"Ok lang nga po yun daddy pards! Paulit ulit po talaga kayo." nagsmile ako ng pagkalaki laki at sabay pakita sa kanilang dalawa "O see?? Ang lapad pa nga ng smile ko oh!! Kung makasad face kayo dyan parang namatayan kayo."
Napatawa naman sina dad at mom.
Nagpatuloy lang sa pagdradrive si daddy, habang ako naman ay natingin sa kalangitan..
Waaaah! Ang ganda pala ng langit pag gabi! :D
Wala kasing ganyan sa Manila eh >.<
Sisihin si Erap! Chows! xD
Naiinip na ako kakaupo. Haist. 2 hours na kaming nagbyabyahe. Di ba napapagod si daddy? si mommy nga tulog na o. Kawawa naman tatay ko.
"Di ka pa inaantok dad? You look tired"
"Naaah, i'm fine baby. You should sleep, your the one who should take a rest"
Ede ok, matutulog na lang ako, wala naman akong magawa eh. Kung tititigan ko pa yung mga stars baka matunaw yun, minsan na nga lang makakita ng stars ng ganyang karame eh.
"Ok dad"
*Kulog*
Waaah! Agad akong napagising sa kulog.
Nyay! Umuulan na pala!
Ang lakas ng ulan. Grabe.
"May bagyo ata hon" nagising din pala si mommy, distorbo kasi yung kulog eh.
"Oo nga eh, ang hirap ng daanan. May bangin pa naman doon sa may gilid ng kalsada sa una unahan."
Bangin? Ayy oo nga noh, nadaanan din namin yun kanina.
*Brake ng kotse Effect*
Waaah! Muntikan na kami, ang dulas kasi nung dinadaanan namin ngayon.
"Dad slow down" sabi ko kay daddy na nabigla din.
Nagpatuloy ulit si dad sa pagmamaneho nya.
May nakikita akong white na particle doon sa una unahan,
Ano kaya yun?
Hihintayin ko na lang yun na matapatan ng ilaw.
Malapit na.
Malapit na.
Malapit na.
"Waaaah! Aso! Dad may aso! Masasagasaan mo sya dad!!" nagulat sa akin si dad at bigla nyang natabig pakaliwa yung manubela. Nabangga yung ulo ko sa bintana ng kotse at dumugo ito habang si mom naman ay sigaw ng sigaw at si dad naman ay patuloy na kinokontrol ang manubela hanggang sa ang kalahati ng kotse ay nawalan na ng tinatapakan, malapit ng mahulog sa bangin at ang kalahati ay nasa taas (A/N: Di po yung kotse as in nabali o nawasak, imaginin nyo na lang po na yung kalahati ng kotse ay malapit ng mahulog at ang kalahati ay nakatungtong pa sa kalsada. Bale yung sa backseat na part yung nasa kalsada pa kung saan si Alexis nakaupo at yung sa frontseat at passengers seat na part kung saan nakaupo ang mommy at daddy ni Alexis ay yung malapit ng mahulog ).
"Dont Move" sabi ni Dad kay Mom na naiiyak na dahil pagewang gewang na yung kotse namin.
Kailangan kong magpabigat dito, mabuti na lang at marami rami din kaming dalang mga bagahe.
"Alex dont come near us ok? Just stay there. Magpabigat ka" sinunod ko naman si dad.
Lumuhod ako sa upuan at humarap sa likod para bumalance yung kotse.
"Blood! Blood! Oh my gosh Lexie your head is bleeding!" pagtataranta ni mommy, biglang gumalaw ulit yung kotse.
"Im ok mom, dont mind me" sabi ko kay mommy habang nakatalikod ako.
YOU ARE READING
Ms. Varsity Player ^^
Teen Fiction" A Cold Hearted Person was Once a Person who Cared too much " -Alexis Hyacinth Reyes " A Real Women can do it all by herself.............. but a Real Man wont let her" -Andrew Hartwin Recto " A sense of Humor makes a MAN Handsome " -Inigo James San...
#9 (Continuation)
Start from the beginning
