Di ko talaga kaya." wala ng nagawa si Manong kaya dahan dahan syang lumapit sa daddy ni Alex para maalalayan ito. Habang lumalapit si manong sa daddy ni alex sya namang unti unting pagbaba ng part sa unahan ng kotse.
Matagumpay syang nakalapit sa daddy ni alex at inaalalayan na niya ito.
*Malakas na Kulog Effect*
Nagulat silang dalawa pati na rin sina Alex at napalakas ang pag iyak nina alex.
Mahuhulog na ang kotse kung saan nandoon si manong at ang daddy ni alex dahil sa landslide.
Tumakbo papunta sa kotse sina Alex kasama ang mommy nya at ang batang lalaki kaso huli na ang lahat.
Nahulog na ang kotse.
Kitang kita ni Alex ang paghulog ng kotse sa bangin. Napaluhod sya at nakisabay sa agos ng ulan ang kanyang mga luha. Niyakap sya ng mommy nya habang umiiyak at sigaw ng sigaw.
Nakatulala lang ang batang lalaki sa bangin kung saan nahulog ang kotseng sakay ang papa nya. Biglang may tumulong luha sa mga mata nya.
"Papa" bulong ng batang lalaki habang umiiyak at napaluhod din ito.
"You promised me dad! You promised me! You said you'll come." sabi ni alex habang humahagulgol.
Iyak ng iyak ang mommy ni alex, hindi sya makapaniwala sa nangyari, naiisip nya ang mga pangyayari kaninang umaga nung cinicelebrate nila ang birthday ni alex, silang tatlong may ngiti sa labi, yung parang walang problemang pamilya, yung normal na pamilya na masaya. Hindi nya lubos maisip na ang saya saya nila kanina kaso biglang naging ganito ang nangyari. Hinigpitan nya na lang ang yakap nya kay Alex.
SI ALEX NA LANG KASAMA KO, PAANO NA KAMI ANTHONY? BAT MO KAMI INIWAN? WAG MO NAMAN KAMING IWANAN ANTHONY, DI KO KAYANG MAWALA KA MAHAL KO.
Habang nagiiyakan ang tatlo, biglang dumating ang mga pulis at agad nila kinuha ang kotse kung saan nandoon ang dalawang lalaki.
Nakuha naman agad nila ang kotse at nandoon din sa loob si manong at ang daddy ni Alex ngunit sa kasamaang palad, patay na silang dalawa. Ginawa na nila ang lahat nilang makakaya kaso wala talaga.
[End]
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Updated! Tagal kong nawala, hehe!
YOU ARE READING
Ms. Varsity Player ^^
Teen Fiction" A Cold Hearted Person was Once a Person who Cared too much " -Alexis Hyacinth Reyes " A Real Women can do it all by herself.............. but a Real Man wont let her" -Andrew Hartwin Recto " A sense of Humor makes a MAN Handsome " -Inigo James San...
#9 (Continuation)
Start from the beginning
